[36] Why is there only one Bryle Ortega?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Minsan kasi, kahit gawin mo ang lahat, kahit halos gawin mo ng tanga sarili mo mapansin ka lang niya, kung hindi ka niya gusto hindi ka niya gusto. Kahit magpapansin ka, kung hindi naman ikaw ang tinitingnan niya hinding hindi ka mapapadpad sa paningin niya."

"Bakit ganon? Ang unfair. Sobrang unfair."

"Ganoon talaga Chelsea eh. May taong tanga kasi may taong nagpapakatanga. May taong gago kasi may nagpapagago. May nasasaktan kasi may nananakit. Nasasa'yo na yan kung sino ka."

"Pero hindi mo naman mapipili kung sino ka hindi ba? Lalo na kung ikaw ang nagmamahal."

"Chelsea, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. Buti ka pa nga eh.. At least kahit papaano may nagmahal sa'yo.. Eh ako? Lalapit pa lang ako akala mo kung sino ng maruming nilalang, akala mo kung ano ng gagawin ko. Bakit? Hindi na ba kami pwede magmahal? Hindi na baka kami pwedeng mahalin? Tangina po. Tao rin kami.

Awww, Miks. :'(

"Tumatawa na lang ako, pero alam mo? Minsan, uupo ka na lang tapos titingin sa taong inlove tapos tatanungin mo yung sarili mo.. Bakit sakanila may nagmamahal? Bakit sa akin wala?"

Gustong gusto kong yakapin si Miks. Ngayon lang siya naglabas sa akin ng ganito.

"Alam mo ba yung pakiramdam na, nakakapagod din pala na ikaw na lang yung nagmamahal. Yung minsan, kailangan mo din ng isang taong.. Isang tao lang na ipapakita na kahit anong mangyari, sayo siya kampi, hindi ka niya iiwan, nandiyan lang siya."

Nagsalita lang siya. Nakinig lang ako.

"Baduy ba? Paulit ulit ko na rin ngang nariring yun eh. Cliché na talaga. Pero, may oras talaga na kailangan mo ng isang tao na.. Kapag kailangan mong umiyak, dadamayan ka niya. Kapag masaya ka nandiyan siya, kapag natatakot ka hindi ka niya iiwan. Yung ganun."

Tumingin siya bigla sa akin at nagpeke ng tawa.

"Kaso bakit ganun? Sa bilyong bilyong tao sa mundo.. Bakit wala ni isang taong.. Kayang ipakita at iparamdam yun sa akin?"

"Hahahaha. Ganun ba akong kahirap mahalin? Talaga bang.. Wala? :')"

Tumatawa siya pero alam kong nasasaktan siya. Oo nga Chelsea, lahat ng tao nasasaktan. Anong ikinaiba mo sa kanila? Wala naman hindi ba? Maging matatag ka.

"Pero kahit ganoon, iniyakan ko ba? Oo masakit na minsan pag nagmumuni muni ka sa gabi at naiisip mo kung bakit walang kayang magmahal sa'yo manghihina na lang ang loob mo at bababa ang tingin mo sa sarili mo. Pero nagpaapekto ba ako? Hindi, Chels. Kasi, kakayankayanin ka lang nila kapag nagpakaya ka. Aapak apakan ka nila pag nagpaapak ka. Minsan, nasasayo rin kung paano mo dadalhin ang sarili mo. Kahit na ikaw ang pinakapanget na tao na pati oranggutan mahihiya sa mukha mo, nasasayo pa rin yan kung magpapaapekto ka o ieembrace mo pagkatao mo. Minsan nasa pananaw lang yan ng isang tao."

Nginitian ako ni Miks.

"Kung iisipin mong masakit, aba eh sasakit talaga. Kung iisipin mong hindi mo kayang makita silang dalawa, eh magiging awkward nga. Hindi naman sila ang masasaktan eh, ikaw. Pag ba nakita mo silang masaya ikakamatay mo? At wag mo akong dadalihan ng "I'm dying a little inside" line kasi wag kang tanga.. Ano ka, bumbilya?"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Minsan talaga hindi kaya ni Miks maging seryoso. Pero alam kong seryoso siya.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"Miss Chelsea del Mundo, hindi deserving si Bryle Ortega para diyan sa mga luha mo. Hindi ka katulad ng ibang babaeng niloko niya. Hindi ka dapat umiiyak na tulad nila. Alam mo, minsan... Kahit naloko ka, dapat ipakita mong malakas ka. Dapat ipakita mo sakanila na hindi mo siya kawalan. Bakit? Sino ba siya? Ginagawa ba niya assignment mo? Nilalabhan ba niya damit mo? Niluluto ba niya kinakain mo? Hindi. Kailangan mo ng kasama? Kaya nga may barkada. Kailangan mo ng katext gabi gabi? Fine sige baks, maguunli ako for you every night. Gusto mo ng may ka I love you-han? I love you, Chelsea. Gusto mo ng may kahalikan? Baks.. Bibili kita ng teddy bear tadtarin mo ng kiss. Di pwede ang akin. Kaya nga, wag ka ng umiyak diyan. Si Bryle Ortega gwapo lang yun... Pero umuutot din yun. Wag mo masyadong pakaiyakan at hindi naman siya namatay. Baka mahiya ang mga crying ladies girl ha? Wag ka ng umiyak."

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon