[33] The Man In A Black Suit

Start bij het begin
                                    

"Dito nalang tayo, Kaye Anne. Pagluluto nalang kita ng kahit anong gusto mong pagkain..."

Pumikit ako, pero yung kamay ko, kinakapa ang popcorn sa center table. Subo lang ako ng subo ng popcorn nang biglang....

"Magpakasal na kaya tayo? Kailan mo ba gusto?"

Literal na tumigil ang mundo ko. At hindi lang yun, nasamid pa ako ng bonggang-bongga. "Ack! Ack! A--ckk!" Bumangon ako habang pinapalo ang dibdib ko. 

"Uy, 'wag mong hampasin! Ito, tubig oh!" Inabutan ako ni Nathan ng tubig at agad-agad ko naman itong nilagok. OO! Lagok talaga yung term. "Oh, ano? Okay ka na?"

As an answer to his stupid question, I smacked him hard on his right arm. "Grabe naman kasi eh! Ba't ka nanggugulat?"

"Nanggulat ba ako? Hindi naman ah." Yung reaksyon niya... Grabe, parang wala lang sa kanya yung sinabi niya.

I rolled my eyes. "Badtrip ka."

Natawa siya habang kumukuha ng popcorn sa hawak ko. Syempre, sumubo din ako ng akin. "Sigurado ka na ba sa akin?"

And again... "Ack! Ack! Ack!" Shiz!! Lagi nalang sumasabit sa lalamunan ko!!

"Hahaha! Dahan-dahan lang kasi, kulet. Ipag-ma-microwave pa kita kung gusto mo," sabi niya habang hinahaplos ang likod ko. Nababaliw na po ba si Nathan? Ano ba ang mga lumalabas sa bibig niya? Huhuhu!

"Manuod nalang kaya tayo ang mabuti pa?" Mataray na sabi ko at umayos na ng upo. Medyo lumayo ako ng kaunti sa kanya kasi kaunti nalang masasakal ko na siya sa sobrang asar.

Buti nalang tumahimik na rin si Nathan hanggang sa matapos ang Insideous 1. Ngayon naman, ang pinanuod namin ay ang Insideous 2. Same feeling... Wala ng thrill. Haayy... Ito ba naman ang 4th time ko sa panunuod nito e.

Akala ko, tatahimik na ang apat na sulok ng home theater na ito nang magsalita ulit si Nathan...

"Mahal mo ba ako?"

Nanlalaki ang mata ko siyang tinignan. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakafocus lang siya sa screen. Seriously?!?

"Prince Nathaniel Salvador, ano'ng meron sayo ngayon?" Buong taka kong tanong.

Tumingin naman siya sa akin. Take note, nasa gitna ng nakakatakot na scene ang movie pero ang kalmado lang namin.

"Mahal mo ba ako?" He repeated the question!!

"O...of course, I love you..." He's weird. Why all of a sudden asked these questions?

He smiled. "Sure?"

"Oo naman."

He smiled widely. "Edi magpakasal na tayo..."

Hindi na ako kumakain ng popcorn ngayon pero napalunok talaga ako ng bongga! "Nathan, are you proposing to me?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi. Hindi naman ako nagtatanong."

Kumunot ang noo ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Geez, ba't ako biglang nanlamig?

"Statement yun. Ayokong tanungin ka kasi 'oo o hindi' lang ang sagot sa 'Will you marry me?'. Eh paano kung 'hindi' ang sagot mo? Edi pahiya ako?" He wiggled his brow to me. Nagpapacute! "Walang tanong-tanong. Pakasalan mo nalang ako."

Bufferring.... Bufferring... Bufferring...

"S-seryoso ka, Nathan?" Yun nalang nasabi ko. Magpapakasal kami?

"Mukha ba akong nagbibiro?" Nakasimangot na sabi niya kaya natawa ako.

"I-try mo kayang tanungin ako. Hindi ka ba curious sa magiging sagot ko?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu