Acceptance

1.8K 125 23
                                    

Kanina pa pinagpapawisan si Glaiza kahit na malamig naman sa condo ni Bianca. Hindi siya makatingin ng diretso sa Mommy ni Rhian kahit na maya't maya ito nagtatanong. Hindi naman galit ang boses ni Mommy Clara. Pero hindi din parang "agree". Hindi madefine ni Glaiza kung anong nararamdaman ni Mommy Clara ngayong nalaman nito na Girlfriend na niya si Rhian.

Nasan na ba si Rhi? Glaiza thought.

Kasama ni Mommy Clara si Nadine na ate ni Rhian at magkasama yung dalawa ngayon para pumunta sa kotse sa baba pa ng condo dahil may groceries daw na binili sina Mommy Clara para kina Rhian. Nagpaalam si Rhian kanina kay Glaiza na sasamahan lang daw niya ang ate niya sa baba para nga kunin yung pinamili ng Mommy niya.

Wala pa atang 5 minutes nung lumabas sina Nadine and Rhian pero humihingi na ng tulong itong si Glaiza at hinahanap na niya ang Girlfriend niya.


Dalawa lang kasi sila ni Mommy Clara ngayon na nakaupo sa couch kaya napepressure siya at sobrang kinakabahan. Medyo nakayuko siya na parang batang pinapagalitan.




"Kailan pa?"



Nabigla siya nang magsalita si Mommy Clara. Sinulyapan niya ito sandali tapos nag-look away na ulit dahil sa kaba at sobrang hiya. "M-Mag-tu-two months na po."

"Mahal mo si Rhiri?"

Mabilis na tumango si Glaiza tapos sumulyap ulit sandali kay Mommy Clara. "S-Sobra po."

"Bakit di ka tumitingin sakin ng diretso?"

"N-Nahihiya po ako."

"Bakit ka nahihiya kung nagsasabi ka ng totoo?"


Napalunok si Glaiza tapos unti unting sumulyap kay Mommy Clara pero nahihiya talaga siya.

"Mahal mo si Rhiri?" Ulit na tanong ni Mommy Clara habang nakatingin kay Glaiza.

Tumango ulit si Glaiza. "M-Mahal na mahal po." Nakatingin siya kay Mommy Clara.

"Bakit mo siya minahal?" Mommy Clara asks.

"B-Bakit naman po hindi? W-Worth it pong mahalin yung anak ninyo."

"Bigyan mo ako ng dahilan dahil karamihan ng lumalapit sa kanya at nagiging karelasyon niya ay ginagamit lang siya. Bakit mo mahal si Rhiri?"

Yumuko sandali si Glaiza tapis tumingin ulit kay Mommy Clara pero nag-look away din siya. "W-Wag niyo naman po sana akong igaya sa mga yun. Sobrang bait po ni Rhian, Momm-- Tita Clara." Napalunok siya. "Masaya po ako pag kasama ko siya. Kahit noon pa naman po e. Hindi lang po nabigyan ng chance kasi.... m-may boyfriend siya dati. Kaya... hindi ko po maexplain yung sayang naramdaman ko nung... nung nagkasama ulit kami sa PBB house. Sobrang saya ko po nun kasi sabi ko, baka ito na yun. Baka... baka kaya pinagtapo ulit kami kasi... baka kailangan ko ng mag-move. And maniwala po kayo, simula't simula palang, totoo na yung nararamdaman ko kay Rhian. Sobrang totoo po." Sumusulyap sulyap siya kay Mommy Clara habang sinasabi yung nararamdaman niya. "Sobrang masaya po ako sa anak niyo, Tita. Sobra po talaga. Si Rhian po yung happy pill ko. At... sa totoo lang po... siguro po sasabihin niyo mababaw ako pero.... h-hindi ko po alam ang gagawin ko pag nawala si Rhian sakin. Totoo po yun. S-Sobrang mahal ko po si Rhian, Tita. Mahal na mahal ko po yung anak niyo."


Sandaling natahimik si Mommy Clara. Pinagmasdan lang niya sandali si Glaiza.


"This is complicated. Alam mo ba yun?"


Unti unting tumango si Glaiza. "Alam po naming dalawa yun, Tita. Kahit nasa loob pa po kami ng bahay ni Kuya, pinipilit na kaming sinisira. Sarili ko pa pong pamilya." Medyo pabulong nung sinabi niya yung huling line.


RASTRO on PBBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon