Outside World

1.6K 113 9
                                    

"Yeeeees." Rhian said kasabay ng pagbuntong hininga nang mahiga sa kama sa loob ng condo ni Bianca. Naka-open pa yung dalawang arms niya tapos nakatingin sa kisame. Nagbuntong hininga ulit siya at pumikit. "So comfy."

Hindi naman napigilan ni Glaiza ang mapangiti habang tinitingnan ang Girlfriend niya. Nilagay niya sa gilid ng pinto ang maleta na dala niya tapos nilapitan si Rhian.

"Please be safe sa outside world. Alagaan mo ng mabuti si Rhiri ha? Magingat kayong dalawa. Please, ipaglaban mo siya and sana wag mo siyang bibitawan. Hindi ka na makakahanap ng kasing ganda at kasing baliw niya, Glaiza. Alagaan mo yung bestfriend ko habang wala pa kami nina Chyns sa labas na tutulong sa inyo."


Parang narinig ni Glaiza ang boses ni Bianca nung pinagsabihan siya nito bago pa sila makalabas ng tuluyan sa bahay ni Kuya.


Hindi namamalayan ni Glaiza na napapatitig na siya sa Girlfriend niya. Maririnig sa paghinga ni Rhian na parang lumipad na sa ibang dimensyon ang diwa nito, ibig sabihin ay nakatulog na.

Umupo si Glaiza sa kama at inayos ang higa ni Rhian. Tinaas niya ang mga paa nito at inilagay sa bandang tiyan ang mga kamay nito.

"Mahal na mahal kita." She said habang tinitingnan si Rhian. "Sobrang mahal kita."

"Mamimiss namin kayo tsong. Tandaan niyong dalawa, sa susunod na magkaproblema kayo, problema ang tinatapos hindi relasyon."


Napangiti siya nang boses naman ni Chyns ang narinig niya sa utak niya.

Saglit niyang hinalikan ang noo ni Rhian, ang ilong at ang kamay nito bago siya tumayo ulit para ayusin muna yung gamit nila dahil dito na sila muna magsstay sa condo na pinagkatiwala ni Bianca sa kanila.

//


"Rhian at Glaiza, pumasok kayo sa loob ng Confession room."


Nagising bigla si Rhian at parang naalimpungatan nang biglang marinig ang boses ni Kuya.

"Omg." Napalunok siya at medyo nabigla nang marealized na wala na nga pala sila sa bahay ni Kuya. "Oh my gosh... Kuya, lubayan mo na muna ako." Medyo natawa siya sa sarili niya nung sinabi niya yun.

"Hmmm."

Napangiti si Rhian nang makitang tulog na tulog si Glaiza sa harap niya ngayon. Bigla nitong ipinatong ang kamay sa bewang niya at lalong yumakap sa kanya so medyo napalapit siya sa leeg nito kaya rinig niya ang paghinga nito. Naaamoy niya din ang pabango ni Glaiza na parang hindi kumukupas.

Ipinatong din niya ang kamay niya sa bewang ni Glaiza at lalo pang napangiti tapos lalong sumiksik sa leeg nito at pumikit. Ang sarap sa feeling. Hindi namin to nagagawa nung nandun pa kami sa bahay ni Kuya pero... now, we can hug each other kahit hanggang kelan namin gusto.

She smiled and saglit na hinalikan ang leeg ni Glaiza. "I love you so much."

"Hmmm."

Lalong napangiti si Rhian nang marinig ang ungot ng Girlfriend niya. "I love you, G."

Naramdaman niyang hinalikan siya ni Glaiza ulo pero alam niyang nakapikit pa din ito. Bumulong si Glaiza ng "I love you too." bago natulog na ulit.

Natulog si Rhian nang nakangiti at kilig na kilig.

//

Krrrriiiiiiiinnnggggggggg.
Krrrriiiiiiiinnnggggggggg.
Krrrriiiiiiiinnnggggggggg.



Sabay na napadilat ng mga mata sina Glaiza at Rhian nang marinig ang tunog na yun.



Krrrriiiiiiiinnnggggggggg.
Krrrriiiiiiiinnnggggggggg.


RASTRO on PBBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon