DECISION

4.6K 208 61
                                    

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Glaiza.


"Uulitin ko, gusto mo bang ma-force evict si Maricris dahil sa nangyari?" Tanong ulit ni Kuya.

Kasalukuyang nasa confession room si Glaiza. Hawak niya yung kanang braso niya dahil sobrang nafifeel na niya yung ngalay ngayon dahil sa task kagabi. Plus, yung nangyari pa kanina. Less than 30 minutes nalang sana, matatapos na niya yung task pero.....sa isang iglap, nawala lahat at nasayang ang effort niya. Pero hindi niya alam. Ngayon, pinagdedesisyon siya ni Kuya. Hindi niya alam. Pinapasok siya ni Kuya sa Confession Room para alamin yung sagot niya kung gusto niya bang ma-evict si Maricris dahil sa ginawa nito o hindi.

Napalunok siya. Hindi niya alam.

"Kuya, sorry po talaga pero di ko po kayang magdesisyon.... Hindi ko pa po kaya. Kung pwede po, pagisipan ko po muna?" Glaiza said.

"Oh sige. Bibigyan kita ng pagkakataong kausapin ang DALAWA lang sa mga housemates at kumuha ka ng opinyon sa kanila. Bumalik ka pag nakausap mo na sila at nakapagdesisyon ka na." Sabi naman ni Kuya.

Tumango si Glaiza. "Opo."

"Maaari ka ng lumabas at bumalik na lamang kapag nakakuha ka na ng opinyon ng dalawa sa mga housemates."

"Salamat po Kuya." Tumayo na siya at lumabas na ng confession room.


Rhian.... Rhian at Chynna. Kailangan ko yung opinion nila tungkol dito. She thought.




//



"G." Napatayo si Rhian nang makita si Glaiza na papunta sa couch dahil kakalabas lang nito ng confession room.

Umupo si Glaiza sa tabi niya. "Kumain ka na?" Tanong ni Glaiza kay Rhian.

Napakunot ang noo ni Rhian. "Hindi pa. Pero wag mo kong intindihin. Ikaw? How are you? Your feeling? I know wala ka pang tulog so matulog ka na muna kaya?"

Umiling si Glaiza. "Okay lang naman ako."

"You're obviously not." Rhian said.

"Samahan mo na muna yang si Glaiza sa kwarto Rhian. Patulugin mo na muna." Chynna said na nandun din sa couch. "Nandun si Sheena tsaka Julie. Since may sakit si Sheena, si Julie yung nandun muna para samahan siya. Baka nagsasawa na din kasi sakin kaya lumabas muna ako." Medyo natawa pa si Chynna.

Napatingin si Glaiza bigla sa may pool Area. Nandun si Maricris, kinakausap ito ni Luis tsaka Benjamin.

Napalunok siya. Big deal nga siguro talaga yung ginawa niya. Hindi lang sakin kundi pati na rin sa ibang housemates.

Hinawakan bigla ni Rhian yung kamay ni Glaiza para samahan na ito na pumunta sa kwarto.

Tumayo na rin si Glaiza at pumayag na since si Rhian naman ang kasama niya at siguro pagkakataon na din to para makuha niya yung opinion nito.



RASTRO on PBBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon