MUSICAL TASK

2.8K 122 20
                                    

Nagdidiskusyon ngayon ang lahat ng housemates dahil mauubos na daw yung pagkain nila para sa linggong yun. Sigurado silang another task nanaman ang ibibigay ni Kuya sa kanila para makakuha sila ng pagkain.






"Paano? Kelan natin kakausapin si Kuya?" Tanong ni Sheena.

"Iniisip ko kasi, pag ngayon tayo lumapit kay Kuya at sinabi natin na last meal na natin to ngayong week, syempre baka mamayang hapon, magkakaroon agad tayo ng task." Luis said.


"So, kelan natin balak sabihin kay Kuya na kailangan natin ng pagkain?" Mike asked.

Parang napaisip naman si Luis.

"Sabihin na kaya natin ngayon para makapag-ready tayo kung sakaling mamaya na nga makapagbigay si Kuya ng task." Sabi bigla ni Enzo.

Nag-agree naman yung ibang housemates.

"I'm sure mabigat bigat na task yan kasi medyo kailangan na talaga natin ng food and knowing Kuya, laging dumedepende yung task na pinapagawa niya sa bagay na hinihingi natin sa kanya." Sarah said.

Napatango-tango si Luis. "Okay... So, sige. Ako nalang kakausap kay Kuya."

Tumango din yung mga housemates.

"Goodluck, kuya Luis." Julie said.

Tumayo na si Luis at pumunta na sa confession room para kausapin si Kuya.



.

.

.

.

.

"2 groups. 7 members each since 14 tayo." Panimula ni Luis pagkalabas na pagkalabas niya galing confession room. "Hindi ko pa alam yung task na gagawin natin kasi sabi ni Kuya, mag-grupo grupo muna daw tayo tapos kakausapin niya tayo pagkatapos." Huminga ng malalim si Luis. "Ako daw at si Mike yung maghahati sating lahat. So, ako yung mamimili ng makakasama ko sa task na to tapos si Mike yung mamimili ng mga makakasama niya."


Tumango tango yung mga housemates.


"So, paano? Start na tayong mamili?" Tanong ni Mike. "O sila yung pipili sating dalawa kung sinong gusto nilang samahan?"

"Tayo yung sinabi ni Kuya na mamili." Luis said.

Tumango si Mike. "Ah, okay. Sooo, sinong mauunang mamili?"

"Ikaw nalang muna."

"Okay sige." Huminga ng malalim si Mike at tumingin sa mga housemates. "Hmmm... Sheena."

Nabigla naman si Sheena. "Ako?"

"Oo naman. Syempre una ka sa listahan ko." Natawa pa si Mike. Pinalo lang naman siya sa braso ni Sheena at nagtawanan ang mga housemates.

"Well..." Parang napaisip naman si Luis tapos biglang nabaling ang atensyon niya kay Rhian. "Rhian. Pwede bang sakin ka?" Medyo natawa si Luis.




Napakunot naman ang noo ni Rhian tapos napatingin siya kay Glaiza na nasa tabi lang niya ngayon pero tumango nalang ito kasi wala din naman silang choice. Di naman siya pwedeng tumanggi. Napabitaw tuloy siya sa kamay nito since magka-holding hands sila kanina pa. Lumapit na siya kay Luis pero hindi siya nagsalita.







Napangiti si Mike. "Syempre naman, other half ng RaStro yung kinuha mo... Edi...other half rin ng RaStro yung kukunin ko. Glaiza? Please?"






RASTRO on PBBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon