CONFESSIONS

4K 222 52
                                    

"This is all my fault. I'm sorry." Rhian said. "Dapat hindi ko hinayaang mag-usap kayong dalawa. Tigilan niyo na. Please, tama na. Ayoko na."

Nabigla si Glaiza.

Napalunok si Jason.

"Ayoko na." Nagbuntong hininga si Rhian at napayuko saglit.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ni Glaiza. Mabilis ang tibok ng puso niya.

Samantalang nag-aabang lang si Jason ng sasabihin ni Rhian.

"Glaiza...." Napalunok si Rhian at tiningnan si Glaiza. "I'm sorry."

I'm sorry.

Two words lang pero alam na ni Glaiza ang ibig sabihin.

Parang tumigil ang mundo niya pero alam niyang kailangan niyang gumalaw.... Pinunasan niya yung luha niya bago tiningnan si Rhian.

"Okay." Parang namaos pa si Glaiza nung sinabi yun. Yun lang ang sinabi niya bago siya tuluyang maglakad papasok na sa loob ng bahay.

Hahawakan sana ni Rhian yung braso niya pero umiwas na siya.

"Love...." Rhian said pero hindi na siya nilingon ni Glaiza.

Napayuko si Rhian at gustung gusto niyang mag-mura ngayon. Actually nagmumura na siya sa utak niya ngayon dahil hindi na niya alam ang nangyayari. Ano bang sinabi mo? Para saan ba yung sorry na yun, Rhian?! Ang tanga tanga mo!

Napahawak siya sa bibig niya dahil gusto niyang umiyak ngayon. Napailing siya at tatalikod na rin sana at papasok na sa loob ng bahay nang maramdaman niya yung kamay ni Jason na humawak sa braso niya.

"Rhi--"

"Stop!" Napasigaw na si Rhian bago pa ituloy ni Jason yung pagtawag sa kanya. "Please, J, you need to stop."

Binitawan ni Jason yung braso ni Rhian. "Wala na ba talagang pag-asa?"

Humarap si Rhian kay Jason para makapag-usap sila ng ayos. "I love her.... Sobrang mahal ko si G. Please naman, wag na. Wag nalang ulit ako. Iba nalang."

"Anong magagawa ko kung mahal pa talaga kita?"

"I'm sorry pero masasaktan ka lang kakahintay na bumalik ako sayo kasi alam ko sa sarili ko, hindi na yun mangyayari. Ayoko na Jason. Mahal ko si Glaiza at magsstay ako sa kanya."

"Nag-sorry ka na nga sa kanya diba? Ibig sabihin nun, nakikipaghiwalay ka na."

"Nag-sorry ako sa kanya dahil nasasaktan siya!" Halos mapasigaw na si Rhian dala na rin ng emotion na nararamdaman niya ngayon. "Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin na makitang nasasaktan siya. Alam kong ayaw niya yung ganitong sitwasyon kasi alam kong nahihirapan siya. Alam kong hindi madali sa kanya na ipaglaban ako pero ipinaglalaban niya pa rin ako...kasi mahal niya ko. And ganun din ako sa kanya, J, so please, ayoko na. Wag ka ng umasa sakin kasi hindi na tayo babalik sa dati. I'm sorry."

Umiling si Jason. "Baka naman nararamdaman mo lang yan dahil magkasama kayo dito sa bahay ni Kuya? Baka naman hindi mo siya mahal, Rhi. Baka nasanay ka lang sa presence niya kaya akala mo mahal mo siya--"

"MAHAL KO SIYA!" Ayun na. Napasigaw na si Rhian. "Mahal ko si Glaiza, Jason. Please naman! Tama na. Wag ka ng umasa sakin, maghanap ka nalang ng iba." Rhian exhaled. "I love her so much. Mahal ko siya hindi lang dahil parati kaming magkasama dito or nasanay lang ako sa presence niya. Mahal ko siya dahil mahal ko siya. Mahal ko siya kahit noon pa man. Mahal ko siya, J, and you need to accept that. Mahal ko si Glaiza. I'm sorry pero kailangan mo na kong tigilan."

RASTRO on PBBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon