Bed 29

49.2K 899 11
                                    

Wage's POV

"Pia!" malakas na sigaw ko at ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko. Mabilis ko itong dinaluhan at pilit na pinamumulat ang mga mata nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagdaloy ng dugo sa noo nito at sa pagitan ng mga hita nito. Walang sabi-sabing binuhat ko ito sa aking bisig at lakad takbong lumabas ng bahay.

Nakita ko pa ang mga kaibigan ko na kasama ang mga magulang ni Pia pero agad kong isinakay ang walang malay na babaeng mahal ko sa kotse at mabilis itong pinasibad papuntang ospital.

"Please, sweetie. Wake up. Don't leave me." naramdaman ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa magkabilang pisngi ko.

I feel numb right now and I can't think about clearly. Ni hindi ko na alam kung paano ako nakarating agad sa ospital at binuhat ito papasok.

"Please save my wife. Please." natataranta kong wika habang dinadala ito sa papunta sa emergency room.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo. Bawal po kayo sa loob." 

"No, I want to see what's happening to my wife. She's bleeding for fucksake!" hysterical na sigaw ko ngunit pinigilan nila akong makapasok.

Napaupo na lang ako sa lapag at naiinis na sinabunutan ang sarili ko. This is all my fault. Kung hindi ko sana iniwan sa loob ng bahay na iyon si Pia, hindi sana mangyayari sa kanya to.

I promise to protect her forever, but I failed. Kung may mangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Napasigaw na lang ako sa sakit na nararamdaman ko at lungkot sa nangyayari sa taong mahal ko.

Naramdaman ko na lang ang mga brasong pilit akong itinatayo at sinasabing magiging ayos lang ang lahat.

Walang tigil sa pag-alpas ng mga luha sa mga mata ko sa kaalamang nasa masamang kalagayan ngayon ang asawa ko. No, I cannot live without her. Oh God.


NAKATULALA na lamang ako sa kawalan at hindi ko na alam kung ilang oras ng nasa loob ng emergency room si Pia. Wala pa ding lumalabas doon at lalo akong natatakot.

I kept on mumbling my prayers just to save my wife. I can't lose her. Not now kung kailan pa buo na ang pamilya namin. Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

"Hijo, mabuti pa kung umuwi ka muna. Hinahanap ka na ng mga bata at kanina pa daw nagsisi-iyak sa bahay ninyo." malumanay na wika ng ina ni Pia sa akin habang kayakap ang asawa nito.

Tulalang umiling ako sa kanila at wala akong maapuhap na salita. I really don't know how to react right now. I wasn't able to use my fucking mind or what should I do just to save my wife.

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko at napayuko na lamang ako.

"I know my daughter well, Wage. She's a strong woman. I know she'll fight for her life because you're waiting for her, the kids and also us." sabi ng ama ni Pia. 

Pare-pareho kaming napatayo sa kinauupuan namin nang lumabas ang doktor. 

"Who are the family members of the patient?"

"I'm her husband." mabilis na nilapitan ko ito at inaabangan ang sasabihin niya tungkol sa kalagayan ni Pia.

"For now, the patient is stable. She's so lucky dahil malakas ang kapit ng bata. Hintayin muna natin ang paggising ng pasyente bago kami mag-conduct muli ng ilan pang mga test. Ililipat lang namin siya sa private room at maaari niyo na po siyang mapuntahan." sabi ng doctor at umalis na.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon