Bed 12

70.4K 1.3K 54
                                    

Pia's POV

Nagising ako sa paulit ulit na pagkatok sa pinto at hindi ko maiwasang mainis lalo pa at alas siyete pa lamang ng umaga. 

Ilang araw na din kasi akong napupuyat dahil sa pagdagsa ng mga tao sa restaurant. Akala ko nga ay noong nakaraang Biyernes lang iyon ngunit hindi pala. Nalaman ko kasi na napasali pala sa isang sikat na tv show ang restaurant ni Yell kung kaya't nag-umpisa ng dayuhin ito ng nakararami. 

Ngayon na nga lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon makapagpahinga pero napurnada lang iyon ng kung sinong poncio pilato ang nanggugulo sa pagtulog ko.

Pupungas-pungas kong binuksan ang pinto at hindi ko maiwasang panlakihan ng mata nang mabungaran doon si Wage na preskong-presko na nakatayo.

Agad nitong pinasadahan ang itsura ko at kunot noong napahinto ang tingin sa dibdib ko. Para naman akong nasiraan ng bait at kumaripas tuloy ako ng takbo papunta sa loob ng kwarto sa sobrang kahihiyan.

Bukod kasi sa wala akong suot na bra at bumabakat ang hindi dapat ay alam ko ding halos mukha akong zombie sa itsura ko. Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ay pinilit kong umakto ng normal sa harap niya at humalukipkip pa.

"Anong ginagawa mo dito?" at talaga namang umupo pa ito na parang isang hari sa sofa ko.

"I just want to visit you. Is there something wrong about that?" nakataas ang kilay nito at may bahid ng pagkairita sa boses na para bang may ginawa akong hindi maganda.

"Problema mo?" napakunot ang noo ko rito.

Bigla naman itong tumayo upang lumapit sa akin at hapiting ang katawan ko palapit sa kanya. Ilang beses akong napalunok upang bawasan ang pagkabog ng dibdib ko.

Ano bang problema ng gunggong na ito.

"Nagbubukas ka na lang ng pinto nang ganoon ang itsura? Paano na lang kung hindi ako ang kumakatok ---" hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang nagmamadali akong tumakbo papasok ng CR at sumuka roon.

Hindi ko alam pero ang baho ng pabango niya sa ilong ko at pakiramdam ko ay umikot ang tiyan ko sa amoy na iyon.

Lumapit naman ito sa akin para himasin ang likod ko pero agad ko iyong pinalis at napahawak sa ilong ko.

"Lumayo ka nga sa akin! Ang baho baho mo! Alis diyan!" sigaw ko rito at kita kong napalabi siya.

"What the fuck?!" bulalas nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Inamoy naman niya ang sarili niya at hindi ko maiwasang mapangiwi.

'Naku, Baby. Ayaw mo ba sa amoy ng walang hiya mong ama?'

Bigla naman nitong hinubad ang suot niyang polo shirt sa harap ko kaya halos lumuwa na naman ang mga mata ko. Napatigil ang paningin ko sa pumuputok nitong abs kung kaya't napakagat na lamang ako sa aking labi at nag-iwas ng tingin.

"Mabango naman ako?" may halong pagmamaktol nito kaya napabaling na naman ako sa kanya.

Nakanguso ito at nakakunot ang noo habang pabalik-balik ang pag-amoy sa sarili at sa kanyang damit. Napatingin naman ito ulit sa akin at marahan akong hinila patayo.

Napatili ako nang isubsob niya ako sa kanyang katawan.

"Now, tell me if I'm still stinky to you." frustrated nitong wika kaya wala akong nagawa kundi ang amuyin siya.

Hindi ko alam kung anong sumaping katangahan sa akin at bigla na lamang akong tumingkayad para amuyin ang leeg niya. Napasinghot-singhot ako dito at hindi ko maiwasang mapangiti sa bango nito.

"P-pia..." nahihirapang tawag sa akin ni Wage na nakapagpagising sa aking katinuan.

"S-sorry." nahihiyang lumayo ako dito at lumabas na ng CR. Ilang beses akong napamura sa aking isipan habang napapahilot sa aking sintido.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon