Bed 16

63.2K 1.1K 41
                                    

Pia's POV

Nanlulumo akong umupo sa swing sa isang madilim na parke. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko dahil ang gusto ko lang ay ang mapag-isa ngayon.

Nanunuot sa balat ko ang lamig ng hangin na humahalo sa damdamin kong unti-unti na rin namamanhid. Napaakap na lamang ako sa sarili ko at hinayaan ang sariling umiyak muli.

"Baby, patawarin mo si Mommy kung napapabayaan ka niya ngayon ha. Patawarin mo ako kasi nagiging makasarili na naman ako." humihikbing wika ko at napahawak sa tiyan ko.

Madilim ang paligid at ang poste malapit sa kinauupuan ko lamang ang nagsisilbing liwanag sa akin ngayon. Pakiramdam ko ay nakasentro ang buhay ko sa kadiliman na walang matatakbuhan na maaaring makapawi ng sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakaupo dito sa swing. Tumigil na din ang mga mata ko sa pagluha at tuluyan na akong walang maramdaman sa mga oras na ito.

Hinimas himas ko na lamang ang tiyan ko at pilit na pinatatatag ang sarili. Wala akong maisip na mapupuntahan ngayon at bukod pa doon ay hindi sapat ang dala kong pera para pumunta kung saan. 

Napaangat ang tingin ko nang may kotseng huminto sa tapat ng parke at hindi ko maiwasang kabahan at magtaka. Tumingin ako sa relos ko at hindi na ako nagulat pa nang makitang mag-aala una na. 

Napawi ang mga iniisip ko nang unti-unting luminaw ang pigura ng isang tao. Si Wage.

Gusto kong takbuhin ito at umiyak lang sa bisig niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil sa imaheng nakita ko kanina na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Naramdaman ko na naman ang pag-kirot ng dibdib ko kung kaya't pinutol ko ang pakikipagtitigan rito.

Tumayo na ako at akmang aalis na nang maramdaman ko ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa braso ko.

Nakita ko ang pag-tiim ng bagang at pag-kunot ng noo nito. Hindi ko alam ngunit nakita ko ang sakit, lungkot at pag-aalala sa mga mata nito. Napailing na lang ako at pumiksi rito. Imahinasyon ko lamang iyon panigurado.

"What the fucking are you doing to yourself, Pia? It's already cold outside and for pete's sake, you're pregnant. Come on, let's go home." may bahid iyon ng inis kaya napaiwas na lamang ako ng tingin muli.

"Umuwi ka na." mahinang sambit ko rito at mabilis na naglakad paalis doon ngunit sadyang mabilis nga ito dahil agad ako nitong nahapit palapit sa kanya.

"Don't wait me to lose my temper, Pia. If I say that I'll take you home, I'll take you home." nakipaglaban ako ng titigan rito at halatang walang gustong magpatalo.

"Kapag sinabi kong umuwi ka na, umuwi ka na. Bukas ko na lang babalikan ang mga gamit ko doon. Bitawan mo ako at gusto ko ng magpahinga." malamig na saad ko rito. Nakita ko ang pagdaan ng pait sa mga mata nito ngunit agad din namang nawala.

"Do we have a problem, Pia? Why did you became so distant and cold again? Did I do something wrong? Is it about the kiss?" sunod-sunod na tanong nito at kita ko ng malinaw ang frustration nito.

"Stop it, Wage. Wala tayong problema. Napagtanto ko lang na may mga bagay na dapat na hindi na ginagawa ng dalawang taong wala namang koneksyon sa isa't isa." akmang lalayo ako muli rito ngunit lalo niya lamang hinigpitan iyon.

"Bitawan mo ako, naiipit ang anak ko." matiim na wika ko ngunit niluwagan niya lamang iyon at lumamlam ang mga mata nang titigan ang umbok ng tiyan ko.

"I won't let you go. Not this time." sabi nito at niyakap ako palapit sa kanya. 

Hindi ko alam pero mas lalo lamang akong nasaktan ngunit naubos na nga talaga siguro ang mga luha ko at hindi ko magawang umiyak.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon