Chapter 15

523 12 2
                                    

"Max.." tumingin siya sakin at tinignan ko lang din siya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan basta bahala na.

"Oh?" cool kong sabi at ngumiti siya sakin. Alam mo yung ngiti niya na labas lahat ng ngipin? Ganun pinapakita niya sakin ngayon.

Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Nakatingin siya ng diretso sakin at tsaka siya ulit ngumiti.

"Max gusto kong sabihin sayo na mahal." nagtaka ako sa sinabi niya at kumunot ang noo ko.

"Mahal?" takang tanong ko at ngumiti siya sakin.

"Na..." pagpapatuloy niya at nagulat naman agad ako sa sinabi niya.

"Na?"

Tumayo siya at hinawakan niya yung mukha ko at nilapit niya pero konting-konti nalang pwede ng maglapat ang mga labi namin.

"Ang ticket.."

Bigla siyang tumawa ng malakas at napahiga na siya sa lapag. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko? Maiinis ba? Magagalit? Matutuwa?

"Hoy Ash! Walang nakakatawa ha? Tumayo ka nga diyan. Ang corny ampvta!" sigaw ko sakanya at napatigil naman siya sa at napatingin sakin. Akala niya siguro natuwa ako sa sinabi niya, nagkakamali ang alien.

"Tumayo ka diyan." seryosong sabi ko at sumunod naman siya kaagad. Tinignan ko siya ng matagal at siya naman nakangiti lang sakin.

*PAAAAKKKK!*

ASH POINT OF VIEW

*PAAAAAKKK!*

SINUNTOK NIYA KO SA PISNGI!

Nawalan ako ng balanse at tinignan ko siya, lumapit pa siya sakin at sinikmurahan ako. Grabe naman tong babaeng ito. Konting biro lang babaliin na yung buto mo.

"Sa susunod huwag kang magbibiro ng hindi ko gusto. Sinayang mo lang oras ko, maiwan na kita matutulog nako." tumalikod siya at naglakad na palayo, tinignan ko lang siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Tumayo ako at pinunasan yung dugo sa labi ko.

"AHHHH! Ang sakit ng tiyan koooo!" sigaw ko habang naglalakad pabalik sa kwarto namin. Habang naglalakad ako sa hallway may napansin akong tao na nakatakip ng itim na itim na damit at nakatingin siya sakin. Hindi ko makita ko yung mukha niya, tanging yung labi lang niya na may kulay itim na lipstick. Ngumiti siya sakin at tsaka naglakad palayo. Weird.

Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko si Mac na may kausap sa cellphone niya.

"MA! Payagan mo na ako sa gusto ko!.......Gusto kong matupad yung pangarap ko, gusto kong mag-produce ng music....Ma... * toot* *toot*" narinig ko siyang bumuntong hininga at nilapag niya yung cellphone niya. Pumasok na ako at hindi ko siya tinignan at dumiretso ako sa kama ko.

"Oy Ash! Anong nangyari diyan sa labi mo?" tanong niya at lumapit naman siya sakin. Tumingin ako sakanya at bumuntong hininga.

"Sinapak ako ni Neih Neih e." sabi ko at lumaki naman kaagad yung mata niya. Tumingin lang ako sakanya at bumuntong hininga.

"Narinig kong kausap mo ulit yun Mama mo a.  Ayaw nanaman ba niya?"

"Ayaw niya e. Wala daw akong mararating doon, gusto na nga niya akong umalis dito e. Baka bukas aalis nako. Kailangan ko naring tulungan si Mama sa restaurant niya." sabi niya at tsaka bumuntong hininga.

"Aalis kana kaagad?! Grabe naman pre! Huwag mo kong iwan dito! Tuturuan mo pa ko ng rap e!" tumawa siya at tsaka tumingin sakin.

"Kailangan na kasi e. Sige na matulog na tayo, kadiri ka. Ang dami mong drama!" sabi niya at tsaka siya naglakad papunta sa kama niya.

Music AcademyWhere stories live. Discover now