Chapter 6

435 15 1
                                    

MAXINE NEIH'S POV

"Shock? HAHA! NIce to see you again."

'T*ngna! Nagiging duwag nanaman ako a! Huwag Maxine! Si Zoe lang yan!'

"P-Paano k-ka n-nakapasok d-dito h-ha?"

"Simple lang naman, bumukas ang pinto kaya pumasok ako." tatawa tawa pa niyang sabi.

'Baliw kana talaga!'

"Baka nakakalimutan mo yung atraso mo sakin last two years."

"Ano yun?"

'In* mo!'

"Baliw kana talaga Zoe!"

"Paano ako hindi magiging baliw? E kung ano ano yung ginawa nila sakin."

'Anong ginawa?'

"A-Ano?"

Hinawakan niya yung mukha niya at parang may tinatanggal siya--WTF? Nakamaskara lang siya! Sunog na sunog yung mukha niya tsaka pula pa yung dalawa niyang mata.

"Ito!" turo niya sa mukha niya. "Ito ang ginawa nila sakin! Nang dahil sa kaduwagan mo, ito ang nangyari sakin!" pagkatapos ay umiyak siya.

"Baliw kana yata talaga! Tama lang sayo yan dahil isa kang traydor! Hinayaan mo lang akong binugbog ni Brad noon! Hindi mo man lang ako pinagtanggol!"

Tumawa siya at muling ibinalik yung maskara niya sa mukha at tumingin sakin.

"Pagtanggol? Para san pa? Ikaw naman ang may lakas na loob lumaban kay Brad e! Tapang-tapangan ka kasi!"

"Ginawa ko lang yun para satin..sating magkakaibigan."

"Ba't mo pa gagawin yun? Edi sana hinayaan mo nalang kaming patay!"

"E SA AYOKO E!"

May dinukot siya sa likod niya at isang kutsilyo. 

'Akala mo madadaan moko sa ganyan?'

"Matagal ko na tong gustong gawin e.." lumapit sya sakin at tinutok yung kutsilyo sa leeg ko. Hinayaan ko lang siya, naglakad kami sa gitna at tumigil kami.

"Sorry Max pero--"

"MAXINE!"

Napatingin ako sa sumigaw at dali-dali siyang tumakbo papunta samin.

"Diyan ka lang! Gusto mo bang makikita tong si Max na--"

"Don't call me Max."

"Well i don't care Maxine."

"Bitawan mo siya! Nahihibang kana ba? Hindi pwedeng pumatay dito!"

"Kung sayo bawal, sakin pwede!"

"SABING HINDI PWEDE E!"

"Umalis kana dito.." sabi ko sakanya.

"Maxine, baliw kana rin ba? Magpapapatay ka diyan sa babaeng yan? Gusto mo bang mamatay ng maaga?"

"Oo."

"Baliw.."

"Wala ka ngang ginagawa diyan e. Nakatayo ka lang. Subukan mo kayang labanan tong si Zoe. Tsk!"

Unti-unti siyang lumapit samin at medyo diniinan ni Zoe yung kutsilyo sa leeg ko.

'Masakit a!'

Tumakbo siya sa likod ni Zoe at ang alam ko nalang ay bumagsak na si Zoe sa lapag. Kinapa ko yung leeg ko at dumudugo.

Music AcademyWhere stories live. Discover now