Chapter 30

475 32 0
                                    

Diamond Angel Maurisse Mendoza

Kasalukuyan akong nag aayos ngayon, Ewan ko nga ba kung sasama pa ba ako sa kanila Jade, parang mas gugustuhin ko kasi ang mag mukmok nalang dito sa bahay at saka gusto ko rin mapag isa para makapagisip ako, hanggang ngayon kasi, hindi pa na ipraprocess ng utak ko yung mga sinabi ni Zero.

May narinig akong busina mula sa labas, paniguradong sila na iyon, kinuha ko na yung bag ko at lumabas, tumambad sa akin ang mukha ni Allen.

"Let's go, excited na yung dalawa" tumango naman ako, kinuha niya yung bag ko at inilagay sa likod, papasok palang ako sa may backseat pero pinaalis nila ako, kaya sa tabi ni Allen ako dumiretso.

Pinaandar na ni Allen yung van, kaya napatingin nalang ako sa bintana, kumusta na kaya si Zero? Yesterday, he got my heart broken, I tried to call her in messenger but he didn't answered it.

I feel so hopeless, parang nawalan ako ng isang parte ng buhay ko, parang hindi ko kayang mawala siya. Siguro mahaba na ang apat na buwan para mag move on, di ba? pero mahirap eh, I feel like crying but I will stop it, I don't them to see me like this, especially Allen.

"Smile" naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko, it is so warm like before.

"Thanks Allen" ngumiti lang siya at nag focus na sa pag mamaneho.

***

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang pag tapik nila sa pisnge ko, hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Angel gising , nandito na tayo" iminulat ko yung mga mata ko at mukha ni Jade ang nakita ko.

Lumabas narin ako ng van at isang napakagandang tanawin ang nakita ko, ang ganda rin ng simoy ng hangin, maraming palayan, at kung titignan ay puro kulay berde ang nakikita mo, I mean, puro halaman ang nandito.

"Welcome to Baranggay Bagong Silang, Roxas, Isabela" (A/N: gawa-gawa ko lang po yan) Si Jesha narin ang nag guide sa amin papunta sa bahay na titirhan namin pansamantala, dito muna kasi kami mamamalagi ng tatlong araw, wala naman kaming pasok hanggang lunes.

Pumasok kami sa may bahay na hindi masyadong malaki, parang katamtaman lang ang laki niya, gawa rin ito sa kahoy, bahay kubo kumbaga.

"Help yourselves mga bes, feel at home" ibinaba na namin ang mga gamit namin sa kanya-kanya naming kwarto.

"Wala bang nakatira dito?" rinig kong tanong ni Allen.

"wala, simula noong namatay ang parents ko, ang lola ko nalang ang tumitira dito pero wala siya ngayon dahil nasa kabilang bayan siya" napa'ah naman sila.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto, lumapit ako sa bintana at sinilip ang kabuuan ng bahay, ang gandang tignan.

"Angel kain na muna tayo" napatingin ako kay Allen.

"Okay" I smiled, a fake one, sana hindi niya mahalata.

Nagtungo na kami sa labas ng bahay, doon kasi nila inihanda yung makakain namin. Mag kakamay daw kami kaya nag hugas ako ng mabuti ng kamay, sa katunayan nga ay hindi ko alam kung paano.

"Ganito ang kumain ng nakakamay" ipinakita ni Allen sa akin kung paano at madali ko namang naintindihan iyon,"Eat, masarap ito" tuyo ata ang tawag sa isda na iyon, isinubo niya sa akin iyon.

"Ang sarap"

"Pagkain ng mga mahihirap iyan Angel" sabi ni Jesha at tumango tango naman si Jade, ito namang si jade, parang sanay na sanay na sa pag kakamay.

Pagkatapos naming kumain ay nag punta kami sa sinasabi ni Jesha na falls, sa pinakataas kami nag punta dahil ayon sa kanila ay tatalon kami mula dito. Hindi pa man din ako marunong lumangoy.

"Ako na una" ayun nauna na si Jesha, sumunod naman si Jade.

"Waaahhh!!!"

"Are you ready?" hinawakan ni Allen yung kamay ko, ghad! Nanginginig ako"Ako ang bahala sayo, just hold my hand" waahh!! May tiwala ako kay Allen, sana hindi ako malunod.

Umatras muna kami para kumuha ng bwelo, kinakabahan ako, lumalamig na ata yung kamay ko, nang makakuha na kami ng bwelo ay sabay kaming tumalon, napapikit nalang ako at hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Naramdaman ko nalang ang pag bagsak ko, nabitawan niya ako kaya napailalim ako ng konti pero agad niya rin akong hinila pataas. I forgot to tell you, national swimmer pala itong bestfriend ko sa M.U

"Okay ka lang?" tumango lang ako, grabe! naiwan ata yung kaluluwa ko sa itaas, ang lakas parin ng tibok ng puso ko hanggang ngayon.

"That was so amazing!!" ito namang si Jade, feel na feel pa.

"Daebak! Gusto kong ulitin, tara Jade" ayun umahon na naman sila at nag tungo sa taas.

"Ewan ko kung tama bang itanong ko ito sa iyo" pumagilid kami ni Allen.

"Okay lang, go on"

"Paano na? Ano ng gagawin mo? kakalimutan mo na ba siya?" napaisip ako sa tanong niya, I love him and I can't forget him, ano yun? ganun-ganun nalang?

"No, I will stay with him even though doesn't love me" napabuntong hininga siya at ginulo ang buhok ko.

"Hindi ka parin nagbabago, ikaw parin yung bestfriend kong hindi madaling sumuko, yung best friend kong kahit ipag tabuyan mo ay hindi parin tumigil, mahalin lang siya ng taong mahal niya" napangiti ako sa sinabi niya, sana nga hindi ako mag sasawa sa pag hihintay kay Zero.Hindi ko rin naman kasi maipapangako na mahihintay ko siya, masakit rin kasing umasa, umasa na babalikan pa niya ako, right? masakit."sa ngayon, kalimutan mo muna ang tungkol doon,nandito tayo para mag relax hindi para mag emote, kaya tara na,tuturuan kitang lumangoy" at ayun hinila na niya ako patungo sa kalagitnaan ng falls na ito."Do you still remember? the time that you drowned?"

"Oo naman, muntik mo na nga akong i cpr eh, mouth to mouth, buti nalang nagising ako, magpapanggap pa sana ako noon na tulog eh para mag kiss tayo kaso may pumalit sa iyong matabang lalake kaya ayun bumangon na ako" natawa naman siya dahil sa sinabi ko, ganun ako kapatay na patay sa kanya noon haha, I can't forget that time, si zero pa kaya?

***

Vote and Comment!! Bukas ulit pagod na akong mag isip ng plot 😂😂






Definitely NOT His Fangirl (#Wattys2017)Where stories live. Discover now