Chapter 27

542 23 0
                                    

Zero Ace Kim

After my photoshoot, I went to the CEO's office, may dumating daw kasing malaking project na ibibigay sa akin.

Hindi ko inaasahan na sa pag pasok ko ay si Crizzel Park pala ang makikita ko, my ex girlfriend, anong ginagawa niya dito?

"Zero nandito ka na pala, upo ka" umupo naman ako sa tapat ni Crizzel, not looking at her.

"Ano pong project?"

"As you can see nandito si Crizzel para sa project na iyon" what?! Makakasama ko siya? No way"You two will be the main characters in our upcomming drama—"

"Ceo di ba may plano kayo sa amin ni Angel?" he promise it, hindi niya ako ilalagay sa iba.

"I have a different plan on her, the important is sign this contract, this project will be a big hit for our company" tinitigan ko lang yung kontratang pinapapirma sa akin, ayaw ko lang talagang makatrabaho yang babaeng iyan, its enough na iniwan na niya ako three years ago, and besides may mahal na ako iba at ayaw kong mag kasira kami ng dahil sa kanya.

"Ceo mukhang ayaw niyang pirmahan, hindi pa kasi siya nakakamove on sa pang iiwan ko sa kanya" sinamaan ko ng tingin si Crizzel, do she need to say it to our CEO."Kung ayaw niya po, okay lang po, mag hanap nalang po—"

"Zero please sign it" si CEO na ang nag mama kaawa, what am I supposed to do?Sign it and I will go back in Korea or...

"Fine, just no personal matters" pinirmahan ko na yung papers, bahala na, maiintindihan naman siguro ni Angel iyon, at saka four months lang naman na pupunta ako ng Korea.

"Pakipot pa, gusto mo rin naman—I mean mahal mo pa naman ako eh" tumayo ako.

"Shut up"

***

Diamond Angel Maurisse Mendoza

Pauwi na kami ng may maalala ako, susunduin pala ako ni Eroero,waahh! I almost forgot about him.

"Jade, jesha mauna na ako, may hihintayin pa kasi ako eh" ngumiti naman sila ng nakakaloko.

"May date sila ni Zero"

"Omo! DiZe!"

"Girls" tumawa lang sila at sabay pa silang tumingin sa isa't isa na para bang may sinasabi sila sa pamamagitan ng pag titig lang.

"Can I borrow your phone? Kailangan ko kasing tawagan si Kuya" napangiti nalang ako, tactics niya bulok haha, gusto niya lang hiramin yung phone ko para mag papasa ng Korean songs.

"here, return it tomorrow" tumango naman sila at nagpaalam na.

Mag lalakad sana ako papunta sa bench ng may humila sa akin, tinignan ko kung sino iyon, si Allen lang pala.

"Can we have a friendly date? please" what? Friendly date?

"Okay, saan ba tayo?"

"Sa Angel's Restaurant nalang tayo, masarap doon promise" tumango naman ako, minsan lang siya mag aya kaya papayag na ako, itetext ko nalang si Zero, wait! ang tanga ko, wala pala sa akin yung phone ko.

"Paheram ng phone mo?"

"Iniwan ko yung cellphone ko" napasimangot nalang ako."Tara na"

Dahil sa maaga pa ay dumiretso na muna kami sa amusement park, bumili muna kami ng hair band, yung cute, ang binili ko ay yung may design na angel wings at yung sa kanya naman ay sungay ng demonyo, oh ang cute noh.

"Sakay tayo doon Allen" pagpipilit ko, gusto ko kasi sa anchors away, inaamin ko, takot talaga ako sa rides na yan, gusto ko lang talagang maranasan.

"Takot ka sa heights di ba? Bakit naman kita hahayaang sumakay diyan? Baka ikamatay mo pa" napa'pout ako, ferris wheel nga kinaya ko.

Naalala ko tuloy yung first kiss ko, doon rin mismo sa ferris wheel, waahh!! Zero. Sana hindi siya magalit.

"What's with that look? Namumula ka" napahawak ako sa pisnge ko.

"Wala, tara na kasi ah, baka naman bakla ka—"

"Halikan kita diyan, tara na nga" so ayun nga sumakay na kami doon at grabe! Hindi pa nag sisimula yung ride sigaw na sigaw na itong kasama ko"Angel!! Ayoko na"

"Hahaha huwag kang waahhhh!!!"

Sigaw lang kami ng sigaw hanggang sa natapos yung ride, marami pa kaming sinakyang rides, at nang 7 pm na ay nagpunta na kami sa sinasabi niyang restaurant, grabe pang mayaman, ghad! wala akong dalang pera, paano kung ang isang meal lang eh nag kakahalaga na ng 500 pesos, oa ko naman.

Umupo kami sa may pinakadulo, at siya narin ang umorder. Habang hinihintay namin ang order namin ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatitig sa kanya.

Wala na akong gusto sa kanya ah, friends nalang talaga, something bothering me, I mean, bakit siya bigla-biglang mag aaya na mag date, sa pag kakaalam ko, hindi siya pumupunta sa mga ganitong lugar tulad ng Amusement park.

"Just tell me kung crush mo parin ako" he is smirking.

"Allen"

"hmm"

"Tell me the truth, bakit ka nag aya? May problema ka ba?" natahimik siya sa tanong ko, masyado na ba akong self centered at kay Zero lang umiikot ang mundo ko? to the point na hindi ko na napapansin ang best friend ko.

"The truth is, I will be going at states for good" nanlaki yung mga mata ko, for good? it means doon na siya titira, iiwan na naman ba niya ako? ang sakit na ah"Aish! Kaya ayaw kong sabihin sayo eh, alam kong malulungkot ka" napangiti nalang ako ng pilit.

"Basta mag iingat ka doon" tumango naman siya, hindi narin kami nag-usap pa dahil dumating na yung order namin.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas narin kami, magtatawag palang sana si Allen ng masasakyan naming taxi pero bigla nalang may naka motor na dumaan sa harap namin at...

*bang*bang*bang

Napaupo ako dahil sa pag kabigla, my tears began to drop, nakakatakot, muntik na akong matamaan ng bala, buti nalang hinila ako ni Allen.

"Ssshh" naramdaman ko nalang na nakayakap na si Allen sa akin, he's comforting me.

"Allen I'm scared" hinagod-hagod niya yung likod ko bago humiwalay sa yakap.

"Tell me, kailan ka pa nakakatanggap ng death threats? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" nag patuloy lang ako sa pag iyak, hindi ko kayang kausapin siya, I'm totally scared, akala ko nanloloko lang yung mga pinapadala nila sa akin pero totoo palang gusto nila akong mamatay.

Tinulungan ako ni Allen na makatayo at sakto namang may tumigil sa harap namin.

"Zero?"

***
vote and comment!! Thank you po.

Definitely NOT His Fangirl (#Wattys2017)Where stories live. Discover now