Chapter 29

505 31 2
                                    

Mag isa na naman ako, :(, nasa Korea na si Zero, iniwan na niya ako, paano na kami? ang hirap ng long distance relationship, ang hirap talaga.

"Uy Angel! Tulaley ka diyan" hindi ko pinansin si Jade.

"Naku nakanguso na naman" sabi naman ni Jesha.

Nandito kami sa garden, hinihintay namin si Allen, ngayon kasi namin pupuntahan yung nag papadala sa akin ng death threats.

"Miss niya lang si Zero" napabuntong hininga ako.

"Ano ka ba angel, ka aalis niya lang kahapon, masyado kang OA"

Nakita ko si Allen na naglalakad palapit sa kinaroroonan namin kaya tumayo na ako at sinalubong siya.

"Tara na" he look at me, parang pinagtakluban siya ng langit at lupa"Bakit ganyan yang mukha mo?"

"Hindi na natin kailangang pumunta doon" nangunot yung noo ko."Nagpunta na ako kahapon"

"Then, who?" nagkibit balikat lang siya.

"He's gone" he? ibig sabihin lalake? Sino naman?"Don't worry, na ireport ko na sa police" napatango nalang ako.

"Kailan alis mo?"

"Next month pa"

"Ok"

Lumapit kami sa kanila Jade at Jesha, may pinaguusapan na naman silang ibang bagay. Parang sila na nga ang mag bestfriend eh, close na close.

Nang makaupo kami ni Allen sa harap nilang dalawa ay sabay silang napatingin sa akin, ngumiti sila ng nakakaloko.

"Kayong dalawa, gusto niyo bang sumama sa amin?" tanong ni Jade at tinaasan ako ng isang kilay, I know the meaning of it, gusto niyang 'yes' ang sagot ko.

"Saan ba iyan?" tanong ni Allen at napatingin sa akin, agad rin naman akong nag iwas ng tingin"I will go if Angel will agree"

"Sa Baranggay Bagong silang, probinsya ni Jesha iyon, masyado nga lang malayo sa manila" sabi ni Jade

"Okay, sasama kami" nag yes naman yung dalawa at parang kinikilig na kiti-kiti.

*Toot*toot

Kinuha ko yung phone ko mula sa bag ko at binuksan yung messenger ko, napangiti ako ng makita na si Zero yung nag text. Hindi na ako nag paligoy-ligoy pa, binuksan ko agad iyon at bigla nalang akong nanghina sa nabasa ko, nawala yung ngiti ko sa labi at napalitan ng lungkot.

Lets.break.up

Hindi pwede! Sabi niya babalik siya, sabi niya hindi niya ako iiwan, sabi niya ako lang, pero ano ito? he's breaking up with me.

Online siya kaya kinuha ko yung chance na iyon na tawagan siya, nakailang ring na ako pero hindi niya sinasagot

"Excuse me, Cr lang ako" tumango lang sila at dumiretso na ako sa cr, sakto namang sinagot na niya.

"Is it true? Huwag ka naman mag joke Zero—"

[Its true, I'm breaking up with you]

"No zero, hindi mo ako pwedeng iwan" hindi ko na napigilan yung luha ko, tumulo nalang iyon bigla, ang kirot ng puso ko.

[Bakit naman hindi?]

"B-because y-you love me" rinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

[Ikaw? mahal ko? sorry pero ginawa lang kitang rebound]

"w-what?"

[My ex is back and I realize that I still love her, sorry if I hurt you bye]

"W-wait!!" nanghina ako sa narinig ko, noong isang araw, ok pa naman kami ah, bakit ganito? Nananaginip lang ba ako? tama, baka panaginip lang ito, umupo ako sa gilid, katabi ng salamin, hindi ko napansing may pako palang nakalabas doon at nasugatan ako.

"This can't be true, Zero will never leave me, he promise it" may pumasok na estudyante kaya dumiretso ako sa unang cubicle, binuksan ko iyong faucet.

I don't believe him, nakita ko iyon sa mga mata niya, he loves me, truly

***
Allen John Tuazon

It's been thirty minutes pero hindi pa siya bumabalik kaya napag desisyunan kong puntahan na siya. Parang may iba kasi kanina, she looks so sad,kinakabahan ako, baka may nangyari ng masama sa kanya.

Pag karating ko ay sakto namang kalalabas niya, nakayuko siya ni hindi niya napansing nabangga niya ako.

"S-sorry" wait is she crying? hinawakan ko yung pisnge niya.

"What happened?" she suddenly hug me, the hug that I felt before, ito yung time na iniiyakan niya yung nawalang ala-ala niya, yung nawala sa kanya si Zero, zero?

"He broke my heart" I hug her back, hinagod-hagod ko yung likod niya"I'm just his rebound" naikuyom ko yung kamay ko sa sinabi niya, that bastard! T*ng*na! malalagot yan sa akin kapag bumalik na siya, hindi na ako magiging member ng Lucky7.

"Iiyak mo lang best friend, nandito lang ako" it hurts me when I see her crying.

Nang matapos na siya sa kakaiyak ay inayos na niya yung sarili niya, ganyan ang gusto ko sa kanya eh, iiyak siya ngayon bukas wala na."Always remember na nandito lang ako"

"Thanks Allen" napangiti naman ako.

"Ngiti ka na, ayokong maging malungkot ka" I formed her lips into smile, ngumiti naman siya pero sigurado akong peke lang iyon."Tara na, ihahatid nalang kita" tumango naman siya.

Pagkarating namin ng parking area ay pinagbuksan ko siya agad ng pintuan at nang makapasok na siya ay pumasok narin ako, lumapit ako sa kanya at ikinabit yung seat belt niya, nakagawian na namin iyon kaya walang malisya.

Habang nagmamaneho ako ay tahimik lang siya, I can hear her breathing, parang nahihirapan siyang huminga.

"May hika ka ba?" ramdam kong tumingin siya sa akin.

"Wala noh" hindi ko nalang siya pinansin, alam ko namang kailangan niyang mag isip."Allen"

"hmm"

"Bakit ang sakit?" should I answer it? Ganyan rin ang nararamdaman ko kapag mag kasama silang dalawa.

"Kasi nga minahal mo siya ng sobra, dapat katamtaman lang para hindi ka masaktan" napabuntong hininga ako"Ang pag ibig ganyan talaga, palaging may kasamang sakit, hindi ka naman magmamahal na puro saya nalang, mag-asawa nga nagaaway minsan, mag boyfriend pa kaya, at saka inalam mo ba ang dahilan niya?"

"h-her ex" si Crizzel? bumalik na siya? how did I know about her? well, I saw her once when I was in Korea two years ago.

"She's back?"

"Kilala mo siya?" tumango lang ako at natahimik na naman siya,"I think, mas mahal talaga ni Zero yung ex niya, ano pa bang magagawa ko? yung babaeng iyon ang nauna"

"Don't say that, I know that Zero loves you, just give him time" I knew it, Zero is serious about her, alam kong may dahilan yung mokong iyon, for now, sasamahan ko muna si Angel, she's broken and she needs me at time like this, she needs her bestfriend.

***
Vote and Comment!

Nag iba yung plot, hindi dapat sila maghihiwalay pero naiba yung inisip ko haha, anyway, may papatunguhan parin naman ito kaya keep reading, malalaman niyo rin ang dahilan ni Zero.







Definitely NOT His Fangirl (#Wattys2017)Where stories live. Discover now