Chapter 25

613 30 1
                                    

Papunta kami ngayon ni Zero sa Legend Ent. building, kinakabahan na nga ako eh, what should I do? hindi naman kasi ako marunong sa pag momodelo at lalong hindi ko kaya ang buhay artista.

Naramdaman ko naman yung kamay ni Zero na humawak sa kamay ko, parang nakuryente naman ako dahil doon.

"Relax, everything is going to be fine" napangiti nalang ako, buti nalang sasamahan ako ni Zero kung hindi, naku hindi ko na alam ang gagawin ko, mag back out nalang kaya ako? pero hindi pwede dahil nga napirmahan ko na yung kontrata.

Nang makarating kami ay bumaba na kami agad, he is holding my hand while walking, is he trying to keep me calm? Kung oo, hindi iyon effective dahil mas lalo lang akong kinakabahan.

Pagkarating namin sa fourth floor at sa kwartong dapat naming puntahan ay sinalubong na ako aged ng magiging manager.

OMG! o may gwapo!! Waah! Hindi ko alam na ganito kabata ang manager ko, ang gwapo pa niya, hmmm, kaya pala ayaw ni Zero na bitawan yung kamay ko.

"Hello! You must be Miss Angel Mendoza" tumango naman ako at ningitian siya"I'm your manager, Philip Ocampo, just call me Phil" sabi niya at inilahad ang kamay niya, pilit ko namang tinatanggal yung kamay kong hawak-hawak ni Zero.

"Bitawan mo nga ako" bulong ko pero hindi parin niya ako binibitawan kaya binigyan ko siya ng humanda-ka-sa-akin look

"Sorry manager"

"It's okay, mukhang ayaw ka niyang ipagkatiwala sa akin haha" natawa nalang rin ako"Mr. Zero Kim right? Don't worry I already have a fiancé so you can trust me" what? may fiancé na siya? sayang, de joke lang baka patayin niyo pa ako.

"Manager can I ask you something?" nakukurious kasi ako, hindi naman siguro masama kung tatanungin ko di ba?"Ilang taon na po kayo?"

"Ah yun lang ba? haha I'm just 30 years old"

"Seryoso? 30 years old ka lang po? unbelievable!"

"Bakit?"

"Mukha po kasi kayong mga nasa 20"

"Talaga? binobola mo naman ako eh" umiling naman ako dahil naramdaman ko yung pag pisil ni Zero, as if he is giving me a warning."Ipapakilala ko na sayo yung mga tutulong sa iyo"

Pinakilala pa niya sa akin yung mga staff member, si Rosaline na make up artist ko, yung photographer na si Kuya Jake, yung stylist ko na susunod daw palagi sa akin.

"Let's start" sabi ni Manager Phil kaya naman napatingin ako kay Zero.

"Pwede mo naman na siguro akong bitawan ano?" napabitaw naman siya at umupo sa may gilid.

"Huwag niyong gagawing clown iyan, panget na nga papapangitin niyo pa" napabuntong hininga nalang ako, oo na panget na ako, tanggap ko naman iyon eh.

Pagkatapos nila akong ayusan at makapagpalit ay pinapunta na nila ako sa may malaking puting tela para sa photoshoot.

*click* click* click* click*

"Ayan smile"

* click* click* click*

"Very good" habang kinukunan ako ng litrato ay hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Zero, he is looking —no staring at me."Look at the camera" naibalik ko ang tingin ko sa camera at ngumiti.

Nakasuot ako ngayon ng pang sports, maikling shorts na kulay blue, at sando, hawak-hawak ko ang bolang pang volleyball, para daw ito sa cover ng Starlight Magazine, bubuo daw kasi sila ng fan name ko, yun ay ang starlight, pangalan ng magazine na ikocover ko for the first time.

Inabot na kami ng gabi, at ng matapos na kami ay nag palit narin ako at nag paalam na sa kanila.

"Let's date" napatingin ako kay Zero.

"Gabi na kaya" napabuntong hininga siya at itinigil ang sasakyan sa gilid"Bakit mo—" nanlaki yung mga mata ko ng bigla niyang tinanggal yung seat belt niya at hinalikan ako sa...sa labi ko, geez! Second kiss ko ito, I felt the butterflies again in my stomach.

"I love you" bulong niya at hinalikan ulit ako, third kiss? napapikit nalang ako dahil medyo matagal yung kiss niya, waahh! Yung puso ko sasabog na.

"I love you too" sagot ko ng maramdamang lumayo na siya.

"Sorry hindi ko napigilan haha, ang ganda mo kasi, it is just like I want to keep you in my pocket so that no one will stole you away from me" pinisil ko nalang yung pisnge niya"I'm so grateful—"

"oopps! tama na, for the nth time mo ng sinabi iyan" natawa naman siya.

"I just can't believe na girlfriend na kita, sa totoo lang, ikaw yung kababata kong sinasabi ko sa iyo, yung dahilan kung bakit ako nandito sa pilipinas" ako? paano naman naging ako yung binabanggit niya? I mean, it can't be, lumaki akong si Allen ang kasama ko"Lenlen which is Allen and you are best friends ever since, nag seselos ako noon kaya palagi ko kayong binubully at sorry.."

"Bakit ka nag sosorry?"

"Because of me"

"huh? hindi kita maintindihan"

"Ako talaga ang may dahilan ng pag kakaroon mo ng allergy, yung pinakain sa iyo noon ni Allen, sa akin galing iyon, regalo ko sayo noong birthday mo kasi nga nabanggit mo sa akin minsan noon na pangarap mong makakain ng seafood kaya ibinigay ko kay Allen iyon, and that's the time na nawala ka sa akin"

"pero hindi kita maalala"

"You sleep for about three weeks and when you woke up, you can't remember some memories of you, at isa na ako doon" ganun ba ang epekto ng kakaibang allergy ko? Did I really forgot him?kaya pala kamukha ko yung batang nakita ko noon sa frame, it quite familiar to me and it turns out na ako pala iyon."Ang mahalaga ay nahanap na kita, kailangan na kitang iuwi , mukha kasing napagod ka sa shooting" sabi niya at pinaandar na ang kotse.

"Sumakit nga yung panga ko sa kakangiti, kahirap pala ng trabaho mo" frustrated na sabi ko.

*toot*toot*

From: Unknown Number

Hi! B*tch! You will gonna die SOON Diamond Angel Maurisse Mendoza

Muntik ko ng naibagsak yung cellphone ko, kinabahan ako bigla, sino naman ang nag text sa akin? death threat? Nakakatakot, hater ko ba siya, mukha ngang totoo yung sinabi nilang nakakatakot pag nag karoon ka ng hater.

"Angel are you okay?"

"Ah oo okay lang ako" ningitian ko lang siya, hinayaan ko nalang yung text, I'm sure naman na tinatakot lang niya ako.

***

Death threats? Sa tingin niyo sino iyon? Haha May dadating na bagong karakter sa storyang ito, mag hintay lang kayo.

Ps. I'm not sure kung makakapag update ako bukas, may pupuntahan kasi kami. :)

Maganda niyong author

Definitely NOT His Fangirl (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon