Chapter 11

787 39 1
                                    

Chapter 11: Allergy

*Cring!!*

Argh! Nanatili lang ako sa kwarto ko, ayaw kong pumasok ngayon pero may quiz kami ngayon eh, paano na?

Napahawak ako sa lips ko at naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Yung first kiss ko, bwisit na Zero na iyan!! Argh!! makarma sana siya, kagatin sana ng ipis yung labi niya...pero..infairness ang lambot.

"what am I thinking?!" napasabunot ako sa buhok ko.

"Uy nababaliw ka na ba? Sabihin mo lang at dadalhin na kita sa mental" napatingin ako kay Silver na nag bukas sa pintuan ng kwarto ko.

"Lumayas ka nga!!" ayun pinagbabato ko siya ng unan at agad naman niyang isinara iyon.

Ano ng gagawin ko? Huhuhu, ayaw kong harapin siya..hindi ko kaya, wait, bakit nga ba ayaw ko siyang harapin?

Argh!! I'm so weird..

Bumangon na ako at nag tungo sa banyo, nang matapos na ako ay bumaba narin ako pero agad rin akong nag tago sa hagdanan ng makita si Zero na nakikipag usap kay Silver, ano bang ginagawa niya dito? kailangan kong makaalis.

*ring* kinuha ko agad yung phone ko at sinagot si Allen.

"Hello!"

[Nandito ako sa harap ng bahay mo-]

"Oo bababa na ako pero pwede favor?"

[Ano iyon?]

"Saluhin mo ako, dito sa may veranda ko ako bababa"

[okay then]

Pumunta ako sa veranda, napalunok ako ng makita si Allen sa baba, geez! do I need to do this? bigla ko tuloy na imagine na ako si Juliet at siya si Romeo, yung tipong itatakas niya ako mula sa panget na tatay ko na si Zero haha, he will be my prince-teka! nagdedaydream na naman ako.

"Ready?" inihanda na ni Allen yung kamay niya para saluhin ako,tumungtong na ako at ipinikit ang mga mata ko bago tumalon at sa pag hulog ko ay naramdaman ko si Allen, iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakangiti, yung puso ko,parang sasabog na naman.

"Okay ka lang" ibinaba na niya pala ako hindi ko pa namamalayan, haha.

"Ah oo, let's go bago pa tayo makita ng monster na nasa loob ng bahay namin" sabi ko, mukhang nag taka pa siya pero sumunod naman siya agad sa akin sa huli.

Pumasok na kami sa kotse niya at sinimulan ang pag maneho, habang nag mamaneho siya ay hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa kanya, he is so really attractive.

"Bakit ka nga pala doon dumaan? May tinataguan ka ba?"
"Ah oo yung monster na kakilala ko haha, hayaan nalang natin" napatingin siya sa akin kaya agad naman akong nag iwas.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa school, nang maipark na niya ay lumabas narin ako agad.

"Thanks Allen" he smiled at me.

"You're welcome, mauna na ako ah may pupuntahan pa kasi ako" tumango naman ako at ayun umalis na siya.

"Saan ka nag pumunta?

"My goodness nakakagulat ka naman, hindi ka ba in inform ng magulang mo na bawal ang mang gulat, paano kung may sakit-"

"Just answer my f*cking question" nakakatakot siya ah at saka bakit ba siya galit? masama bang takasan siya.

"Nakisabay ako kay Allen" sagot ko at tinalikuran na siya, ramdam ko namang sumusunod siya kaya binilisan ko ang pag lalakad, na-oawkward ako kaya ayaw ko siyang makita, naalala ko na naman yung kiss, argh! dapat akong magalit sa kanya.

"Iniiwasan mo ba ako?" rinig kong tanong niya kaya hinarap ko siya saglit.

"Hindi" tipid kong sagot at tinalikuran na siya pero hinawakan niya yung kamay ko at pinaharap sa kanya, geez! nakakatakot yung mukha niyang cold.

"Yung halik ba ang ikinagagalit mo?"tumingin lang ako sa floor"Tsk! May reporter sa sumusunod sa atin kaya ko ginawa iyon, part of the act kaya huwag mo ng isipin" pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniangat ko na ang ulo ko."Oh baka naman nagustuhan mo, gusto mo bang ulitin natin dito-aw! dalhin mo ako sa clinic" sinuntok ko siya sa may tiyan niya, hindi naman malakas pero sobrang OA niya.

"Shut up, can't you see? nakatingin na sila sa atin"

"tara na nga" inakbayan na niya ako.

*dug*dug* bakit parehas sila ng tibok kapag nakikita ko silang dalawa ni Allen?

at saka anong sabi niya kanina? It is part of the act? aba! hindi naman ata pwede iyon, ibinigay ko ang first kiss ko para sa pag papaggap lang.

"oh my!! nandito na siya'

"kasama na naman niya yung b*tch"

"mamatay na sana siya"

Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na kami sa classroom, sakto namang pumasok na yung science teacher namin.

As usual ganoon parin ang pwesto naming dalawa, nakakainis na nga eh, palagi nalang siyang bumubuntot sa akin, hindi ko na tuloy nakakasama si Jade at Allen ng dahil sa kanya.

Nang matapos na ang klase ay inunahan ko na siya, bahala siya sa buhay niya, bigla namang may humila sa aking tatlong babae patungo sa computer lab.

"Bitawan niyo nga ako!! ano bang kailangan niyo?!!" itinulak nila ako papasok.

"Tsk! You're such a big b*tch" sabi nung mukhang leader nila.

"Yeah! You deserve this" sabi naman nung mataba at sinabuyan ako ng something na malansa.

Ghad!! Allergic ako sa malansa!! Paano na ito?

"Please tama na" nag react na agad yung allergy ko, namumula na yung balat ko at unti-unti narin ako nanghihina kaya napaupo nalang ako at hinayaan ang pag babato nila ang kung ano-ano sa akin.

"Layuan mo na si Zero at Allen"-girlbaboy

"Sana mamatay ka na!" -girlpayat.

"Yeah Die!" -leader

"You deserve that b*tch" pagkatapos nilang sabihin iyon ay umalis na sila.

May pumasok namang lalake, hindi ko makita kung sino iyon dahil lumalabo na yung paningin ko.

"Diamond" that voice I know that it is.."Are you okay? f*ck!! I will take you to hospital, I will surely kill that b*tches who did this to you" naramdaman kong binuhat niya ako, kung hindi ako nag kakamali, siya si

"Allen?" and everything went black...

***
Sorry hindi ako nakapag update kahapon, busy kasi at saka nakilibot kami..

***

Definitely NOT His Fangirl (#Wattys2017)Where stories live. Discover now