"Hindi nga !So ano?Susunod o maiiwan?"pagbabanta ni inay

"Haay naku inay.Kung gusto niyo pati bahay ng kapitbahay linisin ko eh."pagmamadali ko pababa ng bahay namin para makapagsimula na sa paglilinis.

Omay G !Makikita ko na ulit si Kenneth.Yeheeey !Mabubuo na ulit ang love story namin.Omay Gosh !Im so excited na to go to Manila.Kyaaaaaaah !

Ang bait bait talaga ni inay.Siya talaga ang masasabi kong tulay sa pag iibigan namin ni Kenneth kaso nga lang may problema.Kung tulay si inay,ibig sabihin kalawangin na siya kasi ang tanda tanda niya na !Not like me,no oh so fresh in the highest level.

Ang swerte ko talaga kasi nagkaroon ako ng inay na tanggap ang aking kasarian.Tandang tanda ko pa nung sinabi ko noon sa inay ko nung Grade 1 ako na bakla ako.Para ngang malapit na akong maihi sa sobrang takot pero alam niyo ang sinabi ni inay?Ang sabi lang naman niya ay "Okay !Obvious naman.Bata ka palang alam ko nang baklushi ka."Hindi ko alam na may lahi palang manghuhula si inay.Madam Auring lang ang peg?

While,yung father ko naman ay nasa ibang bansa.Nagtatrabaho siya sa Canada at hindi ko alam kung ano na bang balita sa kanya.Natatakot nga ako dahil baka pagdating nun magulat siya dahil ang iniwan niyang anak na lalaki dati,ngayon ay nagtransform na into magandang babae.Kyaah !Nakakatakot pa naman si papa.

"Nay,bat nga po pala tayo lilipat ng Manila?"tanong ko kay inay habang nagkukuskos ng inyodoro na last year pa ata nilinis sa sobrang kadilawan.

"Bakit ayaw mo?Kung ayaw mo ako na lang."sabi ni inay habang nakataas ang paa habang nanunuod ng tv.Wow ang sarap ng buhay ni inay ah !Ang sarap ipahimod sa kanya itong inyodoro eh.Ang tamad tamad !

"Eh,bakit nga po inay?"pangungulit ko sa kanya

"Eh kasi sabi ng papa mo,lumipat na lang daw tayo doon para pag nauwi daw siya dito sa Pilipinas,madali na daw siyang makakapagpahinga galing sa byahe.Hindi katulad dito sa atin na napakalayo pa.Bago makadating ang papa mo dito eh parang ginahasa ng libo libong camel sa sobrang haggard."nobela ni inay.Grabe nagspeech na si mader eh !

"Ahh ganun po ba?Nay !Excited na akong pumunta sa Manila."sabi ko kay inay

"Paki ko?Maglinis ka na lang dyan.Ang ingay ingay mo,kita mong nanunuod ako nitong powerpuff girls eh."haay !Ang childish talaga ni inay.Minsan nga nagtataka ako kung bakit pinakasalan ito ni papa eh ang isip bata.

"Nay naman eh !Alam niyo ba makikita ko na ulit si Kenneth.Makakasama ko na ulit siya,mahahalikan ko na ulit siya sa lips."Ayy !Parang ang sobra na nung pangarap ko ah.

"Kadiri ka Patricio !Maglinis ka na lang dyan."sigaw ni inay kaya naglinis na lang ulit ako para matapos na

Matapos kong linisin ang buong bahay,pumunta na agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga.Putragiss na inay yan,hindi man lang ako tinulungan !Ang nag iisang prinsesa niya,pinagod niya.Grabe siya !Inabot pa ako ng gabi ha !

*tok,tok*(katok yan ng pinto)

"Anak !Anak !Buksan mo ang pinto."sigaw ni nanay.Halaa !Bat ang ingay ni inay,hindi niya ba alam na nagpapahinga na ako."Anak bilisan mo !Emergency !"Halaa ?Anong nangyari?Omay G !!!

Agad akong lumapit sa pinto at agad agad binuksan ito."Nay bakit?Ano pong nangyari?"

"Wala naman.Gusto ko lang sabihin sayo anak na Good Night."Whaaat?Emergency?May pagsigaw pa si inay yun lang pala ang sasabihin.Ang sarap na talagang biktihin ni inay.Promise !

"Ano ba?Nagmadali pa ako,akala ko kung anong nangyari.Mag gogood night lang pala kayo."sigaw ko kay nanay.Kakabadtrip na si inay ha !

"Ano ka ba anak!"hinampas pa ako sa may kanang braso"May gusto pa akong sabihin sayo bukod doon."sabi ni inay

"Ano po yun?"ano ba yan?Pasuspense pa si inay ah.Kinakabahan tuloy ako sa sasabihin niya.

"Hindi na tayo tuloy sa Manila."at biglang nalungkot ang mukha ni inay at lalo naman ako.Nabusangot na yung mukha ko.Umalis na si inay at nagpaalam na sa akin na matutulog na daw siya.

Bakit?Bakit hindi kami matutuloy?Kenneth paano na ang love story natin?Sadya bang hindi tayo meant to be para sa isa't isa?Bakit?Gusto ko nang mamatay !Kyaaaaah !

Habang umiiyak sa may harap ng pintuan,nagulat ako kasi may papel na nakakalat sa may harap ng pintuan ko.Saan ito galing?Hindi kaya?May multo dito sa bahay namin?Hindi kaya nagmumulto na si inay?Kyaaaah !

Unti unti kong nilimot ang papel at binuklat ito.Ala kinakabahan ako sa laman ng papel.Baka death threat ito sa akin.Lord huwag naman po.Please !!!!Binuklat ko ang papel at nagulat ako sa laman ng papel.

From : Inay

Anak kong chaka,huwag ka nang umiyak.Joke lang ang lahat !Haha.

Whaaat?Niloko lang ako ni inay?So tuloy pa din kami?Matapos kong umiyak at magluksa,all this time joke lang pala lahat?Humanda ka sa akin inay !!!!!!!!May araw ka din.

Again my name is Patrick Fortuno a.k.a Patricia and my magulong story begins here.

________

A/N:Hope you all like it !!!Comment po.Please ! :) Thank you very much.Please sana po magcomment kayo para malaman ko po kung itututloy ko. 

Badidang(Gay Story)Where stories live. Discover now