I slowly opened my eyes only to see Dyosa and Rona getting drag out from the cell.

Agad akong umupo at nagulat pa sa lalaking nakatingin sa akin. And like the two he held my arm and made me stand up. He drags me out too.

"Saan niyo kami dadalhin?" Tanong ko. Pero walang sumagot sa akin.

Inilabas nila kami mula sa likurang bahagi ng dead cell. Piniringan at isinakay sa sasakyan.

Bakit ba kasi kailangan kaming piringan parang tanga. Para ano? Para di namin makita ang daan at makatakas eh ni hindi nga kami makatakas sa higpit ng bantay nila sa amin.

Mayamaya huminto na ang sasakyan at inalalayan ako pababa. Buti na lang hindi masyadong harsh si kuya na naghahawak sa akin at di ako kinakaladkad. Kasi kung oo baka nagkandapa dapa na ako at mapahamak pa si baby.

"Upo." Sabi ng kung sino.

Naramdaman kong pinapaupo ako pero di ako umupo agad baka its a trap, walang upuan at mapaupo ako sa sahig madisgrasya pa ako at mapeligro si baby. Nang makapa ko na may upuan ay napanatag ako at dahan dahang naupo.

Then someone untied the cloth on my eyes.

I looked around at napanganga ako ng marealized kung nasaan ako. The mma cage in front of me.

Sa huling challenge ng DMG. Shit! Anong ginagawa namin dito? Isasabak kami ulit? Pero mukhang hindi. We are outside the cage.

Don't tell me we'll gonna watch who's gonna be inside? Shit!

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Hindi ko gusto ang naiisip ko.

Kaya ba kami nandidito dahil isa sa mga kasama namin ang posibleng pumasok diyan kung makakaligtas man sa maze challenge? Shit! Paano kung hindi?!

Sana naman hindi! Mali! Walang basehan ang naiisip ko. Pero kung narito kami malamang tama ang naiisip ko.

Napapikit ako. Parang nanghina ako sa naisip. Natulog nga ako para bumawi sa panghihina pero bakit parang mas lalo akong nanghina pagkagising? At ngayon nadoble pa sa mga naiisip ko.

"Louie okay ka lang?"

Napamulat ako at tumingin sa katabi kong si Rona. Tinanguan ko siya kahit alam niyang hindi. Si Dyosa na katabi nito ay nakatingin sa akin at halatang nagaalala.

"Bakla keri natin itey! Okay?"

"Keri." I said.

Nagantay kami ng mangyayari. I looked around. The guys who brought us here is around the cage. Lima sila. Kami namang tatlo ay nasa madilim na sulok nakapwesto pero kitang kita at nasa tapat lang namin ang cage.

"Ano kayang ginagawa natin dito?" Tanong ni Rona.

"Malamang manunuod ng laban laban o bawi bawi tenenenetentenenenen. Laban laban o bawi bawi." Kanta ni Dyosa. Napakunot noo pa ako ng makilala ang kanta. Alam ko kanta ng sexbomb girls yon eh. Alam ko yon kasi pinangarap kong maging sexbomb girls dati.

"Kanino laban kaya?"

Gusto ko sabihin ang naiisip ko pero ayoko sila magalala.

Napaayos ako ng upo ng biglang pumasok si Sofia.

Sinenyasan nito yong mga lalaki.

"Get them back on the cell." Utos nito.

What? So ano? Pinaupo lang kami dito?

"What? Yon na yon? Jupo jupo lang? Tambay mode on ganern?" Tanong ni Dyosa.

Nilapitan nila kami at itinayo.

"Sofia?" Tawag ko kay Sofia. Asking her through my eyes what the hell is happening? Anong ginagawa naming dito? Para umupo? I know they are trying to show us something. She just looked at me.

Pipiringan na sana ako ng isang lalaki ng makita kong bumukas yong pinto sa may cage. Pinigilan ko ito para tingnan.

Pumasok doon ang isang lalaki na may buhat na isang babae. Nilapag yon sa sahig.

"Deads?" Tanong ni Dyosa.

Napatango ako. Mukhang patay na nga. Mukhang hindi nakalaban sa mga lefters.

Lumapit ako para tingnan kung sino iyon. Buti hindi ako pinigilan. Hindi ko maiwasang kabahan. Baka isa kanila Kat ang makita ko.

Nang makita ang mukha ng babae. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko kilala. Hindi isa kanila Kat.

Pabalik na sana ako kanila Ron ng bumukas muli ang pinto. Isa ulit na lalaki na may buhat na babae. Base sa buhok na nagwawagayway sa ere dahil sa paglalakad nito. Kasabay ng pagtulo ng dugo sa leeg nito.

Bumalik ang kaba ko at mas lalong kinabahan. Sino naman kaya ito?

Nang ibaba ito at makita ko ang mukha napanatag ako. Hindi ko ulit kilala. Pero ang kaba ay nariyan pa.

Nagantay pa ako baka may kasunod pa. At hindi nga ako nagkamali.

Isa ulit na lalaki na may buhat na babae ang pumasok. Kapansin-pansin ang laylay nitong braso na halos maputol na sa laki ng sugat na gawa ng lefter.

Mukhang puro babae ang isinabak sa maze challenge ngayon.

Inantay kong ibaba ito. Naawa pa ako sa dami ng dugong tumutulo sa braso nito.

Nang tuluyan itong ibaba. Napanganga na lang ako.

Kasi this time kilala ko na.

Left (Season 3): Despair.Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα