Pangtatlumpu't-dalawa.

Start from the beginning
                                    

"Malamang sila Angelina!"

"Tapos di pa nila alam na wala na si Sergio! Kailan kaya nila sasabihin. Or sasabihin kaya nila?" Tanong ni Rona.

Napabuntong hininga ako at napakibit balikat.

Nagulat kami ng bumukas ulit ang pinto. Nagpasukan ulit yong mga lalaki kanina at hinawakan kaming tatlo sa braso.

Hindi ko alam pero hindi na ako nagreklamo ng hilain nila kami palabas. Siguro kasi nanghihina pa ako.

Nakakatawa nga kung paano nila kami hilahin ng mabilis palabas at isakay sa van na nakaabang sa labas. Halatang tinatago kami at iniiwasang ipakita sa kanila.

Pagkasakay sa van hindi nila pinakawalan ang mga braso namin mula sa pagkakahawak nila.

Nagsimula umandar ang sasakyan. Funny how we travel like this.

Saan kaya kami pupunta ngayon?

Ibabalik na kaya kami?

Malamang hindi. Kasi kung may balak sila edi sana hinayaan na nila si Rodmar na makita kami. Baka ikukulong ulit kami.

Nanlumo na lang ako tama ang hula ko ng dalhin kami pabalik sa dead cell.

What the fuck! Panandaliang kalayaan na naman. Tapos kulong ulit.

Mabilis kaming ipinasok sa loob ng dead cell. Hindi sila nahirapan kasi di naman kami pumapalag at wala pang tao para makita kami.

Napaupo na lang ako habang tinitingnan silang ipadlock ang gate. Hindi na combination lock.

Ano ba kasing balak nilang gawin sa amin? Ikulong kami habang buhay? Kung papatayin din naman kami bakit pinapatagal pa? Para mas masaya? But I doubt if I'll just stand there and gonna wait for my death. I have to fight for my life. Not just my life. But my baby's life also. Kahit sabihin na wala ng kwenta pang mabuhay sa ganitong mundo gusto ko pa rin malaman niya kung paano mabuhay. Kahit mahirap.

"Okay ka lang teh?" Tanong ni Dyosa sa akin.

"Oo."

"Akala ko hindi na tayo ibabalik dito." Sabi ni Rona. "Akala ko lang pala."

"Asado ka teh!"

"Asadong asado!" Ngiwi nito. "Nilinis lang pala tong dead cell."

"Tas pinalabas tayis habang nagjijinis sila. Taray mga bakla inperness may pake sila ng very light sa atin ah!"

"Pero may amoy pa rin dito."

"Syempre bakla hindi yon mawawala may mga kasama tayis na mga shokotobels na mababaho like kanal and patay na daga combine!"

"Tapos dumagdag pa yong lansa ng dugo. Ayun oh may bakas pa." May tinuro si Rona sa labas. Agad iyong tiningnan ni Dyosa. Malamang yong kay Sergio iyon. Hindi ko tuloy maiwasang maalala na naman ang nangyari.

"Ay oo nga bakla!"

Imbes usyusohin ang bakas ng dugo humiga na lang ako para matulog. I still feel so weak I think I need to regain some energy by sleeping.

"Bakla boborlog ka?" Tanong ni Dyosa.

Napansin kasi ako nito.

"Oo." Tango ko.

"Sige need mo yan. Hinang hina ka pa from everything."

Nginitian ko sila ni Ron bago pumikit.

"Bakit?"

"Hoy! Bakitchi mo akez jinijila?!"

Napakunot noo ako sa sigaw na naririnig ko na nagpagising sa akin.

Left (Season 3): Despair.Where stories live. Discover now