XXIV

1.5K 26 0
                                    

Denise's POV

Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko at napangiti. Dito na ako halos nasanay na mag-isa. "Denise tara na baka maiwan ka ng eroplano" sigaw ni mama sa baba. Ngayon ang araw ng alis ko pabalik sa Pinas. Nung una sabi ko kayla mama na okay lang kahit hindi na ako bumalik sa Pilipinas pero pinilit nila ako at namimiss na din nila ang bahay doon at iba naming kamag-anak. Pagkababa ko ng hagdan agad akong niyakap ng mga pinsan ko at sinabing mamimiss nga daw nila ako, napangiti naman ako dahil doon. Dahil akala ko hindi ko sila mga makakasundo pero sa huli sila pa pala ang mga makakasama ko dito sa bahay na to.

"Tita Den-den bili mo si Malvi ng toys doon ha" sabi sakin ni Malvi. Nginitian ko siya at tumango bilang sagot at ginulo ang buhok niya. Nagpaalam na ako kayla lalo at sa kanilang lahat para makaalis na kami nila mama at baka maiwan nga ako ng eroplano. Hindi kasi sila lahat sumama para ihatid ako sa airport dahil baka hindi nila mapigilan at umuwi na din silang lahat sa Pinas kawawa naman daw kasi si lola at mag-isang maiiwan doon. Nang makasakay ako sa van binuksan ko ang bintana para makapagbabye pa sa kanila.

Nang makarating kami sa airport saktong tinawag na ang mga pasahero sa sasakyan namin eroplano.  Nang maglanded ang eroplanong sinasakyan namin nila mama agad akong kinabahan. Andito na ako ulit sa Pilipinas. Wala niisa sa mga kaibigan ko dito ang nakakaalam na uuwi na ako, dahil wala na nga pala akong kaibigan dito. Inilibot ko ang tingin ko sa labas ng eroplano. Kinalabit ako ni mama at sinabing lalabas na nga daw kami kaya sumunod na ako. Pagkauwi namin sa bahay sinabi ko kaagad kayla mama na magpapahinga na ako dahil pagod na pagod ako byahe at dahil na din sa jetlag, siguradong sila din naman ay pagod.

Pagkagising ko kinabukasan tulog pa sila mama kaya nag-iwan ako ng note na umalis ako. Nagpunta lang muna ako sa starbucks para magkape. Nagcecellphone ako nang may lalaking umupo sa harap ko kaya naman napatingin ako sa kanya at napataas ang kilay. "Hi" sabay ngiti niya sa akin. Hindi ko siya kilala at hindi ko sin siya namumukhaan kaya sigurado akong ngayon ko lang siya talaga nakita. Pinagpatuloy ko na lang ang pagcecellphone ko at uminom ng sa kape ko. "Snob naman pala" hindi ko na siya pinansin at lumabas na lang ako. Naramdaman ko naman sumusunod siya kaya tinignan ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay, pagkaharap ko may nabangga ako.

Nagulat ako sa nakita ko si Macy at si Kenneth. Babatiin pa sana ako nila ng hilahin ako nung lalaking sumusnod sa akin. Habang hila hila niya ako hindi ko mapigilan na mapatulo ang luha ko. So si Macy pala yung babaeng yun? Si Macy ang pinalit niya sa akin? Ex niya na binalikan niya pa? Akala ko ba siya ang nakipagbreak dito pero bakit ngayon magkasama nanaman sila?

Napatingin naman ako dun sa lalaki ng bigyan niya ako ng panyo, kinuha ko naman yun at pinunasan ang mukha ko. "Bakit ka umiiyak?" tinignan ko naman siya at umiiyak nanaman ako naramdaman kong niyakap niya ako kaya lalo pa akong naiyak. "Wag ka na ngang umiyak at baka sabihon ng mga tao dito pinapaiyak kita" agad naman akong umupo ng maayos dahil naalala kong hindi ko pala siya kilala. "Sino ka ba at nilalapitan mo ako?" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at nagtaka ako sa inasal niya problema neto, baliw ba siya?

"I like your accent huh" inirapan ko na lang siya at tumayo na para umalis ng hawakan niya yung kamay ko. Binuhat niya ako kaya naman nagsisisigaw akong ibaba niya ako. "Ano ba ibaba mo nga ako!" utos ko sa kanya at para namang wala siyang naririnig dahil dirediretso lang siya sa paglalakad. Isinakay niya ako sa kotse kaya mas lalo akong kinabahan. Bubuksan ko na sana yung pinto pero di ko mabuksan. Nang makapasok siya ng sasakyan agad ko siya sinapak. "Aray ko! Para saan yun?" tanong niya habang nakahawak sa may bandang labi niya at tinignan niya ito sa may salamin. "Masakit yun ha!" sabi niya pa.

My Everlasting Love Where stories live. Discover now