XXI

1.3K 22 0
                                    

Hi Guys!!!!

Hindi ako makatulog at sobrang active ng utak ko ngayon. Kaya eto ang update.

Hay salamat bakasyon na!

Kinuha ko agad sa table yung phone ko pagkakita ko pa lang ng pangalan ni Kenneth.

"Hiiii miss na kita agad" bati ko sa kanya.

*Hindi nga halata e* sabay tawa niya ng mahina. *Kinakamusta lang kita kaya ako tumawag*

"Eto namomoblema sa requirements dito para makapag enroll na agad" sagot ko.

*Ken tara na malelate na tayo sa appointment* rinig ko sa kabilang linya na tinatawag na siya ni tita.

"Sige na tinatawag ka na maya na lang ulit facetime" ngumiti ako at inend na yung call.

Ang hirap ng sitwasyon namin ngayon. Nasa states na ako ngayon at dito na daw ako mag-aaral kaya naman minsan na lang kami makapag-usap ni Kenneth. Kahit bakasyon na ngayon ang dami padin naming kailangan gawin at kailangan din muna naming makasama ang pamilya namin.

Andito ako ngayon sa unang school na pag-eenrollan ko sana nga makapasa ako sa entrance exam dito para hindi na kami mahirapan humanap pa ng ibang school.

Pagdating ko sa tapat ng bahay naririnig ko na ang malakas na tugtugan. Napapikit ako pagpasok ko dahil sa sobrang ingay.

"Hey girl! Want a drink?" tanong sakin nung lalaki na sa tingin ko kaidad ko lang din.

"No thanks" tumaas na ako agad sa kwarto at nilock agad yung pinto.

"HAAAAAAAYY" sigaw ko sa sobrang frustrated. Simula andito ako kayla lola hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil sa lakas ng music.

Madaling araw na pero sobrang lakas padin ng tugtugan sa baba. Naisipan ko namang buksan yung laptop ko at tinignan kung online na si Kenneth sa skype. Pagkakitang pagkakita ko pa lang na online siya tinawagan ko na sya agad. Wala pang dalawang ring sinagot niya na kaagad.

*Bakit gising ka pa? Madaling araw na diyan ha!* ang ganda ng bati niya sakin.

"Di kasi ako makatulog ang ingay nanaman"

*Wala ka bang ibang pwede pagtulugan? Apartment?*

"Wala pa akong pero pang bayad para sa ganun"

Napatingin naman ako sa pintuan dahil may nagpupumilit buksan. Hinahampas pa.

*Ano yun babe?* napatingin naman ako ulet kay Kenneth na.

"Ewan ko din may humahampas sa pintuan ko e, baka yung mga tao sa labas"

*Hay!* nakita ko sa mata niya na hindi niya alam ang dapat niyang gawin kaya sinabi ko kaagad sa kanya na okay lang ako dito na kaya kong tiisin.

*Ken tara na tinatawag na tayo ni tita* rinig ko sabi nung babae sa kabilang linya.

"Sino yun?" pagkatapos kong magtanong bigla na lang nagend yung call. Kinabahan na ako bigla.

Sino yung babaeng yun?

Hindi pamilyar ang boses na yun.

Kaano-ano niya yun?

SURPRIIIIIIISE!! 🎉🎊

My Everlasting Love Where stories live. Discover now