XXIII

1.3K 22 4
                                    

Denise's POV

Ilang buwan na matapos nung huli naming pag-uusap ni Ken at hindi na talaga kami nakapag usap pa ulit kahit text wala na din. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako or what. Basta hindi na talaga siya nagpaparamdam. Text ako ng text sa kanya, tinatawagan ko siya pero hindi ko na siya macontact siguro binlock niya yung number ko.


Hindi ko alam kung may pagkukulang ba ako. Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyare at nagkaganun siya. Sa pagkakaalam ko siya pa nga itong binabaan ako ng telepono noong magkausap kami dahil may babaeng tumawag sa kanya.

Tinanong ko si Althea kung sino yung kasama nila Ken na babae sa bahay nila ang sabi niya hindi niya alam dahil umuwi siya sa States at wala siyang balita kay Ken. Tinatawagan niya din daw ito sa skype pero hindi siya sinasagot.


Hindi naman ako nagalit kay Ken dahil doon sa huli naming pag uusap. Ang gusto ko lang ngayon ay makausap ko siya. Kahit i-message niya lang ako na okay lang siya at hindi na dapat ako mag alala pa sa kanya. Kaso wala e, lagi na lang siya ang iniisip ko hindi na siya maalis sa isipan ko. Sa gabi minsan iniiyak ko na lang sobrang pagkamiss sa kanya dahil wala na talaga akong magagawa.

Ayaw na akong pabalikin sa Pilipinas ng lola ko. Gusto kong tumakas kaso nasa kanya yung passport ko. Magpapasukan na ulet at na enroll na nila ako sa bagong unibersidad na papasukan ko, pero ako eto walang balak pumasok. Ni hindi pa nga ako nakakabili ng mga gamit na kakailanganin ko.


May narinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napatingin ako dun. "Bukas yan pasok!" hindi na ako tumayo sa kama ko para pagbuksan kung sino man ang kumatok sa pinto dahil aobrang tinatamad ako at walang gana. "Bumaba ka na daw at kakain na, ikaw na lang ang iniintay pa special ka pa e" sabi ni Sab na isa sa mga pinsan ko. Wala akong choice kung hindi sumunod na lang dahil mapapagalitan din ako ng lola ko at pinaghihintay ko sila sa baba.

Pagkababa ko lahat sila nakatingin sa akin kaya napatingin na lang ako sa sahig nakakahiya. "Sorry po pinaghintay ko pa po kayo" yun na lang ang sinabi ko at umupo na sa bakanteng upuan. Nagdasal muna kami bago kumain. Habang kumakain kami may sari-sariling kwentuhan ako lang ang walang kakwentuhan dahil di ko naman kaclose ang mga pinsan ko dito si Ate Dielle lang naman ang madalas kong nakakausap kaso wala pala siya ngayon.


"Denise, How about you ano ang pinagkakaistorbohan mo sa nung mga panahong nasa Pilipinas ka pa?" napatingin ako kay lola na tinawag ang pangalan ko. Sa totoo lang ayaw niya ng tinatawag ko siyang lola ang gusto niya ay mamita kaso hindi ako sanay. Lumaki ako ng wala naman siya. Kaya lola ang nakasanayan kong itawag sa mga lola ko.

"Nag-aaral lang po" magalang na sagot ko. Narinig ko namang nagbulungan ang dalawa kong pinsang babae. "Boring naman pala haha" sinaway naman sila ng mama nila kaso matitigas nga ang ulo kaya nagtawan lang ulet. Hindi ko na lang pinansin yung dalawa at pagkatapos ko kumain umakyat na ako ulet. Chineck ko muna yung laptop ko kung may message na ba galing kay Ken sa skype kaso bigo ako wala parin.


Ano na ba nangyare sa kanya? Hindi niya na nga ata na alala ang anniversary namin e. Kaya ako na lang mag-isa nagcelebrate. Sobrang nalungkot talaga ako pagkatapos nung araw na yun, hindi ko na alam ang gagawin ko. Si Althea gusto akong punatahan kaso hindi siya pinapayagan nila tita dahil magsisimula na ang klase.


~~

Nagsimula ang school year ng wala man lang akong kakilala dito, hindi ko din naman ka year level sila. Hirap na hirap ako mag adjust sobra dito noon akala ko madali lang dito sa states pero kapag andito ka na pala sobrang hirap na.

Mag-isa lang ako dito sa isang sulok ng classroom niisa sa mga kaklase ko wala atang balak ako kausapin. Sana andito na lang si Althea para may makausap pa ako kahit masungit yun. Nakakamiss lang sila.


Nasa cafe ako ng magulat ako sa biglang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko, kaya naman agad kong kinuha yung phone ko baka si Althea. Pero nung pagtingin ko sa pangalan ni Ken.Sobrang bilis ko tinaype yung password ko para mabasa agad yung message niya sakin, pero..

Sobrang bilis ko tinaype yung password ko para mabasa agad yung message niya sakin, pero

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Anong nagawa ko at bigla na lang siyang nakipagbreak. Anong problema niya? Bakit hindi man lang siya magsabi sa akin at baka matulungan ko pa siya. Hindi ko na alam gagawin ko, tumulo na lang ang luha kaya napatakip ako ng mukha ko dahil baka pagtinginan ako ng mga tao dito. Lumabas na lang muna ako ng cafe at dumeretso sa bahay. Pagkauwi ko kinausap pa ako nila Alex pero di ko na sila pinansin at dumeretso sa kwarto ko agad ko namang nilock yung pintuan. Nagring yung phone ko pero di ko na pinansin.


Nagising na lang ako ng lamigin ako nang mapatingin ako sa may bintana madalim sa labas pagkatingin ko sa alarm clock 4:30 am pa lang. Bumaba ako para kumain ng kaunti at tumaas na agad. Matutulog na sana ako ulet ng maalala kong nagring ang phone ko kanina. Si Althea pala yung tumatawag. Pero di ko na siya tinawagan, i deleted her number. Lahat ng communication ko sa kanila inalis ko na rin. Kinabukas bumili ako ng bagong sim.

~~

Nasanay na akong mag-isa pumapasok at umuuwi. Minsan kapag naabutan ko sila Alex sinasama nila ako sa mga lakad nila, pero kapag pagod ako nasa kwarto lang ako at nagmovie marathon mag-isa. Habang nanonood ako nagvibrate bigla ang phone ko it was a reminder. Napangiti ako sa nakita ko.

Reminder:
Happy Anniversary Ken!! 💗

Halos limang taon na pala ang nakalipas at nakagraduate na ako ng college, may trabaho na din ako, dahil nga may company si lola ay kami narin mga apo niya ang nag-asikaso ng company.

Pagkauwi ko sa bahay nagulat na lang ako at ang daming tao. Ano kaya ang meron? Pagdating ko sa may sala may confetti silang inihagis at mga nag-ingay sila. "SURPRISE" napangiti naman ako kay Malvi yung pamangkin ko meron na ding anak si Ate Dielle.  Umupo ako para makalevel ko siya at niyakap at tumayo na ulit. "Anong meron at nagpaparty kayo?" tanong ko kayla mama. "Advance birthday party mo anak kase pinayagan ka na ng lola mo pumuntang Pilipinas pwede mo nang icelbrate ang birthday mo doon at makita sila Althea" napakunot ang noo ko sa sinabi ni mama, bakit ngayon pa? Gusto ko sanang sabihin sa kanila kaso baka magalala pa sila. Hindi padin kasi nila alam na break na kami ni Ken. Hindi kp pinaalam sa kanila.

Kumain lang kami at pagkatapos magcelebrate nagpahinga na din ako. Nakita ko sa may table ko sa kwarto ang passport ko at ticket. Uuwi pa ba ako ng Pilipinas?

[a/n] 2 Chapters na lang at matatapos na.

My Everlasting Love Where stories live. Discover now