VII

1.6K 32 1
                                    

Ngayon andito na kami nila mama sa US at kabadong kabado makita si lola. Nagulat lang kaming lahat ng ipatawag kaming buong angkan. Hindi naman kami pinapapunta ni lola dito at kami mismo yung pupunta dito sa US.

Hindi ko maintindihan yung feeling ko ngayon para akong matatae hahahaha joke. Pero kinakabahan talaga ako.

"Asan ang mga apo ko?" napatayo ang lahat nang makita namin si lola sa may hagdan. "Lola" nagmano kaming lahat muna sa kanya bago bumalik sa mga kinauupuan.

"Pinatawag ko kayong lahat para malaman niyo na iaassign ko na ang mga apo ko sa kanya kanya nilang mga trabaho" seryosong sabi ni lola na nakataas pa ang kilay.

"Pero Ma masyado pa silang mga bata para magtrabaho" sabi ni Tita Mex.

"Sinabi ko bang lahat sila magtratrabaho na? Sila Denise pwede nangmagtrabaho" napatingin naman ako kay lola nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Pwede pong masira ang pag-aaral ni Denise" sabi ni mama kay lola.

"Odi sige walang papayag na may magtrabaho sa mga apo! Wala kayong makukuhang mana lahat" napabuntong hininga naman sila mama ng sabihin ni lola ang mga katagang iyon.

"Si Alex po papayag ako na magtrabaho na siya" sabi ni Tita Ninz. "Ma?" asar na sabi ni Alex.

Wala na kaming magawa na magpipinsan dahil pumayag na ang mga magulang namin. Lumabas na lang kami sa garden at umupo sa bench.

"Nakakaasar talaga si lola" sabi ni alex na mukhang asar na asar na.

"Sinabi mo pa" pagsangayon ni Jerard.

Di ako masyadong close sa mga pinsan ko kaya hindi na lang ako sumasabat. Pero may inis din ako kay lola karulad nila.

Habang naghihintay sa pinaguusapan nila mama about sa working thingy na yan tumaas na lang ako sa kwarto ko. Oo may kwarto ako.

Malaki talaga ang bahay ni lola lahat kaming magpipinsan ay may tig-isa isa na kwarto dito.

Pero hindi niya iniispoild kahit isa sa amin pati sa mga anak niya.

"Hayy ang boring naman" sigaw ko pero yung hindi maririnig nila lola sa baba.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Narinig ko na lang na may ingay sa baba.

Pagkababa ko mayroong banner na "Congrats! You're getting married"

"Sinong ikakasal?" tanong ko.

"Ikaw" sabay sabay nilang sabi.

My Everlasting Love Where stories live. Discover now