"Ma, anong ginagawa n'yo dito?" tanong ni Dwight na para bang gulat na gulat na maabutan kami ng nanay niya sa ganitong posisyon.

"Wala naman. Tinatanong ko lang si Georgina kung okay lang siya. Binigyan ko lang din siya ng tips sa pagbubuntis. Ayaw ko namang mawalan kaagad ng apo," sagot niya sabay ngiti nang pagkalaki-laki. Oh my god. Ang sarap niya talagang sakalin!

"Okay. G, tara, kain na tayo," sabi ni Dwight pero may feeling ako na parang pinagdududahan niya rin 'yong nanay niya. Inilapag na lang niya sa lamesa 'yong tray ng pagkain namin. Sumunod ako sa kanya at nagsimula na kaming kumain. Umalis na rin 'yong bruha dahil doon. Pagkaalis na pagkaalis no'ng bruha, nagsimula nang magtanong si Dwight.

"Seryoso ba si Mommy kanina?"

"Siyempre, hindi. Alam naman nating pareho na hindi naman talaga ako buntis, 'di ba? Oh, by the way, alam daw niya 'yong totoo. Tinanong niya rin ako kung magkano ba ang kailangan ko para iwanan kita," sagot ko sa kanya sabay subo ulit ng pagkain.

"Wait, what?"

"You heard me. Kailangan ko pa bang ulitin lahat ng sinabi ko?" I answered him sarcastically.

Umiling na lang si Dwight bilang sagot sa tanong ko.

"G, when would be the time that both of you could live in peace?"

"Ewan ko. Tanungin mo 'yong nanay mong bruha. Sa totoo lang, handa naman akong ayusin kung ano mang problema ang meron kami. Siya naman 'tong gumagawa pa ng mas maraming problema imbis na magbawas, e. For all I know, baka pinilit niya pa talaga na tumira rito si Denise so that we wouldn't dare to live in peace."

Tahimik na kaming kumain ni Dwight pagkatapos noon. Nang natapos na kami, pinakuha na lang ni Dwight sa maid 'yong tray. Pinilit niya rin na manood muna kami ng movie bago kami matulog.

Pagkagising namin kinabukasan, nagulat kami nang makita namin 'yong kumpletong set ng breakfast sa lamesa. Tumayo agad ako at nawindang ang buhay ko nang nakita ko 'yong note galing sa bruha. Sorry na raw sa nagawa niya sa akin noon. Sa dami ng nangyayari sa buhay namin ni Dwight ngayon, sa tingin ko, hindi talaga maintindihan ng nanay ni Dwight ang ibig sabihin ng forgiveness. So, feeling niya, matatapos na lahat ng problema namin dahil lang ipinaghanda niya kami ng almusal? Guess what? She got that wrong, big time.

Dahil pinagdududahan ko 'yong safety no'ng pagkaing iniwanan niya sa amin, pinanood ko na lang si Dwight sa pagkain niya. Malay ko ba kung pinaulanan niya ng paminta o asin 'yong pagkain. Nang nakakalahati na si Dwight sa pagkain at wala naman akong naririnig na reklamo mula sa kanya, saka lang ako kumain. Honestly, the food was better than what I have expected it to be.

"G, anong gusto mong gawin ngayon?" tanong ni Dwight.

"Hmm. Ewan ko. May naiisip ka ba?"

"Gusto mo bang pumunta sa mall? Nami-miss ko na ring makipag-date sa 'yo," sagot niya sabay pulupot ng mga braso niya sa akin.

"Tse. If I know, gusto mo lang hanapin 'yong mga naging ex mo."

"G, wag ka ngang magselos sa kanila. Alam mo namang sa simula pa lang, nasa 'yo na 'yong puso ko," sabi niya tapos hinalikan niya ako sa cheeks.

Oh my god. Ano bang ginawa ko para bigyan ako ng asawang katulad ni Dwight? He's more than I could ever wish for. Naging mabait naman siguro ako sa past life ko para magising deserving sa katulad niya, 'di ba?

Katulad ng sinabi ni Dwight, nagpunta kami sa mall para mag-date. Nanood kami ng movie, nag-ice skating, bowling, at nag-aksaya ng pera sa arcade. Hindi mo aakalaing college graduates na kami o kaya naman ay kasal na. Sobrang hyper namin to the point na pinagtitinginan na kami ng mga tao sa mall. But whatever. Wala kaming pakialam. Ang importante, masaya kaming dalawa.

Nang napagod na kaming dalawa ni Dwight, napagdesisyunan na naming kumain. Papasok pa lang sana kami sa restaurant nang nakita namin 'yong bruha kasama ang paborito niyang minion na si Denise. Don't tell me, nagmi-meeting pa sila para gawing mas miserable ang buhay ko?

"Oh shit," I mumbled to myself.

Narinig pa rin pala ni Dwight 'yong sinabi ko kaya tiningnan niya ako nang maigi.

"G, may problema ba?"

"Ha? Wala. 'Wag mo na lang pansinin."

Sobrang umaasa akong palalagpasin na lang ni Dwight 'yong nangyari pero Dwight being Dwight, pinilit niya pa rin akong umamin. Having left with no choice, itinuro ko na kung saan nakaupo 'yong nanay niya at si Denise.

Nagsalubong ang kilay ni Dwight pagkakita sa dalawang bruha. Sobrang engaged sila sa pinag-uusapan nila at tumatawa pa sila paminsan-minsan. Kahit ilang metro pa ang layo namin, ramdam na ramdam ko ang dark aura na pumapalibot sa kanila. Para bang nag-iisip sila ng mga paraan para mapabagsak ako. Lalapitan na sana sila ni Dwight nang hawakan ko siya sa braso para mapigilan siya.

"Dwight, tara na. They're not even worth it. Sa iba na lang tayo kumain," sabi ko sa kanya habang hinahatak ko siya papalabas ng restaurant.

"Pero ito lang 'yong restaurant na nagserserve no'ng pagkaing gusto mo."

"Okay lang. Next time na lang natin kainin 'yon. Let's just go," pagmamakaawa ko sa kanya. Eventually, pumayag na rin si Dwight sa gusto ko. Sa totoo lang, nawala na talaga 'yong appetite ko dahil sa nakita ko pero ewan ko. Hangga't kasama ko si Dwight, alam kong magiging okay din ang lahat.

"G, sabi mo, hindi sila worth it. E bakit parang nanlulumo ka riyan?"

"Hindi ko lang talaga kasi ma-gets. I mean, bakit ba gustong-gusto ng nanay mo si Denise? Dahil ba mayaman sila? O dahil pareho silang bruha? Kapag ba naging katulad nila ako, matatanggap na rin niya ako?" tanong ko kay Dwight out of the blue. Sobrang nakafru-frustrate na kasi ang mga nangyayari. Wala na akong maisip na ibang solusyon sa problema ko.

"Subukan mo lang na maging katulad nila, maghahanap na talaga ako ng iba na pwede kong maging asawa," sagot ni Dwight kaya naibuga ko bigla 'yong juice na iniinom ko. Jusko. Binabawi ko na po lahat ng sinabi ko! Ayaw ko na pong maging kabarkada ng mga bruha!

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now