Tayo na lang. (One shot story)

339 19 13
                                        

Hi ako nga pala si Janella. May mahal ako kaso di pwede dahil may iba siyang mahal. Bakit ang kambal ko pa yung nagustuhan niya bakit hindi nalang ako. Ang taong mahal ko ay walang iba kundi ang bestfriend ko since elementary kami siya si..

"Hi Janella! Tara gala!" Siya si Rafael ang maling taong minahal ko.

"Sige sige Rafael susunod ako." Sabi ko.

"Ge ge ge anatyin kita dito Ela!" Sigaw niya sa tapat ng bahay.

"Opo El! Magantay ka dyan." Kami lang ang nagtatawagan ng ganyan. Yung iba naming kaibigan tawag samin ay ang totoo naming pangalan. Lumabas na ako ng bahay at pinuntahan na siya.

"Oh wow! Yan nanaman ang porma. Boyish ka talaga." Oo dahil ayoko ng masyadong girly kasi.. Ew. Yuck. Hahaha pero babae ako ah di ako tibo.

"Bakit di ka pa nasanay! Tagal na tayong magbestfriend ah." Tagal nanga kaso wala naman siyang nararamdaman saakin.

"Alam mo Ela mas magaling pumorma sayo si Janiela di boyish." Yup yun ang kakambal ko si Janiela ang enemy ko since birth. Siya ang laging pinupuri at siya rin ang mahal ng mahal ko.

"Wag mo nga ako ipagkumpara nasasaktan lang ako eh!" Oh my gosh ano tong nasabi ko. Tumigil siya at tinaasan ako ng kilay.

"Nasasaktan? Ela ah may lihim ka palang pagtingin saakin ah." Sabi niya kaya binatukan ko siya.

"Anong pinagsasabi mo! Nasasaktan ako dahil siya lagi pinupuri niyo!" Sabi ko sa kanya.

"Ahhh wag na malungkot. Bestfriend naman kita eh.." Tsaka niya ako inakbayan.. As a BESTFRIEND.

"Nga pala ano ba magandang iregalo sa kambal mo. Ahm rose, teddy bear, chocola--" naputol ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"Bakit kailangan ako pa tanungin mo diyan?!" Masakit kasi bes wag ako.

"Eh kilala mo siya eh kambal mo yun eh." Sabi niya.

"Alam mo naman di kami close nun." Kasi naiingit at nagseselos ako sa kanya. Wala siyang ginagawang masama saakin pero ito ako galit na galit sa kanya.

"Eh.. Basta tulungan mo na ako dali na Ela yiee tutulungan na ako ng bestfriend ko." Pilit niya.

"Bigyan mo nalang ng kahit ano."

"Ano bayan Ela nagpatulong pako."

"Pumayag bako na tulungan kita!"

"Please Ela.. Bat ka ba ganyan tuwing nagpapatulong ako sayo manligaw laging ayaw mo." Manhid ka kasi.. Ito nanga ohhh nasa harapan mo na ako. Ako nalang kasi.

Tayo na lang. (One shot story)Stories to obsess over. Discover now