XVIV. The Myth (3)

1.5K 37 0
                                    


XVIV. The Myth

***

Nakatingin lang si Vice sa kisame ng kubong kasalukuya niyang pinagpapahingahan. Thinking of everything that happened within the day, which is definitely and pretty crazy for him.

"Hijo, hindi ito panaginip kung iyon ang iniisip mo."

Muling bumalik sa isipan ni Vice ang sinabi ng matandang mang-gagamot sa kaniya kanina.

"This is crazy!" napahilamos na si Vice dahil sa paulit-ulit na rumehistro sa isip niya ang buong araw niya.

"Karylle..."

Ngunit agad namang napalitan nang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang pagtataka at inis niya kanina nang maalala niya ang pangalan ng babaeng iniligtas niya, na isa palang prinsesa.

"Karylle..." pag-ulit niya pa.

Agad na rumehistro sa utak niya ang mukha ng dalaga sa isipan niya na ikinagiti niya.

"This is definitely crazy!" sambit niya at inayos na ang sarili upang matulog. "Gisingin mo na ako please, kung panaginip lang 'to."


"Ikaw ang napili. Kaya't sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong gawin tulad ng sa propesiya."

"H-hindi ko kaya..."

"Ipinaalala ko na sa iyo na huwag kang maging malapit sa mahal na prinsesa, dahil magsisisi ka na nagawa mo pa siyang kaibiganin!"

"Kung ayaw mong gawin, ako ang gagawin!"

"Isa kang duwag!"

Kasunod magulong pangyayari, ang paulit-ulit na pagrehistro ng mukha ng prinsesa, ang bayan, ang nasusunog na pamayanan, tawanan, iyakan, pagsisisi, ang griffin na humihiyaw sa galit at nadarama mo ang sakit sa boses nito. Paulit-ulit na lumilipat ang mga imahe sa iba't ibang uri ng transisyon, at ngayon ay balot ang katawan ng dugo, rinig niya ang mabigat nitong paghinga. Hindi siya maaring magkamali, kaniya itong katawan.

"Huwaaaag!"




Pawis na pawis ay napalikwas si Vice mula sa pagkakahiga niya. Saglit siyang natulala at napatingin sa kawalan.
.
"Isang panaginip... Masamang panaginip." sambit ng binata na napahilamos nang maalala ang panaginip niya. Ngunit napatawa agad siya nang mapagtanto niya ang paraan ng pagsasalita niya.

"Taray! Pure tagalog yun." natatawa niya pang pagkausap sa sarili sabay tingin sa paligid niya.

Maliwanag na sa labas. Tila maganda ang sinag ng araw dahil kita niya naman ito sa kubong pinagpahingahan niya.

Inayos niya muna ang buong kubo at ang sarili niya bago niya napag-isipan na lumabas sa kubo.

At sa pagkakataong ito ay nakasisilaw na sinag na araw ang bumungad sa binata, may hindi kakapalang usok, at tugtog ng makalumang musika, at ingay na likha ng mga nag-uusap na tao. This scenario that can only be seen in movies, ay ngayon nakikita at

"Gising ka na pala, ginoo." bungad sa kaniya ng isang lalaki.

Naalala niya, ito ang lalaking unang nag-entertain sa kaniya kagabi, na sa isip ay ang pinuno ng tribo.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon