Mabilis ko namang natapik yung kamay niya at nahila pababa yung t-shirt ko. OMG. That was close. Agad ko siyang tinapunan ng masamang titig. Itong ugok naman na 'to ay ngingisi-ngisi lang. Sa tingin niya ba nakakatuwa yung ginawa niya?! GEEZ!

"I hate you, Greg! Binabawi ko na yung sinabi ko noon na mahal kita! Joke lang 'yon, sinabi ko lang 'yon para ma-encourage kang magpagaling agad! Sinabi ko lang 'yon pa--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng isang malambot na mga labi na naman ang dumampi sa mga labi ko. Ilang segundo lang nagtagal iyon at inalis niya agad.

"May sasabihin ka?" Pang-aasar nito.

"Oo! Sinabi ko lang iy--" At muli'y idinampi na naman niya ang mga labi niya sa labi ko. Aba! Nakakarami na 'tong ugok na 'to ah!

"Don't you dare continue what you were saying kung ayaw mong maghapon at magdamag tayong maghalikan dito."

Parang kuryente namang dumaloy sa katawan ko yung mga sinabi niya. Agad na nagtaasan ang mga balahibo ko sa buong katawan at nanigas ako sa'king kinatatagyuan.

Napatakip na lamang ako ng bibig habang nakakunot-noong nakatingin sa kanya. This guy is really good at pissing me off.

"Bastard." Bulong ko.

"May sinasabi ka ba?" Nakangiting tanong nito. Agad naman akong umiling-iling. "Ah, akala ko may sinasabi ka, 'e. Baka kako gusto mo ulit mahalikan, 'e."

Sinundan ko naman siya ng masamang titig habang palabas siya ng kusina. I hate you, Gregory. Geez.

* * *

Nandito kami ngayon ni Greg sa mansyon nila para komprontahin ang Mama niya tungkol sa issue ni Greg at Liezyl. Gusto niya raw na kasama ako bilang proof. Hindi ko naman naintindihan kung anong klase proof ang tinutukoy niya.

"You can't just do that, Greg!" Matigas na wika ng Mama nito. "Nakausap na natin ang pamilya ni Liezyl. Masyadong nakakahiya kung iuurong natin ang plano niyong pagpapakasal. Nag-iisip ka ba ha, Greg?" Wika ng Mama niya. Kahit nasa loob sila ng office nito habang nag-uusap ay rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila. Paano kase'y halos magsigawan na sila.

"No, Ma. I won't marry the girl I'd never love. Tsaka isa pa, kasama ko ngayon ang babaeng gusto kong pakasalan." Nanlaki naman ang mga mata ko pagkasabi niyon ni Greg. "Hazel, come here." Lumabas pa siya sa pinto ng office at inilahad ang kamay niya.

Nag-alinlangan pa akong tumayo pero parang may magnet ang mga kamay niya. Nakita ko na lang ang kamay naming dalawa na magkahawak sa harap ng Mama niya na halatang gulat na gulat.

"H-Hazel?" Saad ng Mama nito.

"Yes, Ma. She's the girl I want to marry. I know she has no connection to any company but she's so dear to me. Siya ang gustong kong pakasalan kahit saan pang simbahan at kahit sa lalong madaling panahon pa." Wika pa ni Greg habang titig na titig sa akin.

Napahilamos naman ng mukha niya ang Mama nito. "Do what you want, Greg. You are big enough to have your own decisions." Saad pa nito saka ngumiti ng bahagya sa amin. "But before that, gusto ko munang makausap si Hazel ng kaming dalawa lang." Ani nito. Siya namang paghalik ni Greg sa noo ko at pagpapaalam na hihintayin niya ako sa labas.

Nangangatog ang tuhod kong humarap sa Mama niya. This is it. My final judgement. Kung ano mang mura at masasakit na salita ang sabihin ng Mama niya ay tatanggapin ko.

"I-I'm sorry po sa mga ginawa ni Greg." Nakayukong wika ko. Paglingon ko sa nanay niya ay nakatayo na ito ay unti-unting naglalakad palapit sa akin. Shit. Ito na 'yon, she's going to kill me.

Napapikit na lamang ako noong maramdaman ko na nasa tapat ko na siya. Ano mang oras ay maaaring tumama ang isang malutong na sampal sa pisngi ko.

"Bakit nakayuko ka? A soon-to-be Lopez should not act like that." Ani nito. Agad naman akong napatingin sa kanya. "Welcome to the family, hija." Dagdag pa niya saka ako niyakap. Habang nakayakap ito sa akin ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I'm sorry dahil binigyan ko pa kayo ng problema ni Greg. Alam ko naman na ikaw talaga ang gusto niya noon pa, pero inisip ko puppy love lang 'yon. But looking at him now, he's a grown man already at kaya na niyang mag-decide para sa sarili niya kahit alam pa niya na maaring ikasama ito ng kumpanya." Humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa akin. "Natutuwa ako dahil ikaw ang gustong pakasalan ng anak ko. You're gonna be a good wife to him, alam ko. Afterall, you're as good as your parents. Thank you for loving him, hija. Please take care of him for me huh?" Mangiyak-ngiyak na wika nito.

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at saka hinawakan ang kamay nito. "I will, Tita." Naiiyak na wika ko rin.

* * *

Paglabas ko ng office ng Mama ni Greg ay nakita ko siyang nagbabasa ng kung ano mang Magazine.

"Greg." Wika ko rito. Mabilis naman niyang inilipat ang tingin sa akin at saka ako nginitian.

"Hello, Mrs. Lopez." Saad niya. Agad kong naramdamang nag-init ang mukha ko. Hinampas ko pa ito ng marahan sa balikat.

"Let's go." Pag-aya ko sa kanya. Siya namang pagtayo nito at paghawak sa kamay ko. Medyo nagulat pa ako ng i-intertwined niya yung mga daliri namin.

"Though we're not official, gusto ko pa ring ipakilala ka sa lahat na ikaw ang babaeng papakasalan ko someday." Ani niya saka muling ngumiti sa akin.

Ngumiti naman ako pabalik dito saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at agad ako nitong tinapunan ng tingin.

"We are." Maikling sabi ko. Napakunot pa ang noo niya pero ilang saglit lang ay bigla na itong nagliwanag. Isang abot-tengang ngiti ang pinakawalan niya.

"S-Sinasagot mo na ako! AAAAAH! Ang saya ko shet! AAAAH! P-Paano ba 'to? Ah!" Sigaw niya. Na-shock naman ako ng bigla niya akong buhatin at nagpa-ikot-ikot kami.

"G-Greg, pinagtitinginan tayo!" Wika ko rito. Agad naman niya akong ibinaba at hinawakan sa magkabilang pisngi.

"I love you, Hazel. I really really love you." Sabi nito na siyang nagpatalon na naman sa puso ko. May sasabihin pa sana ako ng agad niyang idiniin ang labi niya sa labi ko.

Parang wala siyang pakealam sa mga taong nakakakita sa amin. Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon niya sa pagsagot ko sa kanya. Hindi siya over-acting para sa'kin 'cause what he acts it purely because that is what he feels.

Sa wakas, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin ni Greg. Sa lahat ng circumstances na pinagdaanan namin at ng mga feelings namin, ito pa rin ang ending. A happy ending for us, I guess and I hope.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon