Chapter 32

7.2K 200 2
                                    

DEMON'S POV


Papasok na kaming lahat dito sa room ng masalubong namin si stacey together with Samantha. Masama ang tingin niya sakin pero pagtingin niya kay angelo biglang bumait ang itsura.

"Hi Angelo congratulation sa game. You're so handsome talaga di nagbabago."

Nilagpasan lang sila ni angelo na para bang walang siyang narinig at iniwan na nga namin sila roon.


ROOM...


"..grabe di ako makapaniwala na Mananalo kayong dalawa. Sige na kumain na kayo at ichecheer niyo pa ang pambato natin sa Dancing Queen."

"Yes Professor." sabay-sabay naming sagot sa kanya



------------------


Nandito na kami sa harapan ng stage kung saan mas tanaw namin ng maayos ang mga magpeperform.

"..Welcome again Ladies and Gentlemen. Magsisipagtagisan naman sa larangan ng sayaw ang mga contestant natin. We have here the 1-A, 2-C, 3-A and last 4-B.Let's give them a round of applause."

Kasabay ng tugtugin ang paglabas ng unang kalahok sa sayawan. Sila ang First Year Section A. Sa aking obserbasyon maayos ang kanilang ruta at malinis ang paglalabas ng bawat galaw. Nang matapos na sila ay sumunod naman ang Second Year Section C. Sa una palang may mapapansin ka nang nahuhuli at halatadong kinakabahan. Natapos na sila at sumunod na ang Third Year Section-A which is section ko. 

'Go..Go..Go..3BBBB'

'Kaya niyo yan'

'Kaya mo yan Lucy and ivy'

'Woooooooooooooh'

Ganyan ang mga sigawan na naririnig ko sa likod namin pero syempre hindi lang sa likod pati sa mga gilid namin. Kami lang yata nila Angelo, Tristan, at ako ang tahimik dito.

"Galingan niyo Classsmaaaateeeeee!!!!!!"

Tinignan ko naman ng masama ang nasa harap ko na walang iba kundi si keah. Pwede naman kasi magcheer ng hindi nakikipagsabayan sa iba.

"Manahimik ka nga keah ingay na nga sasabay ka pa."

"Duh nasa contest tayo anong gusto mo manahimik lahat eh dagdag points nga yan sa mga pambato natin."

Sinamaan ko naman siya ng tingin na kunti na lang hahablutin ko na talaga buhok niya.Nag-peace sign naman siya bigla ng mapansin na di ako nakikipagbiruan.

Nagsimulang sumayaw si Ivy na literal na talagang magaling sumayaw. Sobrang ganda ng suot nila na mas nagpadagdag sa appeal at lambot ng katawan nila ng back-up dancer niya.

 Sumunod naman sa kanya si Izabelle na parang ang theme ng sayaw ay vampire dahil bukod sa nakapula siya ay may fake blood sa gilid ng labi niya. Wala rin akong masabing panget na kumento sa sayaw niya. 

Sumunod naman si Lucy na may back-up dancer din na mga lalaki. Unang beses ko na pumalakpak dahil sobrang swabe ng sayaw ni lucy na talagang ultimo pati sila Tristan ay napapalakpak.

Hinihintay na lang ng lahat na lumabas si Veronica pero wal--

"Keisha pinapatawag ka ni Professor"

Tawag sakin ng kaklase kong lalaki kaya sumunod na lang ako.


----------------

ROOM....


"....Ma'am naman pati pa ba naman sa sayaw isasabak mo pa ko."

"Please Ms.Perez. Talagang may emergency sa family ni Veronica."

"May magagawa pa ba ako. Sige magbibihis lang ako at ako na ang susunod..."

Lumabas na ko ng room at iniwan ang teacher namin sa loob. Nakakasama ng loob na pati sa dance contest isasabak nila ako.


-------------

STAGE....


Nagulat naman silang lahat na di inaasahan ako ang lumabas imbes na si veronica pero anong magagawa niyo eh may emergency yung tao. Sinimulan patugtugin ng Sound technician ang sinabi ko sa kanyang kanta. 

Buti na lang may alam ako sa pagsasayaw, Hindi rin nasayang ang binayad nila mom sa korea para lang matuto ako sumayaw. Bumagay din sa kanta ang suot ko ngayon na buti na lang lagi akong may dalang extra clothes. Sinabayan ko na rin ng kanta since alam ko naman yung sinasayaw ko.

Ako talaga yung babae na handa sa mga ganitong sitwasyon kaya alam ko yung iba sa inyo magtataka kung bakit parang pinaghandaan ko, katulad nga ng sinabi ko marunong ako sumayaw swerte na lang din talaga dahil yung mga back-up dancer ko kaya akong sabayan sa sayaw na pinili ko.


At sumunod na nga ang  dalawang Collab Dance na gagawin namin. Alam ko na ang step kasi pinapanood ko sila habang nagpa-pratice nito. Napagdesisyon naman na sasabayan namin ng may boses ang bawat galaw namin since alam namin ang kanta.

Sabay sabay kami yumuko at ngumiti sa lahat bago pumunta sa backstage.

To be continued...



RED EYED GANGSTER PRINCESS

Red Eyed Gangster PrincessWhere stories live. Discover now