p r e l u d e / p r o l o g u e

187 0 0
                                    

Johan PoV
     (The name Johan is pronounced as Yowhan)

Mahirap ang buhay sa probinsya. Isang kahig isang tuka kami. Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na kaming maganak. Pito kami sa pamilya, si Tatay, si Nanay, si Kuya Jerome, si Kuya Max, si Kuya Fred, ako at ang bunso naming si Portia.

Araw araw, paggising namin ay alam na namin ang mga dapat naming gawin. May kanya-kanyang mga trabaho na nakatoka samin, salitan kaming magkakapatid na lalaki sa mga trabaho namin: yung isa ay magsisibak ng kahoy para may maipanggatong ang iba, yung isa naman ay magiigib ng tubig sa may poso, tapos yung isa ay magpapakain sa mga alagang hayop bago bumalik ng bahay at tumulong sa iba pang gawain. Hindi kasi porket tapos ka na sa mga gawain mo ay hindi ka na kikilos (maliban na lang talaga kay kuya Jerome dahil isang malaking tamad ang isang yun). Si Tatay Alberto naman ay maghahanda na para magtrabaho sa sakahan na pagmamay-ari ng pamilya ni Sir Alejandro.  Si Nanay Nancy at ang bunso namin na si Portia ang naghahanda ng makakain namin sa almusal.

Simple lang ang buhay namin, sapat na sa samin na buo at magkakasama kami sa araw araw. Mababaw lang ang kaligayahan namin, basta sabay sabay kaming kumain, magkukwentuhan, magaasaran at magkukulitan.

Ngunit nagbago ang lahat nang sabihan ako ni Tatang na magtrabaho sa hacienda ni Sir Alejandro. Doon kasi, nakilala ko ang dalawa niyang anak na sina Augustine at Augustus. Sila, sila ang dalawang lalaking magpapagulo sa buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hacienda MarasiganWhere stories live. Discover now