Bed 28

56.7K 899 12
                                    

Pia's POV

Nakatulala lamang ako sa magandang tanawin sa harap habang nakayakap sa likod ko si Wage. Ewan ko ba rito at naisipan akong dalhin sa isang pribadong resort.

Ang sabi niya sa akin, sulitin na daw namin ang ilang araw na magkasama ng kami lang dalawa dahil kapag bumalik na daw ang kambal eh hindi ko na naman daw siya mapapansin.

"What are you thinking, sweetie?" tanong nito at isiniksik ang ulo niya sa gilid ng leeg ko.

"You." nakangiting sagot ko at sumulyap ng kaunti sa kanya. Nakita ko ang paglapad ngisi nito at ang pagkagat nito sa kanyang ibabang labi.

"Pwede bang kiligin? Tang ina. Bakit ba sa tuwing babanat ka pakiramdam ko para akong binudburan ng asin sa kilig." pagtatagalog nito kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Alam mo, minsan lang kita marinig ng diretso yung tagalog mo. Bakit hindi mo kaya sanayin?" tanong ko sa kanya at umikot paharap sa kanya.

Ikinapit ko ang mga braso ko sa magkabila niyang balikat at pinakatitigan ang mukha niya.

"You know, I'm really trying my best. Alam ko naman na nakakadagdag iyon sa kagwapuhan ko." simpleng sagot nito at seryoso lang na nakatitig sa akin. 

Napailing na lang ako at kinurot ito sa tungki ng ilong niya. Binigyan niya naman ako ng magaan na halik sa labi kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"I really love your smile especially when it's because of me. It feels like I am the luckiest guy on earth to have you here inside my arms." punong-puno ng sinseridad na wika nito at naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"Mas swerte ata ako. Wala akong kaalam-alam na asawa ko na pala ang isang Wage Schneider na hinahangaan ng lahat. Alam mo, matagal ko tong hinintay. Na sana ako naman ang mahalin mo." napaluha na ako habang nakatingin sa kanya.

Hinawakan niya naman ang magkabilang pisngi ko at marahang pinunasan ang mga luha ko. Magsasalita pa sana ito nang marinig namin ang tunog ng cellphone.

Kumalas muna ako sa pagkakayakap niya at kinuha ang cellphone ko sa lamesa. Napuno ng pagtataka ang isip ko nang makitang number iyon ng isa sa mga kasambahay nila Mama at Papa.

"Hello?" 

"Naku, Ma'am! Mabuti na lang po at sinagot niyo agad ang tawag ko. Ma'am Pia, pumunta na po kayo rito sa mansion. Nagkakagulo po ng dahil kay Ma'am Reena." natatarantang wika nito at nakarinig ako ng sigawan sa kabilang linya at pagkabasag ng kung ano.

Hindi ko maiwasang kabahan at mabalisa nang dahil doon kaya agad akong nagpa-alam sa kanya. Sakto naman na lumapit sa akin si Wage at may pag-aalala sa mga mata nito.

"What's wrong, sweetie?" hinatak ako nito papunta sa bisig niya at alam kong nararamdaman niya ang panginginig ko.

"Pwede bang samahan mo ako papunta kay nila Mama at Papa? Please, Wage. Natatakot ako para sa kanila." balisang wika ko rito na agad naman niyang naintindihan kaya agad kaming umuwi.

Buong biyahe ay wala akong ibang maisip kung ano ba ang problema ni Reena at nagkaka-ganoon siya. Napatingin ako kay sa kamay ko nang maramdaman kong hinawakan ni Wage iyon ng napakahigpit.

"Everything's gonna be fine, Sweetie." pagpapagaan nito sa loob ko at sinuklian ko lamang siya ng isang tipid na ngiti.

Magdidilim na nang makarating kami sa Pasay at agad akong bumaba ng kotse nang huminto iyon sa tapat ng gate.

Dali-dali akong pumasok sa loob at nakita ko ang pagkataranta sa mukha ng mga kasambahay at guard nila Mama at Papa.

"M-ma'am, hindi po namin magawang pigilan si Ma'am Reena." natatakot na wika ng isa sa mga bata pang kasambahay.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon