Chapter 20

34 8 0
                                    


Lumambot ang mukha niya at tumango, "Wag ka mag-alala. Hinding-hindi kita iiwan. Nagkamali na ko kanina nung iniwan kita. Di na mauulit pa. I'm sorry." aniya sa malambing na tono na parang nanunuyo. 


You are making me fall, damn! Just make sure you're sincere about that, Dashielle. Kung hindi ay uubusin ko ang lahi mo 'pag nalaman kong pinaglalaruan mo lang ako.


Tumango ako at nakita kong kinuha niya ang cellphone niya.


"Tatawagan ko lang ang driver ko at magpapabili ng pagkain natin. Sandali lang ako." Hindi siya umaalis hangga't 'di pa ko tumatango. Nakapikit akong tumango. My wound still hurts very bad. Sa dami ba naman nito. 


Tumayo siya at lumayo ng konti upang tawagan ang driver niya. Nakapamaywang siya habang nakikipagusap. Kitang kita ko ang hulma ng katawan niya. Napakagandang tingnan. Lalo na ang mga braso niya. They're toned as hell. Parang he's always at the gym, it's like, it is his hobby na magbuhat ng barbells and all.


Matapos makipagtawagan, he sat beside me at hinimas ang buhok ko. Inilagay niya ang takas na buhok ko sa likod ng tainga ko.


He bit his rosy lower lip, "Ano ba talaga ang nangyari, Danica?"


Narinig niya ang buntong-hininga ko, "Sige, take a rest first and then we'll talk about it later." aniya.


Pinikit ko ang mga mata ko pero alam kong nakatitig lang siya sa akin. Pinagpatuloy niya lang ang paghimas sa buhok ko at pagkanta ng mahina nang biglang dumating ang driver niya.


"Sir Dash, ito na po ang pagkain." dinig kong wika ng driver ni Dashiele.


Hindi siya tumayo sa kinauupuan niya. Narinig kong nilagay ang pagkain sa lamesa katabi ng kama ko. "Pakisabi kay lolo na ipatawag sa office niya si Maddison Buendia and her friends. All of them. Itanong mo na lang sa mga estudyante diyan ang pangalan ng mga kaibigan niya." he's commanding with an authorative voice. This is the first time na ganyan ang asta niya.


He thinks i'm sleeping. Narinig kong umalis na ang driver niya at nagkaroon ng sandaling katahimikan. Buti na lang nagtutulog-tulugan ako.


He whispered, "Hindi pwedeng basta basta ka na lang nila saktan. Ako ang makakalaban nila. Hindi nga kita mahawakan tapos sila ginagasgasan lang ang braso mo." aniya at saka hinaplos pababa ang braso ko. I startled nang mahimas niya ang parteng may sugat.


"If only my kiss can heal your wounds, i'd surely do it." aniya na ikinatindig na balahibo ko. "My kisses is strictly, for your lips only."


Ang pagtutulog-tulugan ko ay nauwi sa totoong tulog. Nagising ako at nakitang nakahiga si Dashielle sa gilid ng kama ko. Nang bumangon ako, nagising siya.


"What do you want? Do you want to pee? Are you hungry? Thirsty?" sunod-sunod na tanong niya.


Ngumisi ako, "Gutom,"


Kinuha niya ang spaghetti at binigay sakin. Buti na lang nakaalalay siya sakin dahil nanginginig ang kamay ko sa kawalan ng lakas at muntik ng mahulog.


"Give me that," Kumuha siya ng isang subo ng spaghetti at ambang isubo sa'kin pero hindi ko binuka ang bibig ko at umiling.


Mas lalo niya iyong nilapit kaya wala na akong nagawa kundi ngumanga na lng. Sinubuan niya ako hanggang sa maubos ang laman ng styro. Kinuha niya ang bote ng tubig at pinainom ako.


I'm like a baby here, or a new born mother. No, pangit pakinggan, baby na lang.


Tatayo na sana ako para umihi nang hawakan niya ang braso ko, "Saan ka pupunta, Danica?" 


"Bathroom," sagot ko.


"Let me accompany you." Nang nasa tapat na kami ng cr, "I'll wait here. Kapag 'di ka lumabas diyan in 3 minutes, papasukin kita." 


'Di ko mapigilan ngumisi. Nagalusan lang naman ako, he's overreacting! 


"I am just going to pee, Dashielle." 


"Yeah, go ahead." aniya sabay sandal sa pader at humalukipkip.



Can This Love Hurt?Where stories live. Discover now