Chapter 17 : Walong Higante

150 7 4
                                    

4 hours later

Akira's POV

Asa classroom na ako. Nagtext kasi sa akin si Riri kanina, mag 4am na mauna na daw akong pumasok. Hindi na ako nagtanong kasi kakabasa kulang kanina paggising. Tinext ko nalang siya na mag ingat siya sa pagpasok, tapos hindi naman siya nagreply.

Hindi kaya, hindi siya papasok ngaun ? Kasi ang alam ko never nag skip ng class un eh kahit nga may sakit un pumapasok siya. Paano ko nalaman na pumapasok siya kahit may sakit siya ? Classmate kuna yan since freshman ako. Nakikita ko siyang sinesermonan ng mga teacher, pinapauwi nga yan minsan eh pero ayaw niya.

Nasanay na ang mga teacher's sa kanya kaya pag may sakit yan nagdadala ung nurse ng school sa classroom namin ng kumot at unan. Un kasi ung kondisyon ng mga teacher's s kanya pag may sakit siya.

Sabi nga ng iba naming classmate, special treatment daw. Pero ung iba naiintindiha nila, kasi sila nga kahit wala silang sakit hindi parin sila pumapasok eh.

"Akira" natauhan ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Oh Crypt bakit ?" tanong ko sa kanya, kasama niya sila Kurt at Ash.

"Asan si Yanyan ?"

"Hindi ko nga alam eh, pinauna na niya kasi akong pumasok. 4am pa ung last na text niya sa akin, hanggang ngaun wala pa"

May sasabihin pa sana si Crypt kaso pumasok na ung teacher namin. Nag siupuan naman na ung mga iba naming classmate. Nillingon ko ung tabi ko, hindi kaya siya papasok ? May nangyari kaya sa kanya ? *sigh* Tinuon ko nalang ung pansin ko sa taecher namin.

Salita ng salita ung teacher namin pero wala akong naririnig, ng biglang may kumatok sa pinto ng classroom namin.

Tumigil ung teacher namin nilingon niya un at sinenyasan niya sa pumasok ito. Pumasok ang dalawang lalaki na nakauniform ng pang M Academy. Lahat ng atensyon namin napunta sa kanila. Ung mga babae naman nagkorteng puso ang mga mata tsk ! Ibang klase.

"Yes what can I do for you Mr. ?"

"Oh sorry Mam. Shin mo pala and this is Mike" sabay turo niya sa kasama niya.

"Ok Mr. Shin and Mr.Mike, anong kelangan ng dalawang studyante dito ng M Academy ?" tanong ni Mam sa kanila, I think lahat kami eh nagtataka din.

"Sorry po sa abala pero gusto lang po sana naming ibigay itong sulat" sabay abot nung Mike kay Mam ang isang sulat. Binuksan ito ni Mam at binasa, nakita namin na lumaki ang mata ni Mam sa nabasa niya. Lalo tuloy kaming nacurious.

Tinupi na ulet ni Mam ung sulat at ibinalik sa envelop, "Mind if I ask, how are you related to Ms.Chin ?" Huh ? Si Riri un diba ? So galing sa kanya ung sulat ? Pero sino nga ba sila ?

Ngumiti ung dalawang lalaki, "Kaibigan namin Mam, Close friend" sagot nung Shin.

"Akira, may kaibigan pa pala si Yanyan bukod sa atin" bulong ni Crypt mula sa likod ko.

"Hindi ko din alam na merun Crypt" sagot ko na pabulong din.

"Oh ? So umabsent kayo para dito ?" tanong ulet ni Mam, naiintriga siguro siya maski naman kami eh.

"Yes Mam" nakangiting sagot ni Mike, ganun ba talaga sila kaclose ni Riri para hindi sila pumasok at hinatid lang ung sulat na yan.

"Last question if you don't mind. Kung hindi kayo pumasok para ihatid itong sulat na ito. Sino ang nagbabantay kay Ms.Chin sa kanila ?" oo nga ano ? SInong nag aasikaso kay Riri kung andito sila.

"Wag po kayong mag alala. May dalawa pa po kaming kaibigan na nagbabantay sa kanya doon. At tsaka andun din po ung ninong niya" sagot ni Shin, napansin ko na parang nag aalala na ung mga itsura nung dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not So Ordinary GirlWhere stories live. Discover now