Chapter 15 : Kasi kaibigan ko sila

90 5 0
                                    

Mirch's POV

Tsss ! Akala siguro nila hindi ako aware sa inakto ni Kurt kanina tsk ! Ang totoo naiirita na ako sa kanya. Akala mo kung sino, hindi naman lahat ng babae may gusto sa kanya eh. At isa ako sa mga babaeng walang gusto sa kanya =.=

Buti naman at umalis na siya ng matahimik naman ang buhay ko. Pang gulo kasi siya eh. Ginugulo niya kami palagi, sa canteen at dito sa classroom. Tsss ! Wag na nga nating pag usapan yang lalaking yan, nakakabanas eh.

"Aki gisingin mo ako pag tapos na ang klase ha ?"

"Huh ?"

"Antok ako"

Ngumiti nalang si Aki at ginulo niya ung buhok ko, lagi naman niyang ginagawa eh. Sinubsub kuna ung ulo ko sa mesa ko, ng maramdaman kung may nahila. Saka kulang naalala na share pala kami ni Aki sa earphone. Naramdaman ko nalang na nilagay ni Aki ung isa pang earphone sa kabilang tenga ko.

Haaaaay ! Napaka swerte ko sa lalaking ito.

Akira's POV

Napangiti nalang ako ng tuluyan ng nakatulog si Riri. Nitong mga nakaraang araw napansin ko na lagi siyang kulang sa tulog. Hinahayaan naman siya ng mga teacher namin na matulog dahil matalino naman siya. Ginigising kulang siya pag may quiz, breaktime, lunch time at uwian na.

Sa loob ng mahigit isang buwan naming pagiging magkaibigan. Never ko pa siyang nakita na nagpakita ng anumang emosyon pero sa isang buwan na un nalaman ko kung kelan siya naiinis at nababadtrip.

At ehem ! Secret lang natin ito ah, crush ko siya. Hindi man siya maganda sa paningin ng iba para sa akin maganda siya. Hindi naman importante ung mukha eh, basta mabait at hindi nang aapak ng tao ok na sa akin.

Napatigil ako sa pagtitig sa kanya ng dumating na ung teacher namin.

Mirch's POV

"Riri"

"Hmmmmm ?"

"Gising na. Break time na"

Kinusot kusot ko muna ung mata ko. Kahit papano nababawi din ung mga puyat ko. Buti nalang talaga at pinapayagan akong matulog sa klase.

"Ito oh"

Tinignan ko ung inabot ni Aki. Towel na maliit na medyo basa at tubig.

"Salamat"

Kinuha kuna un.Pinunas ko towel sa mukha ko, ung tubig ? Ipang mumumug ko mamaya ito pag dumaan kami sa cr. Ganyan lagi si Aki, pag gising ko may nakahanda ng basang towel at tubig sa akin. Tsss ! Napakabait na kaibigan.

"Halika na" aya ko sa kanya.

Tumayo na ako at naglakad, asa tabi ko naman siya. Dumaan muna kami sa cr para mag mumug, after nun pumunta na kami sa canteen. Gutom na ako =.=

Pagpasok namin sa canteen, may ibang studyante na nakatingin sa akin. Mga babae at binabae. Tae =.= Bwisit na Kurt un, dahil sa kanya kaya sila ganyan psh ! Hinahayaan ko nalang, wala naman akong mapapala eh.

"Hanap kana ng upuan Riri, ako na ang bibili" Aki

"Sige. Kung ano ung iyo un na din ung akin"

Tumango lang si Aki at pumila na. Naglakad naman ako papunta sa pinakasulok ng canteen, ung hindi masyadong kita. Nakatingin naman sa akin ung mga babae parang papatayin nila ako sa tingin nila =.= Yaan na nga. Sana naman hindi dumating ug bwisit na lalaking un.

After 10 mins. dumating na si Aki na may dalang tray ng pagkain.

"Ok na ba sayo ito Riri ?"

Tsss ! Sira talaga ito, alam niya talaga kung ano ang favorite ko. Mugo-mugo, sandwich at kitkat. Ang dami na niyang alam tungkol sa akin, kahit napaka tahimik ko. Inoobserbahan niya lahat. Kinuha kuna ung binili niya para sa akin, umupo naman siya sa tapat ko.

Not So Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon