Chapter 16 : Young Lady

93 4 0
                                    

Crypt's POV

After nung nangyari sa rooftop kanina, bumalik na kami sa classroom namin sa parang walang nangyari. Tae, naiinggit ako kay Akira. Dapat ako din T.T

Ang bakla ko sorry naman. Kasi naman may nakita na kaming ibang side ni Yanyan , andun parin ung coldness niya pero nung sinabi niya un kay Akira ramdam ko ung sincerity niya. Ibang klaseng babae.

Hapon na at uwian na, wala naman ng ibang nangyari eh, bukod sa pangungulet ulet ni Kurt kay Yanyan na lagi nyang ginagagawa ay wala ng bago. Kasama ko si Kurt at Ash as usual. Si Yanyan kasi may pinuntahan na naman, ewan ko dun ayaw niyang sabihin sa amin.

Si Akira naman umuwi na kasi wala naman si Yanyan, kahit kaibigan ko siya naiilang parin siya kasi kasama ko si Kurt at Ash. Tsaka tinutukso kasi siya pag magkakasama kaming apat at wala si Yanyan, sasabihan siya ng kung ano ano. Kahit nga pag kasama namin si Yanyan eh tinutukso nila ung dalawa.

Pero si Yanyan deadma lang siya, pero si Akira affected siya masyado. Pag sinusuway ko naman ung mga tumutukso sa kanila sige parin sila. Si Kurt ? Sus ! Dikit ng dikit kay Yanyan pero hindi niya magawang ipagtanggol tsss !

Kaya lalo kaming nagdududa sa taong un eh. Parang ang isarap itakwil bilang kaibigan =.= Pero siyempre hindi ko kaya, mula pa nung grade school bestfriends na kami niyan. Si Ash naman naging kaibigan namin siya mula nung grade 6 kami, mga christmas break un nun.

Ok tama na ung nakaraan, balik tayo sa present. Kasabay kung naglalakad ung dalawa papunta sa parking lot ng school. Wala pa kami sa 18 pero may kanya kanya na kaming sasakyan, may mga driver din kami. Wala eh over protective ang parents namin.

 Ash POV

Hanggang ngaun palaisipan parin sa akin ung biglang pangungulet ni Kurt kay Mirch. Mahirap naman kasi ung magbibintang nalang basta basta diba ? Babantayan ko nalang ung kilos ni Kurt at pag may mali siyang nagawa. Kokomprontahin ko siya.

Asa condo na ako. Sa totoo lang may bahay naman kami eh, may mga kapamilya pa ako. At luckily buhay pa ang lola't lolo ko sa father side. Pero kahit ganun humiwalay muna ako sa puder nila. Umuuwi naman ako dun every weekends eh, at vacation. Hindi muna ako babalik dun hanggat hindi ko pa natatapos ung dapat kung gawin.

Hindi pa ako babalik hanggat hindi pa namin naaayos ng pamilya ko ang gulong bumago sa hindi lang sa akin kundi sa buong angkan namin. Kung ano un, malalaman niyo din sa takdang panahon.

Kurt's POV

Ang sarap talagang humiga sa kama, hmmmmm. Kamusta na kaya ung babaeng pinakamamahal ko haha korni ko. Ganun naman talaga pag nag mamahal ang isang tao diba ? Nagiging korni ito, kaya wag niyo akong sisihin. Nagmamahal lang ako.

Malapit na siyang umuwi, at excited na ako. Pag dating niya isusurprise ko talaga siya, para sagutin na niya ako. Well yeah tama kayo ng basa, nililigawan ko palang siya pero kahit ganun mahal na mahal kuna siya. Isang taon na mahigit kuna siyang nililigawan, ewan ko ba dun ayaw pa niya akong sagutin,

Sabi niya saka na daw niya ako sasagutin pag dito na din siya sa pilipinas mag aaral para lagi kaming mag kasama. Oh diba ang sweet niya, kaya ng ako nag aantay sa kanya eh kasi gusto ko din naman na pag naging kami eh lagi kaming mag kasama. Pero sa ngaun malabo pa, sa ibang bansa kasi siya nag aaral eh. Sa skype ko ngalang siya nakikita eh. Nung january pa kasi ung last na punta na dito.

 *Ring Ring*

Napatigil ako sa pagmumuni ng marinig ko phone ko. Yeah phone ko un. Ayoko kasi nung may mga ringtone, tsss ! Inabot ko na ung phone ko sa may mesa.

My Angel Calling

SInagot ko un agad agad

- - - - - - - - - - -

Not So Ordinary GirlWhere stories live. Discover now