Chapter 11 : Sorry

125 4 1
                                    

Mirch's POV

Asa principal's office kami ngaun. Pinatawag kasi kami ewan ko ba kay Mam. Andito din sila Crypt, Ash at Kurt. Katabi ko si Aki habang katapat naman namin ung tatlo. Nag uusap lang ung tatlo habang kami ni Aki ay tahimik.

*click*

Napatingin kaming lahat sa pintuan. Bumungad sa amin si Mrs.Chu at may tatlo pa siyang kasama. Tumayo kami at binati si Mam.

"Ok nagtataka siguro kayo kung bakit ko kayo pinatawag diba ? Tatanungin ko sana kung ano ang inyong ipeperform sa August. Ay siya nga pala kasama ko ang mga president's ng tatlong club na mag peperform din sa araw na iyon. Si Kent ng Dance Club, Cyle ng Music Club at Xin ng Drama Club"

Kumaway naman ung tatlo sa amin. Hmmmm ? Teka ako lang ata ang babae dito bukod kay Principal. Tsss !

"Guys sila naman ang mga Top 5 nung nakalipas natatlong taon. Magpakilala kayo" Mrs.Chu

"Crypt"

"Akira"

"Kurt"

"Ash"

"Mirch"

Ngumiti lang sila sa amin. Mababait naman siguro sila no ? Well sana nga.

"So as I was saying. Gusto kulang sanang itanong ung pyesa na inyong napili" Mrs.Chu

Napatingin ako kay Ash dahil hindi pa kami nag uusap. Ganun din siya. Si Aki at Crypt ay nagkatinginan din. Wala parin siguro silang napipili. At Kurt chill lang siya. At nga pala medyo ok na kami. 1 week na din simula nung nag sorry siya sa akin. Gulat kayo no ? Ganito kasi un

> Flashback <

Thursday ngaun. Asa rooftop ako, si Aki at Crypt kasi kay pinuntahan. Ewan ko sa dalawang un mga kalokohan nila. Nakapikit lang ako ng may naramdam akong tumabi sa akin. Nilingon ko siya at nakita ko si Hudas =.= Hinayaan ko nalang siya. Walang nagsasalita sa aming dalawa.

"Sorry"

Huh ? Tama ba ung narinig ko ? Nag sorry siya. Tinignan kulang siya.

"Sorry ah. Napaka childish ko kasi kaya kita ininis. Ikaw lang kasi ang gumawa sa akin nun eh. Pasensya na"

"Buti alam mo"

"Ay nga pala. Kinulit kulang ung kaibigan mo kung asan ka kaya ako andito. So friends ?"

Inabot niya ung kamay niya. Pero dahil sa hindi ako bastos. Tinapik kulang ung kamay niya at tumayo na. Tiningala niya lang ako. Tsss ! Nakaskirt lang ako loko ito ah pero may short ako na kasing habang ng skirt ko kaya ok lang. Naglakad na ako papunta sa pintuan pero bago un nilingon ko muna siya.

"Ok na sa akin na nagsorry. Friends ? Tignan natin"

> End of Flashback <

Ganun lang un kasimple. Hindi parin kami friends pero hindi din kami mag kaaway parang magkakilala lang ganun. Pero lagi kaming magkakasamang lima kapag break time. Napag uusapan na nga kami ni Aki eh tsk !

"Mam pwd po bang mag usap muna kami ni Mirch ? Wala pa kasi kaming napag usapan eh" Ash

"Mam kami din po" Crypt and Aki

Tumango lang si Mam. Tumayo na ung dalawa at pumunta sa sulok ng office ni Mam. Tumayo na din si Asg, sinundan kulang siya. Pumunta naman siya sa kabilang sulok at umupo sa couch. Umupo na din ako sa dulo ng inupuan niya. Tahimik lang kaming dalawa. Pero hindi ako nakatiis magtanung sa kanya.

"Kanta ?"

Maikling tanong ko. Maiintindihan na niya yan.

"Kahit ano" Ash

Not So Ordinary GirlWhere stories live. Discover now