"Hahaha! Yuck! Pero in fairness huh? Ang bagay nila! Hahahaha!"

          Di ba? 'Yan yung sinasabi ko sa inyo!

          "Tsk! Mga tsimosa nga naman..." inis na sabi ko.

          Mamaya nga magsesearch ako sa Google ng magaling na mangkukulam. Tatry kong kulamin lahat ng mga tsimosa sa school na 'to. At uunahin ko na ang dalawang nagbubulungan na yun!

          Medyo naawa tuloy ako kay MM. Oo, weird nga sya. Pero tama bang idikit sya sa pangalan ko?

          Oo. Tanggap ko na na freak ako kasi hindi ako kagaya ng mga babae sa school na 'to at kahit kailan, hindi ako magiging kagaya nila na puro tsismisan at paghahabol sa prinsipe nila ang alam. Pero ang tawagin ding freak si Mobi?! Aba! Sumusobra na sila!

          Hindi sa pinagtatanggol ko si MM ah? Naawa lang ako kasi baka maging sentro na rin ng bullying si MM dahil nakita ng mga taga-school na 'to na magkasama kami.

          "Hayaan mo na lang sila..." sabi ni Mobi.

          Gulat na napaharap ako sa kanya. "Sinong hahayaan?"

          "Sila." sabi nya ng hindi nakatingin sa akin. Derecho lang yung tingin nya sa nilalakaran namin. "Kung papatulan mo yang mga pinagsasabi nila, para mo na ring sinabing tama sila na freak ka nga."

          "SIRA!" malakas na sabi ko sabay batok sa kanya.

          "Aray!" naiiyak na sabi nya habang nakahawak doon sa ulo nya. "Bakit mo ko binatukan?"

          "Naiinis ako kasi tinawag ka din nilang freak, baliw!"

          Nainis lang pala ako sa wala?! Tsk! Sabi na eh! Dapat talaga hindi na ako nakikialam pa sa mga tao sa eskwelahan na 'to! Tsk!

          Ilang minuto na yatang nakatingin sa mukha ko si Mobi. At maya-maya pa nagulat ako nang bigla na lang nya akong ngitian. Medyo napaatras pa nga ako doon sa pagngiti nya eh!

          "Pinagtatanggol mo ba ako?" kulang na lang magningning yung mata nya sa sinabi nya.

          "H-Hindi ah!" nauutal na sabi ko. Tsk! Nakakainis!

          Ngumiti lang ulit sa akin si Mobi. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

          "Hoy! Anong iniisip mo ah?! Hindi ganoon—"

          Nabitin sa ere yung mga sasabihin ko nang bigla na lang nyang lagyan ng isang malaking marshmallow yung bibig ko para matahimik ako.

          "Gustong-gusto na kita." sabi nya sabay kumain din ng marshmallow. "At dahil dyan, best friend na din kita!"

          Nalunok ko ng wala sa oras yung marshmallows sa bibig ko sabay napa-ubo sa gulat.

          "HUH?!" gulat na sabi ko. "Best friend?! Ako?!"

          Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Gulat kasi nakakagulat talaga yung sinabi nya. Pangalawa, medyo masaya. Ngayon lang kasi ako nakakilala ng taong willing makipagkaibigan sa akin—maliban kay Patty. At pangatlo, best friend pa yung inalok nya sa akin. Matalik na kaibigan!

          "Tandaan mo ang araw na 'to ngayon..." dagdag pa nya sabay tingin doon sa relo nya na may date ding kasama. "February 14, 11:00 AM. Naging magbest friends tayo."

          May sasabihin pa sana ako nang bigla na lang syang naunang maglakad palayo sa akin.

          Nakanganga pa din ako at halos hindi makapaniwala sa mga nangyari.

My Tag Boyfriend (Season 1)Where stories live. Discover now