"Kayo din triplets, kilala ninyo si lolo baka lahat ng bagay na meron kayo ay ipatapon nya." sabi ni Kuya History. Napabuntong hininga sya.

"Opo." sabay sabay na sagot ng triplets.

"Edi, dito kayo matutulog ngayon sa bahay?" tanong ni Legend. Sabay-sabay kaming naglakad papasok sa loob.

"Ano pa nga ba? hindi lang naman ngayon eh, hanggang nandito si lolo." sagot ko.

"Nasaan ang fiance mo, History?" tanong ni lolo nung makalapit kami sa kanila.

"Pinauwi ko po muna dahil galing sa mahabang byahe." medyo h sagot ni Kuya.

Matagal tinignan ni lolo si Kuya bago bumaling kay Papa. Narinig ko naman na napabugha ng hangin si Kuya. Matatawa sana ako kaso hindi magandang maging masaya kapag nandito si lolo at kami ni Right ang biglang pinag-usapan nilang dalawa ni Papa.

"Kailan mo balak i-train ang kambal mo sa company mo?" napakunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko wala naman kaming pinag-usapan na magbu-business din kami.

"Papa, sa tingin ko ay hindi nila gusto magpatakbo ng kompanya." magalang na sagot ni Papa. Tama ka dyan Papa.

"Why not? hindi mo pwedeng ipaubaya ang kompanya mo sa iba sa oras na hindi mo na kayang patakbuhin pa yon."

"Nandyan naman po si History. Hindi compatible ang course na kinuha nilang dalawa sa kompanya. Isang IT students si Left habang si Right ay Architecture."

"Sa dami mong kompanya sa tingin mo kaya yon ni History na mag-isa?" hindi agad nakasagot si Papa sa tanong ni lolo. "I-train mo na sila."

Shit ayoko kayang magpatakbo ng mga kompanya nila Papa kaya nga hindi iyon ang pinili kong course eh tapos itra-train kaming dalawa ni Right. Oo, balak namin magkakaibigan na magtayo ng business pero yung maliit lang, hindi yung katulad ng pinapatakbo nila. Naman si lolo eh, nandyan na nga si Kuya para gawin yun idadamay pa kami.

"Pero Pa-"

"Simulan mo sa maliit na business. Ibigay ninyo sa kanila ang cafe shop para hindi mai-stress si Letti sa pagbubuntis nya." putol ni lolo kay Papa tapos uminom ng tea.

"Baka hindi nila kayanin yon Papa, wala silang alam kung paano patakbuhin ang cafe shop." sabi ni Mama. Alam nyang ayaw namin ni Right ang pinapagawa ni lolo tsaka baka malugi yung cafe shop kapag kami ang nagpatakbo non. Okay pa sana kung computer shop yan kakayanin ko tutal mahilig ako sa computer.

"That's not my problem." simpleng sagot ni lolo.

Hindi kami umimik ni Right para kontrahin si lolo dahil wala din naman kaming magiging laban sa kanya at baka dagdagan nya pa ang trabaho namin.

"Pa, graduating na ang kambal. Kailangan nila i-focus ang sarili nila sa pag-aaral." nagmamakaawang sabi ni Mama. Nalulungkot ako dahil ayokong nakikitang ganyan si Mama.

"Hindi na magbabago ang isip ko Letti. Kilala mo ako." seryosong sabi ni lolo tsaka tumayo. "Magpapahinga na ako. Ayoko ng maingay." sabay tingin nya sa triplets at kay Leaf. Natakot naman yung apat at agad na yumuko.

Lumakad na patungo si lolo sa kwarto nya. Nung alam na namin na malayo na sya samin ay doon kami nakahinga na maluwag. Sabay-sabay pa nga kaming magkakapatid na huminga ng malalim eh.

"Pa, ayokong humawak ng business." sabi ni Right at in-adjust ang salamin nya. Tumingin ako kanila Papa.

"Ako din Pa, Ma. Ayoko non, nakakai-stress yun." i-sabay pang nagthe-thesis kami, psano kami makakapag-focus non.

"Wala tayong magagawa kung yun ang gusto ng lolo ninyo. Hayaan ninyo tutulungan namin kayo." sabi ni Mama. Nalungkot naman kami ni Right.

"Sige na, magpahinga na muna kayo." sabi ni Papa. Agad naman na nagsikilusan yung apat na halatang natakot kay lolo.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now