Chapter 27 - Ang Siyam na Alay

284 13 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-TSISMOSA's PoV-

Edii wow! Pakialam ko naman sa pinili ng tala ano.

"Eww.. You're so bobo Eruck, bakit mo pa hahanapin ang pinili ng Tala? And like duh, kung ano'ng iisipin mo 'yon ang mangyayari. Bakit 'di mo nalang pasabugin ang buong mundo para tapos ang kwento?" nakakairita kasi eh. Utak nga diba? Inaasahan kong magagalit siya pero ngumiti siya. Err... Nakakadiri.

"May limitasyon ang bawat mahika Tsism. Minsan kapag humigit ka dun ay ikaw ang papatay sa 'yong sarili. Mas malakas mas nakasasama." nag roll eyes naman ako.

"Eh di isipin mo na mamatay na silang lahat, tapos." akala ko ba wrinkled lang siya. Ang bobo din pala nito.

"May limitasyon. Nagawa ko na 'yan noon, inubos ko ang lahat ng lakas ko. Pero natalo ako ng isang ordinaryong tao... Si Lino Tecsh. Hindi ko kayang gawin lahat Tsism." may kasiyahan niyang tugon. Nastestress ang magagandang brain cells ko. Ano bang klaseng kontrabida 'to? Parang like eww.. Hindi nakakatakot.

May lumitaw naman na usok sa harap namin nakita ng dalawang magagandang mga mata ko na siya ang sekretong alagad namin sa Heavelania.

Ngumiti siya at nag bow kay Eruck. Like the heck? Plastikan bess? Ang sarap niyang ingudngod.

Ayon, nag straight up na siya.

"Nakuha ko na ang libro." sabi niya.

Kinuha ito ni Eruck sa kanya at iniabot sa akin kaya kinuha ko ito gamit ang mga soft hands ko.

"Ayon sa kanila, ano ang nakasulat?" iritadong tanong ni Eruck.

"Sabi noon ng nagbasang Englishera, ang makakapatay sa 'yo ay taong lobo." sagot ng aming alagad.

Ngumiti sa akin si Eruck at inutusan akong basahin ang last sentence. As if my choice ako. Kailan pa 'ko naging story teller ha?

"Ang makakatalo kay Eruck ay taong..." kinurap ko muna ang twinkling lovely gorgeous eyes ko.

"Taong?" tugon ni Eruck. Tinignan ko munang mabuti kong tama ba ang nabasa ko.

"Taong may lobo." tama, taong may lobo.

"At ano nga ulit ang pagkakabasa ng Englishera?" iritadong tanong ni Eruck ugly wrinkled sa pangit naming sekretong alagad.

"Taong lobo lamang po mahal na Eruck." sagot niya.

Ngumiti naman si Eruck.

"Mali ang pagkakaalam nila." at mahina siyang tumawa.

"Napatay mo na ba ang lobo?" iritado niyang tanong uli sa aming eww na alagad.

"Opo." sagot naman niya.

"Masaya ito..." bulong ni Eruck tsaka inutusan na ang mga insektong sumugod.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon