Chapter 4 - Briguda

713 22 1
                                    


-NHERO's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-NHERO's PoV-

Napatayo kami ni Doveia ng biglang pumasok sa pinto si lolo Tonyo na kanina pa namin hinihintay dumating para makaalis na kami. Pagkakuha namin sa Sulste ay dumiretso na kami dito sa Heavelania. Teka, bakit parang hinang-hina si lolo?

"Lo, ano pong nangyari?" alalang saad ni Doveia habang lumalapit kay lolo, lumapit na din ako para alalayan siya.

"Umupo po muna kayo." sabi ko ng madala namin siya sa kaninang kinauupuan namin ni Doveia.

"Ahh!" ani lolo habang hawak-hawak ang kanang dibdib niya.

"Lo, anong nangyari?" maluha-luhang bigkas ni Doveia. Inalis ko naman ang kamay ni lolo para makita ang sugat nito. Ano'ng sugat to? Kakaiba. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong sugat.

"Anong klaseng mahika ito? S-sino ang may gawa nito sa'yo lo?" tanong uli ni Doveia.

"Si Rosolina," si Rosolina na naman. Naiinis na 'ko sa itim na mangkukulam na iyon.

"Nagkita kayo?" tanong ko.

"Oo Nhero. Naalala mo ng umuwi tayo mula sa bundok ng Narud? Dun ko siya nakita. N-nakita ko din ang aking anak," nanlaki naman ang mga mata namin ni Doveia.

"Nagkita kayo ng anak mo kagabi?" saad ni Doveia. Ako lang ba o talagang parang hindi kami matignan ni lolo habang sumasagot... Parang may kakaiba.
.....

Pagkatapos naming dalhin si lolo sa Iya'y na isang manggagamot ay umalis na rin kami ni Doveia para ituloy ang paghahanap ng mga sangkap.

"Ikaw ba kuya, kilala mo na ba ang anak ni lolo? Hindi ko nga alam na may anak pala si lolo." saad ni Doveia habang patuloy parin kami sa paglipad tungo sa bundok kung nasaan ang mga Briguda, ang mga nangangaing halaman.

"Hindi ko siya kilala." saad ko. "Sana makilala natin siya," dagdag ko naman. Mas maganda ang aming paglalakbay ngayon sapagkat umaga kami umalis. Maliwanag at hindi nakakatakot.

"Ropata, nakita mo ba si Rat-rat?" tanong ni Dovero habang sumasabay sa amin. Oo na, hindi ako sumakay sa kanya.

"Ah, oo! Babantayan niya raw muna si Tons," sagot naman ni Ropata. Tons kasi ang tawag nilang tatlo kay lolo Tonyo.

*WOONG*

Napatigil naman kami ni Doveia sa paglipad dahil sa narinig naming tunog.

"Kuya, ano ang tunog na 'yon?"

"Hindi ko rin alam." nilibot ko naman ng tingin ang paligid.

"Tignan niyo 'yon oh! Dali!" napatingin naman kami sa direksyon na tinuturo ni Dovero gamit ang pak-pak niya.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon