and then we closed the deal!

Nakipag kamayan kami sa mga stockholders with matching big smile pa.

"Desperate to be loved huh?" Biglang bulong ni Deph kaya inis akong tumingin sakanya.

"Emma." Tawag saakin ni Alfred.

"May office ka na." Malawak ang ngiti nyang anunsyo!

Na promote na ako noon kaya nga lang hindi pa ako nilipat sa office ko kasi inaayos iyon.

"Wow!"

"tara ipapakita ko." Anyaya ni Alfred

"Sama ako ha?" singit naman ni Deph.

Pinag bukasan kami ni Alfred ng pintuan at nagulat naman ako.

Ang ganda! Glass ang table ko at pa curve iyon, sa gilid ng table ko ay may lumulutang na globe.(dahil sa magnet) kompleto na rin ang mga gamit ko doon. May mga technical pen at iba pa!

"Kaya naman pala ang tagal kong lumipat dahil pina bongga mo!" Naka ngiti kong hinarap si Alfred at nagpasalamat.

Nag punta kami sa isang sosyal na restaurant at doon at nag celebrate pero hindi ko naman hahayaang mag isa kong lang na babae hah, kasama ko si Kraystine.

"hindi ko alam na tanga pala si Emma." Kantyaw ni Tine kaya nag tawanan kami.

"Biruin nyo, haha! Nag lalakad kami sa Zoo nang bigla syang nauntog sa salamin!" Nag tawanan na naman sila.

"Hindi nya kasi napansin na may salamin eh. Pero matik na dapat yun kasi dengerus yung animal!" tumawa na naman sila nang pinag diinan nya ang Animal, hahaha.

Maya maya pa Ay kinukulit na nila akong kumanta.

"Sige please Emma?" nag puppy eyes pang pag pupumilit ni Tine.

"Ok!" Sabi ko at tumayo pero agad rin natigilan.

Top

Naka tingin sya sa babaeng kaharap nya, naka side view silang dalawa saakin kaya na mukhaan ko yung babae, yung babaeng nakita ko sa Washroom.

"Ano na?! Tutunganga ka lang ba?" Galit na sambit ni Alfred pero pabiro lang.

Biglang nanginig bigla ang kamay ko at parang nalulusaw ang tuhod ko but I managed to walk without looking at Top who is busy flirting with I-don't-know-who-she-is....

umupo ako sa Piano, na kung saan nasa pinaka gitna at naka patong sa maliit na stage.

I used to do this, when we were together.

Tinapa-tipa ko iyon at narinig ko naman ang impit na hiyaw ni Tine kaya napa tingin ako sakanila at sa mahinang tumawa.

"Go bee!" Biglang sigaw ni Deph kaya napatawa na talaga ako. umiling ako at tinutok ang mich sa bibig ko.

"Hi?" Mahinang sambit ko.

"Hello!" sagot naman ng crowd at ilang mga staff. Pero hindi ko parin tinitignan si Top.

~We don't talk anymore,
We don't talk anymore We don't talk anymore like we used to do~
We don't love anymore what was all of it for?
Oh,we don't talk anymore like we use to doo~

panimula ko. Ginawa kong solemn iyon hindi kagaya ng normal na ritmo nito.

~I just heard you found the one you've been looking, you've been looking for, I wish I would have known that wasn't me, cause even after all this time I still wonder,why can't I move on? Just the way you did easily.~

Napa-indayog ako sa sarili kong tinig, biglang natuon ang atensyon ko kay Top pero hindi sya naka tingin saakin kundi sa babaeng kaharap nya.

~don't wanna know, what kind of suit you're wearing tonight,  if she's holding onto you so tight,  the way I did before, I overdosed,  should've known your love was a game, now I can't get you out of oh, it's such a shame~

Ngayon Naka Tingin na sya saakin Kaya naging emosyonal ang kanta. Bagay na bagay saamin ang kanta, ako nag mo-move on palang habang sya? Ikakasal na yata.

~I just hope you're lying next somebody,  who knows how to love you like me, there must be a good reason that you're gone, every now and then I think you, might want me to come show up at your door, but I'm just afraid that I'll be wrong~~

at doon ko na tinapos ang kanta dahil hindi ko na kaya ang nakikita ako. Nag palakpakan ang crowd pero ngiti lang ang isinukli ko.

Kinuha ko ang shot glass nag lagay ng bacardi doon, nilaklak ko iyon na para bang tubig.

Ilang beses kong ginawa iyon pero nung iinumin ko na sana ay may dumapo sa paningin ko.

Nag susubuan silang dalawa habang tumatawa. Talandeeee

"Damn." Utas ko at inunom ang alak.

Hilong hilo ako, parang nasa bar kami sa sobrang hilo ko.

Tumabi saakin si Deph at inakbayan ako, ngumiti lang ako sakanya at tumitig ulit sa baso.

"Kayo ha? Kailan lang kayo nag kakilala pero kung maka dikit?" Kantyaw ng dalawa pero hindi ko na pinansin iyon at uminom ulit.

"You're drunk Emma, I'll take you home. Ipapasundo ko nalang ang kotse mo." Anyaya ni Deph saakin hindi naman ako tumaggi pa dahil nahihilo ako.

Habang nag lalakad kami patungo sa kotse nya ay bigla nya nalang ako hinila at isinandal.

"Damn it Emma, I really missed your lips." Ungol nya at agad nya akong siniil ng halik. Biglang nagatog ang tuhod ko pero inalalayan nya ako.

Hindi ako tumugon hindi dahil sa kahinaan, hindi ko lang alam na sa kabila ng masarap nyang labi ay hindi ako maka tugon!

"it's been two years since the last time i tasted this." Hindi humwalay ang labi nya sa labi ko habang sinasabi iyon!

The next thing I knew, he was on the ground.

"tell me Emma, nakipag halikan ka sa kanya habang wala ako?" Naningas ako sa kinatatayuan ko sa tanong ni Top. Biglang nawala ang alcohol sa katawan ko at biglang umusbong ang galit ko.

"Where were you that time Top?" Malumanay kong tanong pero hindi nya sinagot.

"Where were you when I needed you the most?!" Na luluha kong tanong.

"What do you expect me to do huh? Sabi mo... sabi mo linggo lang ang itatagal mo doon! But Top I waited for three damn months but you didn't come back!" Umagos ang luha sa mukha ko pero wala parin akong makita na emosyon sa kanya.

"kahit pala ilang taon ang itinagal ng isang relasyon kung ayaw mo na, ayaw mo na talaga." Napayuko ako at nag punas ng luha.

"Alfred Get her medz!" Biglang sigaw ni Tine(alam na ni Tine ang Tungkol sa robot) at lumapit para aluin ako.

Yumokod naman si Deph sa harap ko at inayos ang buhok ko.

"H-here! drink it." Nanginginig na ibinigay saakin ni Tine ang Gamot.

"Ano ok ka na?" Nag aalalang tanong ni Alfred at tumango ako.

"Why is she--" singit ni Top pero Agad namang pinutol ni Alfred ang sasabihin nya.

"You left her that's why."

"She's Taking Anti depression medz Top, dalawang taon na." Singit ni Tine.

at sa oras na ito nakakita na ako ng emosyon galing sakaniya.

Nag aalala sya Emma.







Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 20, 2017 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

RobotexTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang