It's been two months simula noong in-activate ko si Top,masakit parin lalo na't nahihirapan siya, pero pinag patuloy ko parin kasi naman robot lang.
"Emma." tawag niya.
Napa buntong hininga ako, grabe lang, ine-expect ko kasi na mag la-log o mag malfunction pero hindi tsaka he acts like a normal person.
"yeah?" umupo siya sa tabi ko at tumingin saakin.
"wala." sabi niya lang at nag smile,sheez, ang gwapo parang hindi robot kung mag salita.
tinitigan ko siya,his eyebrows lips his face and the shape of his body kuhang kuha ko! tsk ang galing ko talaga.
pero may napapansin lang talaga ako sa kanya, Hindi na sya maputla, ang labi nya ay mukhang malambot at mapupula, hindi na kagaya noong unang araw na kulay papel.
nakaka-kita rin ako ng emosyon sa kanyang mata pero hindi rin naman ito tumatagal.
ganun ba talaga ka successful ang pag imbeto ko dito? talagang nag mukang tao?
habang tinititigan ko siya bigla nalang siyang tumayo at nag puntang kusina,pag labas niya'y may dala na siyang cupcake.
"kainin mo yan at wag mo nang itapon sa muka ko."
"yum. ang sarap."sabi ko habang sarap na sarap kumain.
"I take that as a compliment."sabi niya and then he smirked.
O my dimples!
"psh,parang bata kung kumain,di na nag bago. ejfhakfja..."napatingin ako sa kanya noong pinunasan niya ang bibig ko.
naka-titig lang siya saakin at ganun din ako sa kanya, ayaw kong bumitaw, na-miss ko sobra yang matang yan yang titig na yan
di na nag bago.ejfhakfja.
napabitaw ako sa pag titig sa kanya. nagugukuhan ako, una yung sinabi niyang 'di na nag bago' what was that?pangalawa yung 'ejfhakfja' niya.
"w-wait." Nauutal Kong Sabi.
"I should go upstairs, I'm s-sleepy, thank you f-for the cup-c-cake" sabi ko sabay takbo saaking kwarto.
hingal na hingal ako sa pag akyat.
why is he like that? he acts like a real person,he talks and he cares like a real one.
n-no this can't be!
"emma are you alright." katok niya sa aking pintuan.
hindi pa ako nakaka-sagot ay pumasok na siya.
how stupid can I be! hindi ko ni-lock yung door.
lumapit siya saakin at umupo sa gilid ng kama ko.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at pilit na pinapaharap sa kanya.
But instead looking at him sa kamay niya dumapo ang tingin ko, mainit yun.
"you look confused."sabi niya. confused nga ako dahil sa mga pinapakita niya these following days,tuloy nag karoon ng theory sa utak ko.
"You should rest Top, you're hot,I don't want you hot, baka--"
"matunaw ka." kunot noo ko siyang binalingan ng Tingin.
"no!baka kasi mag over heat ka e ayaw kong--"
" mawala ulit ako sayo."sabi niya,sabay labas ng pinto, pero, shet!hinalikan niya ako!
sa noo...
sabay sabing.
"Goodnight Ems,sleepwell." tapos sinara na niya ang pinto.
Iniwan nya akong naka maang.
Bakit nya ginawa iyon?
hindi yun kasali sa mga attitude system nya!
Nakakabaliw! Naguguluhan ako.
