input 8

2 0 0
                                        

Pag labas namin sa resto na iyon agad na akong humagulgol habang si Deph naman ay hindi mapakali sa gilid dahil hindi na nya alam ang gagawin nya.

Damn it.

Masakit, sobrang sakit sa feeling. Alam mo yung feeling na alam nyang mahal  mo sya pero parang gustong-gusto ka niyang sakatan? Ganon kasi yung pinaramdam nya.

dalawang taon akong nag hirap habang sya nakahanap na ng iba tapos babalik sya na parang walang nangyari, parang walang kami noon. Wala lang sakanya yung anim na taon na pinagsamahan namin yung mga panahong mahal namin ang isa't-isa, wala lang sakanya.

pinapasok nya ako sa loob ng kotse nya at hindi naman na ako umangal pa kasi pagod na ako.

Ilang sandali pa kami doon pero noong tumigil na ang mga luha ko at pagod na rin siguro sila doon na nya pinaandar.

Pasikot sikot kami sa daan at wala na akong pake kung saan man kami pumunta.

Itinigil nya iyong sasakyan nya sa isang Japanese-Korean  Resto. Pinag buksan nya ako ng pintuan kaya naman lumabas na ako.

Nakakain naman ako kanina pero konti lang pero wala parin akong gana.

Sinalubong agad kami ng waiter at ipinunta sa table na for two.

binigyan nya kami ng tag isang menu kaya may naalala ulit ako, kanina kasi diba hindi man lang tinapunan ni Top iyong menu kasi alam na nya kung ano ang gusto ko.

'Hayyy Emma huwag ka nang umasa pa, malamang alam nya iyon kasi ilang taon kayong nag sama' sabit ko sa isip ko.

"Jap Chae and mango graham shake. Ikaw Emma?" Napa lingon ako kay Deph at agad na tumingin sa Menu.

"A-ahm Chicken Donburi nalang." Sabi ko at nilapag na ang menu.

"Drinks?"

"Kung ano nalang iyong sayo."

Nag simula kaming kumain pero hindi kami nag iimikan sobrang awkward din ang situation ngayon.

"So ex mo yun?" Bigla nyang pinutol ang katahimikan kaya napa angat ako ng tingin sa kanya.

"Obviously yes." Sagot ko at nag patuloy sa pag kain.

"Parang 'di ka naka move-on." Napatingin ako sakanya, naka ngisi sya pero yung mata nya malungkot.

Napa-tikom ako ng bibig sa sinabi nya,panong hindi maka-move on kasama ko yung Robot version nya.

"I guess I still love him." Sabi ko at binitawan ang kobyertos at nag paalam.

Dumeretso ako sa washroom at doon tinignan ang mukha ko. Mugtong-mugto ang mga mata ko at ang ilong ko naman ay namumula.
Napahilamos ko ang kamay ko.

May nag aambang mahulog na luha sa mata ko pero di iyon natuloy nang may lumabas sa isang cubicle.

I stared at her through the mirror. she looks familiar but I can't remember when and where did I saw her.

"Staring is rude." Sabi nya at dumeretsong sink.

"Have we met before?" Tanong ko at inilabas ang powder ko.

"I don't think so darling." Sabi nya at agd ring lumabas, nag kibit balikat nalang ako at nag ayos.

"let's go?" Anyaya saakin ni Deph, ngumiti ako ng pilit at agad na tumango.

"Ihahatid na kita sa bahay mo, ituro mo nalang ang daanan patungo doon." Sabi nya at pinag buksan ako ng pintuan.

"Bakit ka pala iniwan ng boyfriend mo?" Tanong nya pero hindi ako sumagot nanatili lang akong nakatingin sa daan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RobotexWhere stories live. Discover now