"Topppp!" sigaw ko sabay hampas sa kanya.
Tawa sya ng tawa habang kinikiliti ako.Kainis.
Kanina habang nanonood ako bigla syang tumabi saakin, tapos maya maya maya bigla nya akong kiniliti kaya ngayon nag tatakbuhan kami.
"T-top! pagod na ako, t-tama na, hoo!" hinihingal kong sabi, tumigil naman sya pero tumatawa parin,huh? kaya namam tumakbo na ako papuntang kusina para uminom.
Habang kumukuha ng ako baso naramdaman ko ang presensya ni Top.
"Shit naman Top, Pagod na ako" sabi ko habang binubuksan ang ref.
At saktong pag inom ko ng tubig, naramdaman ko na lang ang kamay nya sa bewang ko at ang baba nya sa balikat ko
"T-top" nau-utal kong sabi, muntik pa akong mabulunan.
"Let's stay like this for a while, please" Malambing nyang sabi, sabay halik sa pisngi ko.
"I miss--" hindi nya tinuloy yung sasabihin nya, pabitin. Pero ang sarap lasapin ang gantong moment, nararamdaman ko pa nga ang hininga nya sa leeg ko--
wait what?
Napa hiwalay ako sa kanya bigla, Hininga? humihinga sya?
"Maliligo lang ako," wala ng lingon lingon pa akong tumungo sa aking kwarto.
Paano nag karoon ng hininga si Top? napapa-isip na naman ako.
Pag katapos kong maligo tutal weekend naman pupunta ako kila Kraystine. mag kukwento ako.
Nag jumper lang ako at white t-shirt ok na.
Pag baba ko ng hagdan nandun si Top sa may tapat.
"Saan ka?"
"Venice." nilagpasan ko sya at kinuha ang susi ko.
Lalabas na sana ako pero bigla syang nag salita.
"You're just wearing a simple outfit, but damn, you look so sexy." puno ng.... kamanyakan nya sabi, sabay lapit saakin.
Napalingon ako sa kanya.
Pero mga bes! pag lingon ko hinapit nya na agad ako, sabay halik....sa leeg.
"A-ng, ang manyak mo!" Pa bulyaw kong sabi, na may kasamang, ungol?
~~~~~~~
Kanina pa ako naka tulala.
Pag dating ko kanina dito sa bahay nila Venice agad akong naupo, lutang na lutang ako. sheez.
Agad na uminit ang mukha sa naalala.
Nagulat ako ng hinawakan ni Tine ang balikad ko.
"VEN naman, wag ka namang mang gulat!" sabi ko habang sapo sapo ang dibdib ko.
Ibinigay nya sa akin ang tubig na hawak nya, agad ko namang ininom.
"Ano ba kasing nangyari? kanina ka pa tulala?" tanong nya at umupo sa gilid ko.
"Arggh" agad kong tinakpan ang mukha ko, nag iinit na naman ito.
"You're flashing" sabi nya sabay ngisi ng nakakaloko, ano ba ?! Kinikilig na nga ako eh, pero...pero... ay basta! Di ko naiintindihan ang nararamdaman ko
.
Gosh, I don't know where to start. I ki-kwento ko pa ba?
gusto kong manahimik pero, arghh. Nakaka bulabog sa utak yung ginawa nya.
"S-si Top, hinalikan nya ako"- nahihiya kong sabi. agad kong tinakpan ang mukha ko. yung robot na yun pasasabugin ko na talaga!... pero huwag muna,hehe.
Ayy nako, sabog na talaga ako
"Halik lang naman." simpleng sabi nya pero nakaka loko parin ang tingin nya.
Humarap ako sa kanya, hindi lang simpleng halik yun eh!
" wag mong sabihin na french kiss? nagpalitan ng laway?-- oh by the way,may laway ba sya? Di ang dry?haha anong feeling?"tuloy tuloy nyang tanong habang humalakhak sya at tinitigan ako.
Ewan! hindi ko alam kung ano ang feeling kasi naman yung totoong Top hindi ako hinalikan ng may pag ka ---torrid?
"Kung french kiss, di ang dry ng kiss nya, kasi nga diba robot sya?" Kunot noong nyang tanong.
Napaisip rin ako, hindi naman dry yung halik nya, sa totoo nga ang soft tapos, parang katu-toothbrush palang kasi ang bango tapos nakaka adik--- ay! ano ba yan! ang manyak mo na rin Emma!
"Hala, na papa-smile nalang sya!" sinundot ako ni Kraystine sa tagiliran.
"Nagusto-han mo noh?" Nakakaloko syang ngumiti at tinaas baba pa ang kanyang kilay.
Ginulo ko ang buhok ko at mariing pumikit.
"Oh sya, nag luto ako ng cookies doon, kain muna tayo." anyaya saakin ni ven, nauna syang pumunta sa kusina.
lu-lugo lugo ako kung lumakad, nasipsip yata ng bibig ni Top yung lakas ko, edi wow.
bakit kaya ganun ang pakiramdam ko kanina, feeling ko totong lips yung kahalikan ko eh. Basa pa, tapos malambot! Shet.
punyetang Top, minamanyak ako, ako naman gustong gusto...hayy, robot naman yun kaya push, jk.
"ANO TUTUNGANGA KA LANG DIYAN?!" Sigaw ng bestfriend ko galing sa kusina.
**
Habang kumakain kami ng meryenda may bigla akong na alala. inangat ko ang tingin ko kay kraystine.
"Bes." pag aagaw ko ng atensyon nya kaya napaangat sya ng tingin.
Huminga ako ng malalin baga binitawan ang cookie.
"Anong meron sainyo ni Sir Al?" Halatang gulat sya sa tanong ko, namutla sya at umiwas ng tingin.
Ilang sandali ang lumipas pero di sya nag salita kaya tinuloy ko na ang pag kain, wala kasi yata syang balak mag salita eh.
"Nung araw na nahuli mo kami, pangatlo na namin iyon." Napa angat ako ng tingin sa biglaan nyang pagsasalita.
Hindi man sya naka tingin saakin halata nahihiya sya.
"Naging kami for two months---"
" dalawang buwun lang kayo pero naka tatlo na kayo?" Sarkastiko kong tanong bago humalukipkip.
Huminga sya ng malalim at tumayo.
