input one

8 1 0
                                        

"Ang sakit alam mo ba iyon?!"sigaw ko kahit alam ko namang wala itong nararamdaman.

"ang sakit sakit,Top. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para matigil ito!"ngayon umiiyak na ako habang ang robot na si Top(na pangalan ng ex ko)ay naka titig saakin.

"sampalin mo ako kung iyon gusto mo." bigla niyang sabi.

tumayo ako para mag ka pantay kami kahit mas matangkad siya.

Inabot ko ang mukha nya at hinalikan sya, pero wala eh, tinulak nya ako.

napahawak ako sa dibdib niya,sinuntok ko sya at pinag tatadyak, pero sa huli niyakap ko sya. hindi nagtagal nang hina ako sa kakaiyak kaya napa upo ako sa floor.

Ang tanga ko kasi, alam ko na nga  na hindi ako maka move on tapos nag imbento pa ako ng robot.

lahat ng iyak ko iniyak ko na noon akala ko sapat at ubos na iyon pero akala ko lang pala.

Tumayo ako at hinarap sya. Mariin akong pumikit at dahan-dahang lumabas... sa kwarto nya at dumiretso sa sarili kong kwarto.

masakit super,sagad to the bones.

nga pala , si Top ay  boyfriend ko este ex fiancee, tumagal kami ng anim na taon. Ang tagal namin diba?

sa mga taon at araw na pag sasamahan namin minsan lang kami kung mag away.

marespeto siyang lalake, ni minsan wala pang nangyari saamin, hugs and kisses lang wala ng iba pa.

Masaya kami sa isat isa, may sarili na rin kaming bahay at ang bahay na yun ay itong tinitirhan ko.

Lumipas ang araw pumunta siya sa America para asikasuhin ang kompanya nila. naiintindihan  naman kasi ilang beses na siyang pumupunta dun, minsan nga kasama pa ako.

Habang nandoon siya gumagawa ako ng human-size na robot, hindi ko pa na-install iyon noon, wala pa itong muka at puro steel lang ang nakikita;steel na ulo paa kamay at buong katawan.

araw,linggo buwan at taon ang lumipas walang Taong Top ang nag pakita at ginamit ko ang mga panahong iyon upang gawin ang Top na robot, at noong nakaraang linggo in-activate ko na ito.

noong minulat nya ang kanyang mata, noong.siya'y gumalaw at nag salita doon ko nakitang wala silang pinag kaiba, kaya bumuhos ang luha ko.

finally nakita ko si Top pero Top na robot nga lang...

naputol ang pag iisip ko nang mag pakita siya dala dala ang pagkain.

shit na malagkit ang pogi niya pero-- nevermind.

binigay niya saakin yung tray at nagsimula na akong kumain.

naka titig lang sya saakin habang kumakain, para syang estatwa hindi man lang gumagalaw.

Hindi ko iyon inubos dahil wala akong gana, inilagay ko ang tray sa side table at humiga na.

kinuha nya iyon at habang naka tingin ako sa kanya saglit akong nakakita ng emosyon sa mata nya pero bigla rin 'tong nawala.

"ayusin mo yan Top." sabi ko habang kinukumutan ang katawan ko.

at doon ako,

umiyak

RobotexWhere stories live. Discover now