Trigger 52 - A new threat is on the way

Start from the beginning
                                    

Sabrienne: "Mommy! I missed you so much kahit na kanina lang na-saw kita sa house. Mommy good girl po ako kasi hindi ako nag-cry kahit na po first day ko po sa school ko at may mga friends na rin po ako!"

Napatawa ako sa pagiging madaldal niya pero napatigil lang sa pagsasalita ang anak ko noong lumapit sina CJ sa amin at noong mag-angat ako ng mukha sa kanila, nakikita ko kung paano nila titigan ang anak ko na nagtatago naman sa likuran ko.

Micaela: "She's a cutie! I wanna hug her."

CJ: "Hello, Sabrienne. I'm your uncle CJ and this is your auntie Ela. Nice to meet you, baby girl."

Napalingon ako kay Sab at nakikita kong nag-h-hesitate pa siyang lapitan at hawakan ang kamay ni CJ pero kalaunan ay tuluyan rin siyang lumapit sa dalawa at ilang minuto lang ay sila na ang dinadaldal ng anak ko. Natatawa kami sa mga kung anu-anong kwento ni Sabrienne.

Pagkatapos ng tawanan ay dumiretso kami sa isang fast food chain na may palaruan para sa anak ko at para na rin makakain dahil nagugutom na rin naman kami. Kapag kasama ko talaga ang anak ko, nakakagutom talaga.

Micaela: "You have a kind and smart daughter, Belle. Parang hindi nga siya adopted kasi parang tunay mo siyang anak. I'm really happy for you."

Belle/Bella: "Thank you, Ela."

Micaela: "Pero sana maalala mo na lahat, kahit iiwan mo nalang iyong masamang alaalang naranasan mo noon."

Belle/Bella: "Kung pwede lang na pabilisin ko ang pag-alala sa lahat at kung pwede lang piliin ang gusto kong maalala sa ayaw ko, gagawin ko. Pero sa unang naalala ko palang, masama na e."

CJ: "Oo nga. Naalala mo pa talagang una iyong namatay ang Papa mo sa mga kamay ni Jerome Salcedo. Pero huwag kang mag-alala, Belle. You will eventually remember all of the memories you've lost. Patuloy ka pa namang nagpapa-consult regarding sa amnesia mo 'di ba?"

Tumango ako sa itinanong niya pagkatapos ay kumain na kami ng tahimik. Sinusubuan ko ang anak ko ng paborito niyang burger steak na may kanin, habang kumakain na rin ako. Noong natapos kaming kumain ay pumunta naman kami sa Mall para balikan ang laruan na pinangako kong bibilhin kay Sab. Noong nakaraan kasing nandito kami ay kinailangan kong umalis agad dahil nanakit bigla ang ulo ko.

We went to the toys' store and my daugher immediately went to where her favorite dolls' were and got one at lumapit sa akin. 

Sabrienne: "This is the one that I like because I look like her, Mommy, A princess."

I pinched her left cheek softly and kissed it after.

Belle/Bella: "Yes, baby Sab. You are my princess."

Sabrienne: "I'm your princess one, and then later on, I'll have a sibling and she will be the princess two. I'm so excited."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya o hindi pero hindi ako napangiti doon. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya na hindi na matutuloy ang kasal ko kay Lloyd kaya hindi niya na magiging future daddy ang huli. At nalaman ko pa kahapon lang na may girlfriend na si Lloyd. That fast! I talked to him yesterday and I made him spill everything to me and he did. Kilig na kilig nga ang lalaking iyon habang nikukwento niya kung paano naging sila ni Cessna, her nerdy secretary na hindi naman pala nerdy. 

Sabagay, noong una palang nagagandahan na ako sa kanya kahit pa nga para siyang iyong manang manamit at naka-salamin ng may malaking frame at naka-bun ang buhok. At noon ko pa rin napapansin ang kakaibang kislap ng mata niya kapag nakikita niya ang ex-fiancee ko noon at ang sakit kapag nakikita niyang kasama ko si Lloyd at pati si Sab. 

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Where stories live. Discover now