Inabot ni Addie ang cellphone nya sakin at pinakita ang nandoon. Nanginig ang kamay ko sa nabasa ko.

"Lianna is dead." Sambit ni Addie na tuluyan ng naluha. Ganon din si Brix habang si Kulas naman ay nakayuko.

"AAAAAHHHHHHh!!!"  Hinampas ko sa table yung boteng hawak ko. Tumalsik naman sa paligid ang basag-basag na piraso nito. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko at hindi ko matanggap ang mga nalaman ko. Agad akong hinawakan ni Kulas at Brix nang ihahampas ko sana ulit yung boteng nasa harap ko.

"Aaahh!! Bitiwan nyo ko!!" nagpupumiglas ako sa pagkalahawak nila at nagsisigaw. Putang*na ang sakit!!

"Zan tama na!"

"Huminahon ka Zandy. Andito ang kapatid mo ano ba?!"

"Sh*t."

***

Mabilis na pinaandar ko ang kotse habang si Mayu naman ay nag-aalalang nakatingin sakin. Rinig ko ang paghampas nila Addie sa windshield ng kotse, kanina pa nila ako pinipigilang mag-drive kasi delikado daw kami ng kapatid ko sa sitwasyon ko ngayon pero wala, parang may sariling utak ang katawan ko.

"K-kuya? Don't cry please?" Tinignan ko si Mayu na nakatingin sakin at parang takot at nag-aalala. Mabilis ko namang pinaharurot ang kotse. Damn!!! Ang sakit sakit putang*na.

"Dont mind your kuya Mayu." Pinunasan ko ang luha ko dahil ayokong nakikitang ganyan ang kapatid ko.

"I know you're hurt. Im hurting too kuya. Please stop crying." Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Mayu. Pitong taong gulang lang sya pero napaka-matalino at mature nyang bata kumpara sa iba kaya gustong gusto ko sya. Kaya nya kong intindihin. Pero sa mga oras na ito umaapaw ang sakit na nararamdaman ko kesa sa realidad na nagmamameho ako habang natatakot at nag-aalala si Mayumi. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Lianna. She's dead. Na-murder sya hayop at demonyo nilang kasambahay. P*ta!!!

"I love you kuya. Wag kang malulungkot ha?, don't blame yourself." Nakita kong ngumiti sya.. Patuloy lang ang pagbuhos ng luha ko, hindi ko alam pero parang may ibang gustong iparating sakin si Mayu sa sinabi nya pero hindi na ko nakapag-isip pa ng maayos nang malakas na bumangga ang kotse namin sa isa pang kotse na kasalubong namin.

Parang nag-slow motion ang paligid. Paulit ulit lang sa isip ko ang mukha ni Mayu na nakangiti at ang mukha ni Lianna na nagparamdam sakin ng kakaibang sakit. P*tang*na sana matapos na ang nararamdaman ko.. Sana makalimutan ko nalang sya para hindi ako nasasaktan ng ganito at ng kapatid ko. Ang lakas ng epekto nya sakin..Yung taong mahal na mahal ko..

Naramdaman kong nagpagulong gulong ang sinasakyan namin hanggang sa may mainit na likido ang dumaloy mula sa ulo ko pababa sa buong mukha ko. Si Mayumi!..  Sh*t!!!!

~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×

"Aarrrggh!" Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong medyo kumirot ito. Agad akong napahawak sa mata ko, parang may namumuong luha kasi. Deym!

"Sh*t! Mabuti naman at gising ka na Zan." Tinignan ko ang pinanggalingan ng boses. Si Brix lang naman iyon kasama si Addie at Kulas. Sh*t!! That...dream. Bakit parang totoo?

"Bakit kayo nandito? At...nasan a-ako?" Tinignan ko ang paligid ko. Nakahiga ako ngayon sa isang puting kama sa puting silid. Wow. Anong nangyari??? Bakit wala akong maalala?

"Seryoso ka Zan? Di mo ba maalala?" binalingan ko ng tingin si Addie na nagtataka.

"Hindi ba halata?" Bumangon na ko, medyo nahihilo pa ako pero wala akong pakialam. Medyo nanghihina ako dahil sa panaginip na yun na parang totoo. At bakit feeling ko affected ako? Aish!! Bakit ba kasi andon din si Mayu? Siguro epekto lang ng pagiging guilty ko na si Mayu ang nabangga ng truck imbes na ako.

"Nasa hospital ka Zan. Nakita kang walang malay sa tapat ng isang kwarto malapit sa room ng kapatid mo."

Ano daw?? Ako? Nawalan ng malay?? Talaga ba?? -______- Bakit wala akong maalala.

"Addie. Tutal ikaw ang pinaka-honest satin---"

"Aww! Grabe ka samin Zan." Sinamaan ko agad sila ng tingin. Mga reklamador. -_- Nagsitahimik naman agad sila nang mapansing seryoso ako.

"Dahil nga honest ka Addie, may napaniginipan kasi ako... Nabangga daw yung kotseng sinasakyan namin ni Mayu dahil kay Lianna? Naguguluhan kasi ako eh. Parang totoo yung panaginip. Sino si Lianna? Malakas kasi ang kutob ko na hindi totoong nabangga ng truck si Mayu at nahagip naman ako dahil sa pagligtas nya sakin. Magsabi nga kayo ng totoo." Pinigilan kong mapaluha pagkasabi ko nyan. Oo, sobrang affected ako sa panaginip na yun. Kahit na pilitin ko ang sarili kong wag umiyak at magmukhang kaawa awa sa harap nila hindi ko mapigilan. Hanggang ngayon kasi ramdam ko parin yung emosyon ko sa panaginip na yun.

Natigilan sila Addie sa sinabi ko. Para silang mga bato na hindi humuhinga at hindi gumagalaw. Sinasabi ko na nga ba. May mali sa kwento ni Dad sa aksidenteng kinasangkutan namin ni Mayumi.

"Kasi Zan.. Si.. I mean, Sabi kasi ni Tito.. Ano.." Bakit? Yung panaginip na yun. Ilang beses ko ng napapaniginipan at sa tuwing nagigising ako lagi nalang akong umiiyak.

"Ituloy mo Addie." Nagsitinginan silang tatlo sakin, nagtinginan din sila sa isat isa na para bang nagtatalo kung sasabihin ba nila o hindi. Walang nagsasalita sa kanila.

"Addie." Pagtawag ko ng atensiyon nya. Naputol ang tinginan nila at napatingin sakin.

"Ay! Alam mo Zan wag mong pansinin yang si Addie. Ano ka ba.. Panaginip lang yun. Wag mo kasi masyadong sisihin ang sarili mo sa nangyari kay Mayu.." tinignan ko si Brix na sinalo ang tanong ko kay Addie. Mali ito. May tinatago talaga sila sakin.

"Sabihin nyo nga? Bakit wala akong maalala sa nangyari? Nagka-amnesia ba ko?"

Kita sa pagmumukha nila ang gulat. Bigla namang natawa si Kulas.

"Alam mo bro, kung nagka-amnesia sya dapat hindi mo kami maalala." Humalakhak sya at tahimik naman yung dalawa pero kalaunan ay nagtawanan na din. Mga gag*! -_-

"Ryt!!" Iniwan ko sila dun na nagtatawanan. Mga adik talaga. Pagtawanan daw ba ako. Pero may point sya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi ko maalala ang nangyari samin sa mismong aksidente. Hindi ko alam ang iisipin ko. Wala akong makitang mali sa sinasabi nila Kulas pero may part sakin na hindi naniniwala sa kanila. Yung sa panaginip naman parang totoo talaga at bakit affected ako don? Tae! Mababaliw na ba ako.

"Sh*t!" Napatigil ako. Gulat na tinignan ko ang babaeng nakasalubong ko. Nakasuot sya ng long white dress na puti at nakatalikod. Nagsitindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nilingon nya ko at nagtama ang mga mata namin. Kumalabog ang puso ko nang makita sya, tulad ko ay gulat din sya sa nangyari.

Damn! Bimilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko sa kanya.

Christmas Eve (The Falling Star)Where stories live. Discover now