Ang Simula

254 16 5
                                    

'I am Avery. 17 years old, Small yet gorgeous. Im not updated in happenings around me. I don't talk too much. Im prone to trouble, and this is my story.'

9minutes before Christmas~
"Life is full of struggles, you cant live without them. Its up to you if you're going to fight or let it bring you down. And its your choice if you will LEARN or FAIL." Nandito ako ngayon sa rooftop ng apartment ng mga magulang ko na may 6 floors. Malamig ang simoy ng hangin lalo na andito ako sa mataas na parte. Im alone like I used to be.

8minutes before Christmas~
Ayokong makisama sa iba dahil hindi ako komportable. Ni hindi ko nga alam kung mapagkakatiwalaan nga ba sila, kung pinag-uusapan at sinisiraan nila ako pag nakatalikod, at kung naiintindihan ba nila ako. It's not that I dont trust them, aware lang talaga ako na kahit magbestfriend pa kayo, may masasabi't masasabi parin kayo sa isa't isa. Why? Because everyone in this generation is judgemental. Totoo yan. Kahit gaano ka pa kabait di mo parin maiwasang mag-isip ng negatives sa kapwa mo. Tama hindi ba?

7minutes before Christmas~
Kung iniisip nyong mabait ako, nagkakamali kayo. Marami na kong nagawang kasalanan at ngayong ilang minuto nalang before the Birth of Jesus Christ, I feel something weird sa loob loob ko. It's like habang palapit ng palapit ang pasko ay gustong gusto kong baguhin ang sarili ko for HIM. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko lang ay sya ang nasa isip ko sa mga oras na ito.

6minutes before Christmas~
Nakatingin lang ako sa mga bituwin. Inaalala ko lahat ng mga pagkakamali ko. Bawat araw na nabubuhay ako ay may nagagawa ako kasalanan. Nang-aasar ako, nagsisinungaling, nag-iisip ng masama, nagsasabi ng hindi totoo, nanglalait (sa isip), nagyayabang, mas inuuna ang gadgets, sinasagot sagot ang magulang, nang-aaway ng kapatid, suwail, tamad, nagagalit sa magulang pag hindi sinunod ang gusto ko, iniisip na sana mamatay nalang sila pag sobrang galit ako, bumabawi pag may nakasakit sakin, nang-lalait ng iba mapatawa lang ang mga kaibigan ko, sumasabay sa hindi magandang bisyo ng mga kaibigan para hindi sila nainis sakin, at napakarami pang iba.

5minutes before Christmas~
Sa sobrang dami kong ginagawa hindi ko na naaalala pang magdasal dahil MAS inuuna ko ang sariling kasiyahan ko. Pag may problema ako saka ko lang sya maaalala at magdadasal. Ngayon naiisip ko ang lahat ng ginagawa ko nagi-guilty ako. Oo hindi ko sya nakikita at nakilala ko lang sya dahil sa relihiyon namin. Pero naniniwala ako sa kanya, sadyang nagpapakabulag lang ako sa mga bagay na nag-foforce sakin para makagawa ng kasalanan. Na-rerealize ko na napaka-selfish ko. Sarili ko lang ang iniisip ko samantalang alam ko naman na nakabantay lang sya. Hindi ko iniisip kung anong nararamdaman nya dahil hindi ko naman sya nakikita't nakakasama. Oo alam ko napakalaking pagkakamali iyon at alam kong nasasaktan ko sya, Hindi mali. Nasasaktan natin sya dahil hindi lang ako ang may ganitong ugali.

3minutes before Christmas~
Bawat pagtama ng hangin sa balat ko napapapikit ako, humiling na sana tulungan nya kong magbago. Kasi inaamin kong nagkamali ako at alam kong mauulit at mauulit ang lahat ng 'to. May mga araw na sumasagi sya sa isip ko pero alam kong mas nangingibabaw ang ibang bagay sakin kaya nababale-wala ko lang sya.


1minute before Christmas~
Kung iisiping mabuti napakalayo talaga ng agwat natin sa kanya, langit sya lupa tayo, banal sya makasalan tayo, nagsakripisyo sya nagpapakasaya tayo.

40seconds~
Alam mo yung feeling na sinasaktan mo yung taong walang ibang ginawa kundi tulungan at intindihin ka? Ganun ang naiisip ko ngayon sa mga oras na ito.

20seconds
Nasa mga bituwin lang ang mga mata ko, napakaganda, napaka-kalmado. Sa oras na ito naa-appreciate ko ang tunay na ganda ng mga biyaya mula sa taas dahil halos buong buhay ko binalewala ko lahat ng dapat ay nakita't na-appreciate ko na noon pa.

10seconds~
Pero wala, dahil hinayaan kong makontrol ako ng isip ko, ng gadgets ko, ng mga kaibigan ko, at ng PERA.

2seconds~
Napatigil ako sa pag-iisip nang ma-spot-an ko ang isang falling star! Napaka-ganda. Tumatalon sa tuwa ang puso ko. Ganito pala ang feeling, first time kong makakita nito. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagdasal imbes na humiling.

Ama naming nasa langit, tulungan mo kaming magbago. Patawarin nyo kami sa lahat ng kasalanan namin. Salamat sa lahat lahat. Mahal na mahal po namin kayo.

Maligayang kaarawan Papa Jesus.
Merry Christmas!


Author's short Note: Hello po readers? Kung meron man ^_^v Pasensya na First Story ko po ulit to sa Spiritual Category so sorry sa mga napansin nyong Mali sa Grammars, typos ang everything. Thanks sa oras mong basahin ito. :) God bless..

-sharr_nea

Christmas Eve (The Falling Star)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें