Dream or Reality

11 0 0
                                    

Kei Zandy Takishima

"Bro, condolence nga pala."

Agad na napatingin ako kay Addie. Pinagsasabi nito? Lasing na ata. Napaka-goodboy kasi, ayan di sanay sa bar at inuman -_-

"Kelangan mo na bang dalhin sa rehab Addie?"

Nagtinginan sila Brix, Kulas at Addie sa sinabi ko.. Nagpakita sila ng isang nagtataka at kakaibang tingin sakin. Kinabahan tuloy ako.

"Seriously Zan?" Ininom ni Brix ang alak nya.

"Bro, hindi pa ata nya alam." Tinapik naman ni Addie si Kulas sa balikat. Ako naman tong parang tangang tinitignan lang sila sa bawat tinginan nila sa isat isa. Tae kinakabahan ako.

"I think so." Yumuko si Kulas na ipinagtaka ko. Srsly? Itong bad boy na to magpapakita ng ganyan sa harap namin?

"Guys! Ano ba? May hindi ba kayo sinasabi sakin??" Umiwas ng tingin si Addie, uminom naman ulit si Brix, si Kulas naman napalunok. WTH?

"Ano? Sumagot nga kayong mga gag* kayo." Medyo naiinis na ko kaya ininom ko lahat ng laman ng glass wine ko. Kumuha ulit ako ng isa pang bote ng alak. Tinignan ko sila isa isa.

"Zan. Ikaw ata ang lasing sating apat eh." Tinignan ko ng masama si Addie.

"Im not drunk." Balewalang sabi ko.

"Alam mo Zandy umuwi ka na. Kasama mo pa naman si Mayu." kita ko sa mata ni Brix ang pag-aalala pero mas nangibabaw sakin ang curiosity.

"Pwede ba? Iniiba nyo ang usapan eh. Sabihin nyo na ang dapat nyong sabihin kung ayaw nyong mabasag lahat ng mahawakan ko." Ganito ako pag naiinis o galit. Lahat ng mahahawakan kong bagay itatapon ko. Alam kong alam nila yan kasi ilang beses na nila ko nakitang magbasag ng gamit.

"Pero Zan--"

"Sasabihin nyo o hindi?" Nagkatinginan ulit silang tatlo. Seryoso ako dito at ramdam kong naging intense ang atmosphere naming apat dito sa condo ni Kulas.

"She's dead." Binaling ni Addie sa ibang direksyon ang tingin nya matapos nyang sabihin iyan. Nakaramdam naman ako ng kakaibang kaba.

"Addie!" Suway ni Brix.

"Paki-ulit nga Addie? Sinong patay?" naguguluhang sabi ko. Kita ko kung paano sila mataranta. Namumula din ang mata ni Addie habang tinitignan sya ni Brix. Natahimik silang tatlo. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.

"Answer me!" Inis kong sabi.

"Damn! She's dead Zan. Lianna is dead." Parang huminto ang paghinga ko sa sinabi ni Kulas. Pumula ang mata nya at parang pinipigilang umiyak habang sila Brix naman ay uminom lang ulit ng alak at hindi makatingin sakin pero kita ang pamumula ng mga mata nila.

"Haha! Mga gag*. Ulitin nyo pa yang birong iyan makakatikim talaga kayo sakin." Tumawa ako ang mapait at tumungga ng alak. Its not a good joke. Not Lianna, wag ang mahal ko.

"Its not a joke Kei Zandy." Sambit ni Kulas. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bote ng alak. Damn. Kanina ko pa nililibang ang sarili ko dahil yan din ang naririnig ko sa school bago kami pumunta dito pero i keep on convincing myself na hindi si Lianna na mahal ko ang tinutukoy nila. Pero ngayon sa kaibigan ko na mismo narinig ang mga salitang yan.

"No, she's not dead." Tinungga ko ang bote at ininom ang alak ng dirediretsyo. Sa di malamang dahilan naman ay kusang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Nanlamig ang buong katawan ko at parang sinasaksak ang puso ko.

Christmas Eve (The Falling Star)Where stories live. Discover now