In Between (Life & Death)

30 0 0
                                    

[Avery - Her Life while fighting death.]

Alam mo ba ang dahilan kung bakit nabuhay ka? Kung bakit sila ang kasama mo? at kung bakit sila ang nakilala mo?

Kasi ako? Hindi ko alam ang sagot dyan, dahil nung nabubuhay pa ako hindi ko iniisip yan. Tama! Patay na ko, hindi..hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Nasa lupa pa ako, nakikita't naririnig ko sila pero hindi nila ako nakikita. Hindi ko maintindihan? Gusto kong bumalik ang lahat sa dati pero hindi ko alam kung papaano. Hindi ko alam kung bakit nabuhay pa ako kung ganito lang rin ang kahihinatnan ko.

"Kuya naman Paki-usap. Tatlong buwan na syang hindi gumigising! Makina nalang ang bumubuhay sa kanya! Patay na sya naiintindihan mo? Tumigil ka na.!" sigaw ng kapatid kong si Demi kay kuya Charlie.

Mahirap mag-isa. Wala kang mapagsasabihan ng nararamdaman mo. Tulad ko, tatlong buwan na kong nasa ganitong kalagayan. Paulit-ulit kong naririnig sa kanila na patay na ko pero bakit andito pa ako? Hindi ko matanggap to. Gusto kong sabihin sa kanila na andito lang ako pero wala naman silang naririnig. Gusto ko silang yakapin pero hindi ko sila mahawakan. Gusto kong malaman ang nangyari sakin bago ako nagkaganito pero hindi ko alam kung paano.

"Hindi Demi! Wag mong sabihing patay na si Avery!. Lumalaban sya. Lumalaban ang kapatid natin!. Hindi sya patay at di sya mamamatay."

Pumatak ang luha ko sa narinig ko. Hindi sumusuko ang kuya ko. Nasasaktan ako para sakin at para sa kanila. Magkakasama kami pero ako lang ang may alam nun.

Tinalikuran ko na sila. Tumakbo ako papalayo. Hindi ko kayang makita silang ganyan. Nahihirapan ako, wala akong magawa..

Tumigil ako sa isang playground na lagi kong pinupuntahan. Umiyak ako ng umiyak. Malalim na ang gabi pero andito parin ako habang sila kuya ay nag-tatalo nanaman dahil sakin.

Napahawak ako sa dibdib ko nang may maramdaman akong kung ano. May something sa katawan ko. What's happening? Parang naglalaho ako? Hindi kaya kukunin na ko????? O_O

****

HIS POV

Im here at hospital. Starring at my little sister's face. I keep on blaming myself kung bakit sya nandito. It should be me not her. Nasasaktan ako para sa kanya. Alam kong nahihirapan na sya pero ayoko syang pakawalan. The doctor said, makina nalang daw ang bumubuhay sa kanya. I chose to be selfish at mas piniling wag bunutin ang oxygen na bumubuhay sa kanya. I know she's brave. Malalagpasan nya to, hindi ako iiwan ng kapatid ko.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. I kissed her forehead and stared at her for a second. Kung meron mang dapat mawala ako yon at hindi ang kapatid ko.



While walking, may narinig ako nag-aaway. Hindi ko alam kung kelan pa ko naging chismoso kasi naramdaman ko nalang na nasa may nakaawang na pinto na ako at sinisilip sila.

"Kuya naman Paki-usap. Tatlong buwan na syang hindi gumigising! Makina nalang ang bumubuhay sa kanya! Patay na sya naiintindihan mo? Tumigil ka na.!"

"Hindi Demi! Wag mong sabihing patay na si Avery!. Lumalaban sya. Lumalaban ang kapatid natin!. Hindi sya patay at di sya mamamatay."

May kumirot sa puso ko nang marinig ang pinagaawayan nila. I look at the patient. Katawan nya lang ang nalikita ko dahil nakaharang ang katawan ng batang babae na sa pagkakarinig ko ay Demi ang name. Katulad ng kapatid ko ay marami ding nakakabit na apparatus sa katawan ng pasyente.

"Kuya. Ako ang nahihirapan para kay ate. Please. Let her go. Ang sakit sa loob ko na nakikita ko syang ganyan." Umiyak ang bata habang nakikiusap sa kuya nya. Nakaramdam ako ng awa. I remember my sister with her. She's brave enough to face the consequences. Tingin ko ay anim na taong gulang lamang ito.

"Im sorry Demi. I just cant afford to lose her. Please, give me one month. Isang buwan pa na manatili sya dito. Pag hindi parin sya nagigising, ipapatanggal na natin ang oxygen para hindi na mahirapan ang ate mo. Just one month Demi.." Niyakap niya yung kapatid nya at naiyak silang dalawa. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mukha ng pasyente.

I felt something weird sa dibdib ko. She looks familiar. Half face nya lang ang nakikita ko kaya hindi ako sure kung kilala ko ba talaga sya.

"Com'on. Iuuwi na muna kita sa bahay Demi. You should rest."

Mabilis akong naglakad palayo nang makitang palabas na sila ng room. WTH did I do. Bakit ko ba pinakinggan ang mga yon? Hindi naman ako chismoso dati ah. Hays!! Im just stress lang siguro. Ilang araw na din akong hindi nakakatulog ng maayos dahil kay Mayu.

Imbes na bumalik na ko sa bahay ay naramdaman ko nalang ang sarili ko na bumabalik sa kwartong iyon. Pumasok ako sa kwarto nya at sa di malamang dahilan ay napatitig ako. She's really familiar.

Nilapitan ko sya dahil sa pagtataka pero imbes na tignan ko lang sya ay iba ang ginawa ng katawan ko. Hinawakan ko ang pisngi nya. Pagkatama ng kamay ko sa mukha nya ay agad akong napapikit nang
may mga pangyayari ang nag-play sa utak ko.

[(Nakaramdam ako ng kakaiba sakin at hindi ko inaakalang ito ang magiging dahilan ng pagbabago ng buhay ko.)]

Author's note: On-going po ang story na to. ^_^ Salamat sa oras mo para basahin ito. :)

-sharr_nea

Christmas Eve (The Falling Star)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora